Lumips ang mga araw na halos walang masyadong nangyayari. Halos ganun rin ang sistema.. yung gigising ako tapos papasok sa school tapos uuwi tapos matutulog na naman ulit para gumising. Hayss...
Isang linggo narin ang nakalipas matapos kung malaman na si Jerome yung naglalagay ng mg stuff na yun sa table ko at hanggang ngayon hindi ko parin sya nakakausap, at wala pa akong nakikitang chance para makausap sya. Kahit na may pagkakataon na nagkikita kami sa school, di ko alam pero parang sya na mismo ang umiiwas sakin na mas naging dahilan para mas lalong di kni magkausap. Psh!.
Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa bahay nila Lissa dahil ngayon gaganapin ang party nya. Ng makarating na kami sa labas bahay nila, halos manghang-mangha ako sa laki ng gate nila, what more pa kaya pag nakapasok na kami?. Ng maka parking na si Kuya pumunta na kagad kami sa may venue kung san gaganapin ang party.
"Hanapin mo na muna sila Kurt may kakausapin lang ako.." tinarayan ko nga bigla Yong lalakeng to. Iiwan nya talaga ko dito?! Eh sa wala akong kilala dito. "Saglit lang ako.. tutal maya-maya nagsisimula na rin yan!"
"Oh sya! Sige na basta bilisan mo lang ah!" Pag babanta ko pero tumango lang sya.
At ayun umalis na nga yung mukong. Kaya pumwesto nalang ako sa may pinaka sulok na table. Habang naghihintay sa pagbalik ni kuya hindi ko mapigilan ang sarili kong wag tingnan mula ulo hanggang paa ang mga bisita. Halatang mayayaman, mula sa alahas pati sa pananamit. Grabe..
"Zein!" Nabaling ang tinig ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
"Oh! Jio, kanina ka pa ba andito?!" Agad na tanong ko.
"Kakarating ko lang eh!" Napatango nalang ako.
"Ah Zein!" Nulingon ko sya ng tawagin nya ko. "Nakita mo ba si Rissa?" Pabulong nyang tanong, pero napailing lang ako.
"Ganun ba?!" S malumanay na boses.
"Hanggang kelan mo ba itatago to?!." Bigla syang huminga ng malalim bago nag salita.
"Malapit na Zein.. malapit na." Ngumiti nalang ako ng pilit sa sinabi nya. Hayss kelan kaya yung malapit?!.
Maya-maya pa nagsisimula narin ang party. At gaya nga ng inaasahan ko napaka bongga nga neto.
"Oh andyan kana pala pre?!" Agad na bati ni Kuya kay Kurt na kakarating lang."Oo, eh pinuntahan ko muna si Lissa sa kwarto niya" pagpapaliwanag ni Kurt.
Maya-maya pa nakita ko na si Lissa habang naglalakad pababa ng Hagdan. At halos makalaglag panga ang ganda nya ngayon. Kung dati eh maganda na sya, ngayun mas gumanda pa.
"Can I quickly get everyone’s attention just for a second?" Nabaling ang atensyon namin ng may magsalita sa harap. "Ahm, before anything else, I just want to thank all of you so much for being here on my special day.
It really means a lot that
you’ve all come out to help me celebrate this important milestone for me. I feel like I’m in a really great place." Halata sa mukha nya ang saya habang sinasabi yung mga salitang yun."This day has attained such enthusiasm in my life just because of you all. Your
endless heart melting blessings and
wishes make my entire life blossom
and prosper in such a unique way
that cannot be expressed in words.""To Mom and Dad.. I know ‘Thank you’ is a too short word for me to express my gratitude towards you two for making my birthday such an eventful day, but you already know naman how much I love you so much."
"To my wonderful friends, a lot of thanks with you guys, you've been with me on my ups and downs.. you're one of the wonderful gift I'd ever received.. and also, to my sweetest boyfriend.. You know how much I love you, and I care for you.. I'm very blessed that I have you, a boyfriend like you." napangiti naman kaming lahat sa message ni Lissa pero mas mukhang si Kurt ang nagdala. Mula sa mga ngiti nyang hanggang tenga ang sa kilig.
"Again, a lot of thanks for your time.. enjoy the night" At nagsipalakpakan na ang mga tao matapos ang mensahe ni Lissa.
Maya-maya pa, pumunta narin sa pwesto namin si Lissa.
"Happy Birthday Lissa!" Bati namin ng makarating na sya sa kinatatayuan namin. Agad naman akong lumapit sa kanya at niyakap."Nakakaiyak naman yung message mo" saad ni Jio habang umaarteng naluluha na ikinatawa namin dahil sa ekspresyon nya.
"Well, sinabi ko lang kung ano yung nararamdaman ko... Kaya thank you sainyo kasi andito kayong lahat..." Pagpapasalamat ni Lissa.
"Lahat?" Nabaling naman ang tingin namin kay Kuya. "Eh wala pa ng sila" natigilan naman ako ng makita ko si Nikko at Kyle sa screen ng cellphone ni Kuya.
"Happy birthday Lissa" rinig kong bati ni Nikko kay Lissa.
"Happy birthday" biglang tumibok ng napakabilis ang dibdib ko ng maring ko ang boses na yun mula kay Kyle. Pero bakit nag iba pakiramdam ko. Kung dati halos excited akong makausap sya, pero ngayon parang wala akong nararamdamang excitement.
"Thank you sainyo.. sayang wala kayo dito, well ingat nalang kayo dyan ah!" Sabi ni Lissa. "Oh sige, kumustahin ko lang yung ibang bisita.. promise babalik din ako" tumbgo nalang kami.
Habang abala pa sila sa pag usap-usap, tahimik lang ako habang umiinom ng juice sa sulok.
"Asan si Zein?" Rinig kong tanong ni Nikko mula sa kabilang linya.Tumingin naman sakin sila Kuya."Bakit?" Takang tanong ko. Pero hinarap nila ang cellphone sakin at nakita ko si Nikko at Kyle. Pero agad akong umiwas ng tingin ng makita ko ang mata ni Kyle.
Hindi ko alam ko'ng ano yung eksaktong rason, pero ang alam ko eh wala akong ganang makipag-usap lalo na kay Kyle.
"Gusto kang makausap" nabaling ang tingin ko ng aktong inaabot sakin ang cellphone ni Kuya at nakita ko na naman ang mukha ni Kyle. Dahan-dahan kong kinuha ang phone.
"You look pretty"biglang tumibok ng napakabilis ang dibdib ko sa sinabi nya. Pero di ko parin sya nagawang sagutin.
"Di ko nais na magkalayo tayo
Nagseselos ka at nilayuan mo ako
Buhay nga naman, tunay bang ganyan
Bumalik ka naman.." bigla na namang tumibok ang puso ko ng sabihin nya ang linyang yun mula sa kantang "Sorry na Pwede ba" ng Brownman Revival."Buhay ko’y nasa ‘yo,
Matitiis mo ba ako, oh baby
Huwag sanang magtampo
Sorry, puwede ba.. " kahit na maingay sa paligid pakiramdam ko sya lang ng naririnig ko."Bat ka nag s-sorry?" Tanong ko ng matapos nyang kantahin yung part ng kantang yun.
"Kasi alam ko'ng may pag kukulang ako."
"Sa sitwasyon natin ngayon, normal yun dahil sa sitwasyon natin ngayon.. kaya hindi mo kaylangan mag sorry" Handa ko na sana ibigay kay kuya ang cellphone ng bigla pa syang magsalita.
"I love you I love you I love you I love you I love you and I love you I love you... I.. Love.... You" napakunot bigla ang noo ko.
"Tama na nga yan! mawalan ka pa ng hininga dyan eh!" Natatawang sabi ko habang tinitingnan sya na nakahawak sa dibdib ng na hinahabol ang paghinga.
"Di ka na galit?!" Tanong nya.
"Di na.." sabi ko sabay ngiti.
"Ayyieeeee" natigilan ako ng marinig ko si Kuya, Jio at Kurt habang tinutukso kami.
Pero di ko sila inintindi at nakatuon lang ang paningin ko kay Kyle ngayon.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]