Naimulat ko ang mata ko ng biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumingin ako sa paligid pero wala na sya sa tabi ko. Agad akong bumangon at nag hilamos, pagkatapos ay naglakad kagad ako palabas ng kwarto. Pero isang hakbang bago ma tungo ko ang kusina, natigilan ako ng makita sya habang abala sa ginagawa. Parang ang cute nya tingnan habang naka aipron at abalang-abala sa pag luluto. Lumapit ako sakanyang likod at niyakap ng napaka higpit dahilan para mapatigil sya sa ginagawa nya.
"Good morning" May ngiti sa labi kong bati ng makaharap na sya sakin. Ramdam na ramdam ko ang pawis nya habang naka yakap sa katawan ko.
"I love you.." tinasan ko nga ng kilay, Enebeh.. ang aga-aga nag papakilig kagad eh!. =^_^=
"Sige na!. Umupo ka na dyan at mag breakfast. May klase pa tayo diba?!." Saad nya.
Ngumiti lang ako at umupo na. Nga pala andito kami ngayon sa condo ni Kyle, dito na nya ko pinatulog kagabi eh sa gabing-gabi na natapos yung surprise party daw. Eh pumayag din naman si Kuya kaya okay lang, tutal may tiwala naman sya kay Kyle.
"Ah.. nga pala, mamaya uuwi muna ko ng bahay.." Pag papalam nya sakin.
"Eh bat ka pa kasi dito nag sstay? pwede namang sa bahay nyo kanalang tumira" saad ko habang iniinom ang tinimpla nyang kape.
"Ano ka ba! Eh gusto ko lang maging independent, tutal ikaw narin nag sabi sakin dati na hindi sa buong buhay ko andyan si Mama at Papa, kaya habang maaga, matutunan kong tumuntong sa sarili kong paa, lalo na ngayong aalis na naman sila mama." Pag papaliwanag nya.
"Hmm.. Ok.." yun nalang ang nasabi ko at saka nilamon ang pag kain na inihanda nya. Wala rin akong magagawa sa ka tigasan ng utak netong ipis nato.
"Zein.." napaangat bigla ulo ko ng tinawag nya pangalan ko. "May tanong ako.."
"Hmm?, Ano yun?!."
"Hmm.. P-pano kung isang araw.. N-nagising ka.. mawala nako sa'yo?.." Tinaasan ko sya ng kilay sa tinanong nya. Hindi ko alam kong tanong ba talaga yun o kung ano!.
"Huh?!. Anong ibig mong sabihin?!. " May pag ta-taka kong tanong.
"Ahm.. wala lang naitanong ko lang " tiningnan ko sya sa mata bago nag salita ulit.
"Pano kung isang araw mawala ka na sakin?!. Hmm.. edi bye! " Diretso kong saad.
"Huh?!. Hindi mo ba ko hahanapin?!. Oh kaya mami-miss?!."
"Hindi!.".. "Kasi alam kong hindi mangyayari yun" sabay sabi ko ng nakangiti. Hindi ko alam kong ano ba talaga gusto nyang sabihin, pero sinagot ko lang yung tanong na sigurado ko sa sagot. Dahil hinding-hindi ko papayag na mawala sya sakin.
"I love you Zein" isang napakalaking ngiti na naman ang gumuhit sa ko labi ko.
"I Love you more Kyle.." At tuluyan na kaming nilanggam. Hehe =_=V
.
Pagkatapos nun nag ayos na kami pareho. Sabay kaming pumasok ni Kyle gamit ang kotse nya. Pagkarating namin ng campus balak nya pa sana akong ihatid ng room kaso ilang minuto na lang mag sisimula na klase nila, kaya nag hiwalay na kami ng direksyon.
"Zien!!." Napalingon ako ng marinig ko ang pangalan ko. At nakita ko si Lissa habang tumatakbo palapit sakin.
"Oh bakit?!." Pang bubungad na tanong ko.
"Zien!. Anong..anong nang.. nangyari?" Tanong nya habang hinahabol ang paghinga.
"Huh?!. Anong ibig mong sabihin?!." Taka kong tanong. Eh sa di ko alam kung anong tinutukoy nya eh.
"Ano ba!. Edi yung pagkatapos nung party-party kagabi!." Inisip ko naman kong anong ibig nyang sabihin at tinaasan ko sya ng kilay ng mag sink sa utak ko ang gusto nyang sabihin.
"Ano ka ba!. Wala!. natulog lang kami tas pag gising ko pinag luto nya ko ng breakfast"
"Ayyieee... Yun lang??." Taas kilay nyang tanong.
"Alam mo nadadala mo lang ako dyan sa pa ayiee-ayiee mo!. pinag-alala mo kaya ako kahapon!" Kumunot naman nuo nya.
"eh sorry.. napag utusang lang." sabay nalang kaming nag tawanan.
Habang sa kalagitnaan kami ng paglalakad. naka agaw ng atensyon namin ang mga taong nag kukumpulan.
"Anong meron?!." Tanong ni Lissa sa isa sa mga andun.
"Ahm.. May transferee daw eh!."
"Sino?!." Tanong ulit ni Lissa.
"Di ko alam eh pero sabi nila maganda daw at sikat na galing America.." nagkatinginan kami ni Lissa. Hindi na namin masyadong inintindi kung anong meron dun at pumunta nalang sa mga room namin. Pagkapasok ko ilang minuto din at tamang kakarating lang din ng teacher namin.
"Good morning class!." Masiglang bati sa amin ng prof namin.
"Ngayon.. ay isang espesyal na araw para sa inyong magiging bagong kaklase.. Nanggaling pa sa bansang America at napiling lumipat dito sa ating paaralan.. kaya naman bago nyo sya lubos na makiklala, pinakikiusapan ko kayo na magiging mabait sakanya, maari ba yun?.."
"Yes Sir!." Masiglang sagot ng mga kaklase ko. Pero teka, bagong kaklase?. So ibig sabihin yung pinag uusapan kanina eh magiging kaklase ko?. Hmm..
"Come in miss... " Napatingin kaming lahat sa pinto habang hinihintay pumasok ang tinutukoy ng prof namin.
At habang nakatingin ang mata naming lahat sa bandang may pinto, parang ang bagal ng pangyayari. Mala- anghel na naglalakad ang nasa harap naming lahat. Kung i-lalarawan eh isang matangkad, may pag ka mistisa, unat na unat ang buhok na hanggang balikat, mamula-mulang labi, in short.. maganda. As in yung literal na nga-nga, kami yun.
"Can you introduce yourself first to your classmates?" Ani Prof.
"Ahmm Good morning.. I'm Irene Montilla, and It's my pleasure to be in this section" mahinhin nyang pag papakilala.
"Ok.. thank you Ms. Montilla, you may occupy the vacant seat at the back" Napatingin ako sa gilid ko kung san natitira ang isang vacant seat. Pero ba't ganun?!. Habang papalapit sya sakin nakakaramdam ako ng kakaiba di ko alam kung dahil nakaka tulala ang ganda nya o dahil may ibang dahilan pa na di ko pa maintindihan. Parang pamilyar sya sakin, di ko alam kong sa mukha nya oh sa pangalan.
Natapos ang oras ng puro discussions. At buong oras kung inawasang wag tingnan ang nasa tabi ko. Ewan, I feel something weird. Psh.
Gaya ng nakasanayan hinintay ko muna maubos ang tao sa room para makalabas . Napatingin ako sa tabi ko at bigla akong napaiwas ng tingin ng nagkatinginan ang mata namin. Those eyes, is kind'a weird ha!
"Ahmm.. Zien?!. Right?!." Agad akong napalingon ng marinig ko ang pangalan ko. Wala nang ibang taong andito sa room bukod sa aming dalawa, so sya lang naman ang pwedeng tumawag sa akin, unless may multo kaming kasama dito.
"Ahmm.. ako ba yun?" Napangisi sya sa tinanong ko.
"What do you think?" Napaisip naman ako dun. Tanga ko din talaga noh!
"Hmm.. P-pano mo.. nalaman pangalan ko?.." utal kong tanong habang umiiwas tingnan ang mga mata nya.
"Well, before I get transfered here I researched some infos. about the school and about the student here and I heard most.. about you.. " kumunot bigla nuo ko.
"Correct me if I'm wrong.. you are the girlfriend of the famous basketball player here right?!"
"Ahmm.. Oo, b-bakit?." Tumaas ang isang kilay nya sa sinagot ko.
"Nothing.. " sabi nya sabay iwan ng isang pilit na ngiti.
"Si-sige.. I have to go, It's nice to meet you.." huling salita na sinabi nya matapos akong iwan sa loob ng naka tunganga.
Seriously?!.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]