Chapter 48

3.6K 121 66
                                    


Napailing nalang ako sa kung anong pumapasok sa isip ko. Kumuha nalang ulit ako ng isang bote ng beer mula sa case at agad iyung binuksan. Aktong iinumin ko na sana iyun ng biglang may umagaw neto mula sa pagkakahawak ko.

At nabigla ako ng makita ko si Nikko habang walang tigil na linalagok ang beer. Di ko alam at automatic akong napangiti ng makita ko sya. Matapos nyang makalahati ang laman ng beer tumingin sya sakin habang nakataas ang kilay.

"Akala ko nakalimutan mo na ko tol!" sabi ko habang di maalis-alis sa labi ang ngiti ko.

Pero tumingin lang sya kina Jio at Kurt na naglalaway na ngayon at tulog na tulog bago tumingin ulit sakin.
"Seryoso ka na dito?" Panimula nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Psh!" saad nya sabay upo sa may bakanteng upuan. "Wala ka na bang ibang balak gawin kundi ang mag-lasing at hayaan nalang na hanggang ganito na lang ang lshat?" Natigil ako ng sabihin nya ang mga salitang yun.

"E ano ba sa tingin mo dapat kong gawin?" walang gana kong sabi.

"Edi kausapin si Zein!" natigil ako ng ilang segundo bago nag sink-in sa utak ko ang salitang iyun.

"Kahit naman anong gawin kong pagpilit sakanya na kausapin at pakinggan ako. Hindi nya parin ako magawang pagbigyan para makapag paliwanag. Ginawa ko na lahat-lahat. Nagmukha na kong tanga pero parang wala talaga syang balak kausapin ako. Ni-" di ko na nagawang tapusin ang dapat na sasabihin ko ng putulin nya eto.

"So titigil ka na?" Seryoso nya ulit na tanong.

"E sino bang may sabi sayo na titigil na ako?" balik na tanong ko sakanya.

"Sa pinapakita mo malapit na akong maniwala." Nagpakawala ako ng malalim na paghinga.

"Alam mo ba kung gano ko ka-mahal si Zein?. Mahal ko sya higit pa sa pagiging mag kaibigan. At sigurado ako na alam mo yun Ken. " sabi nya habang unti-unti kong nararamdaman ang panginginig sa boses nya. "Na sakin na sya E. Pero pinakawalan ko sya mula sakin na isang napaka tanga'ng desisyon na ginawa ko." May diin nyang sabi. "Siguro kung di ko sya hinayaang mapunta sayo, di sana masaya kami ngayon. Di sana di na aabot sa ganito."

"Kahit na masakit para sa sitwasyon ko na tanggapin ang katotohanan. Pinilit ko kasi alam kong hindi lang naman si Zein ang mapapasaya ko. Kundi pati ang sarili ko. Pero anong ginagawa mo?"

"Umiinom" pilosopo kong sagot dahilan para maramdaman ko ang malakas na pagtama ng kamao nya sa pisngi ko ng ilang beses. Sa sobrang lakas, ni hindi ko maramdaman ang sakit neto.

"Ken hindi ako nakikipagbiruan sayo!" saad nya habang nakayukom ang kamao na handa ulit i-suntok sa mukha ko, pero imbis na isuntok uli eto sakin E napahawak nalang sya sa buhok nya habang naupo sa carpet at ramdam ang pang gigil.

Napahawak ako sa labi ko na ngayon ay may dugo na dahil sa pag ka-kasuntok nya sakin.

Ilang minutong katahimikan.

Napakagat nalang ako sa labi bago nag-seryoso.
"Kasalanan ko to!. kasalanan ko ng lahat ng to." inis kong saad habang pinagsisipa ang upuan sa sobrang galit na nararamdaman ko. "Kung sana sinabi ko na lahat ng tungkol samin ni Irene noong una palang di sana di kami aabot sa ganito." Saad ko habang napapasabunot sa sarili kong buhok.

Pero unti-unti kong nararamdaman ang pagtapik ni Nikko. Pero sa pagkakataong eto, ramdam ko na ang awa.

"Wala kang kasalanan. Walang kahit na sino ang may kasalanan dito" mahinhin nyang pag papakalma sakin. "Dahil kung ano man ang mga nangyayari ngayon. Lahat ng to nakatakda ng mangyari. Na hinaharap mo na ngayon" iniangat ko ang ulo ko para tingnan sya.

"Siguro nga iniisip mo na kasalan mo, pero alam kong hindi mo naman to ginusto diba?." Napaisip ako dun.

"Ken tandaan mo, kahit na ipagtabuyan ka nya ng paulit-ulit o mag mukha kang tanga sa mata nya o maging sa ibang tao. Kung mahal mo talaga sya. Gagawa at gagawa ka ng paraan para mapatunayan sakanya na nagkamali sya." sabi nya habang ti-nap ang balikat ko na para bang chi-ni-cheer up.

"Dadating ang araw, na magigising ka at tatawanan mo nalang lahat ng to'. "

"Kaya kung ako sayo, wag mo ng hayaan pang umabot sa puntong tatanggapin mo nalang lahat kahit na alam mo sa sarili mo na hindi kaya ng puso mo." Natigil nalang ako sa mga sinasabi ni Nikko. Oo tama sya. Tama lahat ng sinabi nya. Kahit papano gumaan pakiramdam ko.

Natauhan nalang ako ng tumayo sya mula sa pagkakaupo sa damo at agad na ini-abot ang kamay para tulungan akong makatayo. Nguniti muna ako bago tinanggap ang kamay nya sabay yakap ng makatayo na ako. Alam kong napaka awkward tingnan pero yun ang kailngan ko ngayon.

"Salamat tol!" sabi ko pero ramdam ko ang pag ngisi nya.

"ehem.. ehem.." natauhan kami ng marinig namin ang boses na yun. At nakita nga namin etong dalwang ugok na nakatingin samin habang nakangiti.

"Ang daya. Kayo lang?." nagkatinginan kami ni Nikko sabay ngisi.

"Hali nga kayo dito!" saad ni Nikko kaya agad namang lumapit sina Jio at Kurt at nagyakapan kami.

Na miss ko lang yung ganito. Hindi ako nagkamali na magkaroon ng kaibigan na tulad nila. Sana wag muna matapos ang gabi'ng ito.






Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon