Chapter 27: Friends Again

4.5K 132 5
                                    

Pagkatapos ng gabing yun, ginanahan nako sa mga bagay bagay. Kahit anong tampo ko, pag narinig ko na ang boses ng lalaking pinakamamahal ko rurupok at rurupok rin ang pagka babae ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa napangiti ako ng bigla kong maala. Ilang araw nalang at malapit na naman ang monthsary namin ni Kyle. Bigla naman akong kinilig sa mga pinag iisip ko. Hayss..

Kasalukuyan ako ngayong nasa minny  garden eh bukod sa matagal-tagal narin akong di napupunta dito, eh dito ko naisipang tumambay dahil wala rin kaming klase sa ibang subjects dahil sa may emergency meeting daw yung mga teachers kaya nag a-advance reading nalang ako. eh wala naman akong ibang makausap dahil sa hindi na naman pumapasok si Irene. Hayyystt.. mukhang mapapadalas pag absent nya netong mga nakaraang araw. ano kayang nangyari sakanya?!

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nakita ko si Jerome na naglalakad. Naalala ko na naman tuloy. Kung may gusto man akong gawin ngayon?, yun ay ang kausapin na sya para masagot na ang mga tanong ko. At matapos narin ang hindi namin pag papansinan.

"Jerome.."  bigla syang tumigil sa paglalakad at tumingin sa direksyon kong san ako.

Agad akong tumakbo palapit sa kinatatayuan nya.
"Hmm, Pwede ba tayong mag usap?" Pagsisimula ko.

Tumingin muna sya sa mga mata ko at tumango. Bumalik kami sa pwesto ko at nagsimula ng mag usap.
"Alam mo naman siguro kung bat Gusto kitang makausap.... Diba?" Tanong ko, pero hindi nya ko nagawang sagutin.
"Ano ba talagang dahilan bat mo ginawa yung mga yun?" Tanong ko.

"Ginawa ko yun kase kailangan.." paninimula nya. " Zein, I will be honest with you.. the truth is.. I like you... I really like you, your personality, your kindness, everything in you makes me fall in love with you..." biglang nagkaroon ng kung ano sa dibdib ko sa mga sinabi nya.

"Kahit sino naman siguro, pwedeng magkagusto sa isang tulad mo.. sa ugali mo, sa buong pagkatao mo.. hindi mahirap ang mahalin ang isang tulad mo Zein.." halos nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi nya yung mga salitang yun.

"Kaya, gabi-gabi iniisip ko na yun ang dahilan kung ba't mahal na mahal ka ni Kyle.." Sa araw-araw naming pagkikita hindi ko ma-imagine na ganun pala nararamdaman nya para sakin.

"But, even If I tell you what I feel for you, I think I know what will be your answer.." biglang nagbago ang tono ng pananalita nya. "Ginawa ko yun kasi... alam ko'ng may taong sasaya pag tinupad ko ang gusto nya..." Napakunot ang noo ko sa sinabi nya. "Kahit di ako nag tagumpay, alam ko'ng ginawa ko yung dapat kong gawin.." naguguluhan ako sa mga sinasabi nya.

"Anong ibig mong sabihin" takang tanong ko dahil sa hindi ko ma gets ang gusto nyang sabihin.

"Napaka swerte ni Kyle na magkaroon ng isang tulad mo" bigla akong napangiti sa sinabi nya.

"Kahit naman may iba akong mahal.. hindi ka mawawala sa buhay ko... Hindi pa man tayo ganun magkakilala pero importante ka na sakin..  kasi sa maikling pagkakataon naging kaibigan kita.." bigla naman syang ngumiti ng pilit. "Salamat Zein, at.. pasensya na rin." Lumapit ako sakanya at niyakap.

"Hayys.. kung ano man yung mga nangyari.. kalimutan mo na yun, ang importante eh okay na tayo ngayon" saad ko ng maka kalas sa pag kakayakap nya.
"Oh ano?!Friends ulit?!" Nabaling ang tingin nya sa kamay kong aktonh makikipag kamay.

Ngumiti muna sya bago ako sinagot. "Friends!" Sabay shake hands. psh!
Natawa nalang kami sa mga pinagsasabi namin, kahit papano nasagot narin yung mga tanong ko..  at nangingibabaw nalang sakin ang saya dahil bumalik narin kami sa dati, wala na kaming tinatago sa isa't-isa.

Pagkatapos nun, hinatid nya narin ko pauwi, eh tatanggi nga sana ako pero dahil sa makulit sya, eh wala akong nagawa kaya hinatid nya na ko sa bahay.

"Hm, salamat nga pala Jerome sa paghatid.." saad ko sabay ngiti.

"Zeinrie!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses no mama. "Hindi mo ba ipapakilala yang kaibigan mo sakin?" Napatingin ako kay Jerome na nakangiti lang.

"Pwede ba?" Pero tumango lang sya.

Agad naman kaming pumasok sa bahay at nag mano kay mama.
"Ma?! Ah nga pala si Jerome kaibigan ko, kung natatandaan nyo, sya yung bumisita sakin dati.. hmm, Jerome si Mama nga pala" pagpapakilala ko sakanila.

"Hmm, nice to meet you ijo.." sabi ni mama habang nakikipag shake hands kay Jerome. "Ah, wala ka bang ibang gagawin ngayon?" Tanong ni mama kay Jerome.

"Hmm, Wala naman po"

"Eh, kung okay lang sayo?.. dito ka na maghapunan, tutal malapit narin matapos yung niluluto ko.." nako talaga tong si mama.

"Sige po! Gutom narin po ako eh!" Sagot naman ni Jerome. Napatawa naman bigla si mama.

"Oh sige umupo na kayo dyan at ihahain ko lang yung ulam" pag papa-alam samin ni mama.

.

Habang nasa kaligtaan kami ng pagkain, halos silang dalawa lang nag uusap. Andami nilang tanong sa isa't-isa, at ang nakakainis eh dahil sa ako ang topic. Hayysss.. kaya ayaw ko'ng nagdadala ng kaibigan dito sa bahay bukod kanila Kurt.

Nabaling ang paningin namin ng biglang bumukas ang pinto, at nakita namin si Kuya na kakapasok lang.

"Oh! Chris?! Andyan ka na pala.. halikana dito, sabayan mo muna kami, ng makapag pahinga ka na ng diretso.." pero habang inaalok sya ni mama eh nakatingin lang sya kay Jerome.

At ayun lumapit na nga sya at umupo sa tabi ko.
"May bisita pala tayo eh!"

"Ah, kuya si Jerome nga pala" pagpapakilala ko. Pero tinarayan nya lang ako.

Habang kumakain tuloy parin sila sa pag uusap ng biglang sumingit si Kuya.
"Jerome?.. Tama??" Napatingin naman si Jerome ka Kuya.. "hmm, kaibigan mo tong kapatid ko noh?!. At siguro naman na inform ka na may boyfriend na sya diba?!" Bigla ko ngang siniko si Kuya.

"Ano ba! " Inis nyang sabi habang tinatarayan ako.

"Ahmm, yeah.. I did" sagot ni Jerome.

"Buti naman kung ganun!.. mas maganda na nagkakaunawaan tayo" saby subo sa kinakain nya. psh!.

Pagkatapos naming makapag dinner at makipag-usap kay mama, hinatid ko na sya sa labas ng bahay.
"Salamat nga pala sa pa dinner.. pasabi nalang ulit kay Tita, thank you" pagpapasalamat nya.

"Wala yun"

"Hmm, sige kita nalang tayo bukas.." pagpapaalam nya pero tumango nalang ako.

At ayun,umalis na ng sya.
Hayss.. ang gaan pala sa pakiramdam na kahit sa maikling panahon pa lang kaming nagkakilala, napaka importante na ng naging parte siya ng buhay ko.



Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon