"Jessica." Tawag sa akin ni Ella. Huminto ako sa pagwawalis at tiningnan ito.
"Bakit?" Sagot ko sakanya.
"Excited ka na ba?" Nangingiting tanong nito. Huh? Saan? I gave her a confused look at mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin nito kaya napairap nalang siya.
"Ay hindi mo pa pala alam. Bukas kasi ang bakasyon para sa lahat ng workers dito sa mansion. At excited na ako." She giggled. Bakasyon? Mabuti at naisip ni Sir yun.
"Lahat? As in lahat talaga? Pati mga guards?" Tanong ko.
"Oo pero one week lang naman para daw makapag celebrate kami ng Pasko kasama ang pamilya namin." Sagot nito. Ay oo nga pala next week na ang pasko and I think I'll celebrate it alone. Mapait akong napangiti sa isip ko. It's the first time though, celebrating Christmas without my family is kinda lonely but I think I'll get used to it.
"Saan ka magpapasko?" Tanong ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay na parang ang tanong ko na ang pinaka obvious na tanong sa buong buhay niya.
"Syempre sa bahay namin kasama ang pamilya ko. Tinatanong pa ba yan?"Sagot niya. Pwede naman kasing sa isang lugar kasama ang boyfriend niya pero wala nga pala tong boyfriend.lol.
"Ikaw? Saan ka magpapasko?" Tanong niya sa akin. Bigla akong napa-isip. Oo nga no? Saan kaya ako magpapasko. Siguro hindi nalang ako magbabakasyon para walang dagdag gastos at wala naman kasi akong mapupuntahan e. Alangan naman uuwi ako sa amin para mag celebrate ng pasko tapos lalayas na naman.
"Sa tingin ko dito nalang ako magpapasko." Nakangiti kong sabi. Bigla naman itong nagtaka.
"Hindi ka uuwi sa inyo?" Tanong ni Ella. Saan sa bahay? Baka pag-uwi ko doon hindi Christmas party ang maabutan ko kundi Engagement party.
"Hindi na. Alam mo naman diba wala na akong pamilya." Nalulungkot kong tugon. What a great actress Jess! Pwede ka nang bigyan ng award. Bigla namang napunta sa malungkot na ekspresyon ang mukha ni Ella.
"Ay oo nga pala sorry. Pero okay lang ba sayo ang maiwan dito kasama si Sir? Gusto mo isama nalang kita sa amin?" Nag-alalang tanong nito.
"Wag na. Sanay na ako sa ugali ni Sir kaya okay na ako dito." Sagot ko sa kaniya. Hindi na nagpumilit pa si Ella kaya binalik ko na ang atensiyon ko sa pagdedecorate ng Christmas Tree.
Lumipas ang ilang sandali ay natapos na namin ang pagdedecorate. Bahagya akong umatras at tiningnan ang kabuoan ng christmas tree. Wow ang ganda.
Bigla kong naalala ang mga panahon na hindi pa ako naglayas. Yung panahon na nagtatawanan pa kami dahil sa nag-aagawan kami ni Mom kung sino ang maglalagay ng star sa tuktok ng christmas tree. Mapait akong napangiti. Stop thinking about Gabby's past she's already gone! You're already Jessica not Gabby!
Niligpit ko ang mga gamit at nagtungo na sa storage room. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. Nagpaalam muna si Ella sa akin dahil may gagawin pa daw siya para sa plano niyang isurprise ang pamilya niya.
Hinugasan ko ang pinag-inoman ko at aalis na sana nang mahagilap ng paningin ko si Sir Uno na papasok sa kusina.
Nag-abot ang mga paningin namin at ako ang unang umiwas sa mga mapanghusga niyang mata. Na-aawkwardan parin ako dahil sa nangyari noong nakaraan.
Sinimulan ko nang ihakbang ang aking mga paa para makaalis na sa harapan niya nang tawagin niya ang pangalan ko.
"Jessica." Kalma na sabi niya.
Nanindig lahat ng balahibo ko dahil doon. What the heck? Bakit ako nagkaka goosebumps e hindi naman siya galit. Maybe because its the first time he called me with my name.

BINABASA MO ANG
Twisted Fate
RomanceGabriella Arcus was born to be the star in the field of pageants-according to her parents. No one opposes it since she has the beauty and brain. At the age of six, she already started her training to be a professional candidate until she reached her...