Kinabukasan
Maaga akong nagising dahil naisipan kong bisitahin si tita Lany, mama ni Kyle. Eh, gusto ko lang mangumusta, tutal matagal tagal narin akong di nakaka dalaw sa kanila mula mong umalis si Kyle.
"Oh Zein, good morning. " Bati sakin ni tita ng makita ako. "Teka?, Wala ka bang pasok?" Tanong nya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ahhmm meron po, papasok po ako, kaya lang naisipan ko munang dumaan dito para mangamusta, tsaka eto po, pinapabigay ni mama.. niluto nya para sainyo" saad ko habang inaabot ang topper ware na naglalaman ng niluto ni mama.
"Wait, umuwi na si Rica?!" Takang tanong ulit ni tita.
"Ahh, opo kahapon nga lang, eh sinorpresa nga rin po kni sa pag uwi nya." sagot ko ulit.
"Ganun ba?, Hmm, well thank you Zein, and also tell your mom that I'ld thank her for this.." pagpasalamat ni tita.
"Hm, Sige po makakarating" sabi ko sa may malumanay na boses. "Ahm, mauna na po ako, May klase pa po kase ako eh" pag papa-alam ko. Pahakbang na sana ako palayo sa kinatatayuan ko ng bigla uli nagsilita si Tita Lany.
"Ahh, nga pala. pupunta akong states para i-check dun si Ethan" nabuhayan ako bigla sa narinig ko kaya automatic akong napalingon.
"T-talaga po?" Taka kong tanong. Pero tumango lang sya habang nakangiti.
"Ahm, Tita.. pwede po bang ipaalam nyo sakin kung kelan kayo aalis?. May gusto lang sana akong ipa dala sa kanya." Pakikiusap ko.
"Ovcuorse!. no problem.." mas ginanahan ako lalo ng marinig ko yung sagot ni Tita.
"Thank you po.." Pero isang ngiti lang ulit ang ibinigay nya.
Pagkatapos nung pag uusap namin, umalis narin ako para makapasok na. Medyo ginanahan nga rin ako kahit papano. Ng makarating nako sa room natigil ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang isang stuff toy na nasa desk ko na may kasamang rosas.
Agad namang gumalaw ang paa ko papunta sa desk ko at kinuha yung stuff toy at Rose.
"Smile"
From: Mr. Mr.
Yan yung nakasulat sa note.
Nabaling ang paningin ko kay Irene na nakatingin lang din sakin. Biglang gumalaw ulit mga paa ko palabas ng room.
"Zein!" Napalingon ako ng tawagin ako ni Irene. "San ka pupunta?" Tanong nya ng makarating na sa kinatatayuan ko.
"Meron lang akong kaylangang puntahan." Diretso kong sabi.
"Teka!, I'll go with you" Pero hindi ko na sya sinagot at nagsimula na maglakad.
Agad kaming pumunta sa guard house kung san naandun yung mga susi ng lahat ng room dito sa campus. Maliban sa mga teachers dito, eh si Kuya Jun lang ang May susi ng lahat ng room dito sa campus.
"Ah, kuya pwede po bang magtanong?"
Agd na bungad ko kay kuya Jun na isa sa mga guard dito."Bakit? Anong problema ija?"
"Ahh eh, itatanong ko lang po sana kong meron bang humihiram ng susi ng room namin sainyo dito tuwing umaga?" Napaisip naman bigla si kuya Jun sa itinanong ko.
"Wa-wala naman. Bakit? May problema ba?" Tanong ulit nya samin.
"Ahh, wala po, salamat nalang, pero kung merom man, please ipaalam nyo sakin" pakikiusap ko.
"Oh sige sige ako na bahala" agad naman nyang sagot.
"Ah, salamat po ulit." Yun nalang ang nasabi ko bago naglakad ulit pabalik ng room.
"Pano ba yan?. Hindi mo parin alam kong sino nag lalagay nang mga stuffs na yan sa desk mo" Natigil ako sa paglalakad at napaupo sa bench ng maisip ko yun.
"Sino ba kasing naglalagay ng mga to dun sa desk ko? Na curious nako.."
"Siguro isa sa mga admirers mo" Napatingin ako kay Irene sa sinabi nya.
"Kung galing nga to sa admirer ko, kung gusto man nyang makipagkaibigan sakin, pwede naman nya kung daanin sa usapan wag sa ganitong bagay. nakakatakot na eh" giit ko habang nakatingin lang sa malayo.
"May ron ka bang ideya kung sinong maaaring gagawa sa'yo ng mga ganyang bagay?." Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Maliban kay Kyle na mahilig sa surprises.. wala na. tsaka kung kay Kyle man galing tong mga to, eh imposible!" Bigla kong narinig ang paghinga nya ng malalim.
"Bilib din ako sa'yo, sa pinagdadaanan mo ngayon... masasabi ko na antapang-tapang mo." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko.
"Kaylangan eh! Ganun talaga pag mahal mo ang isang tao, titiisin mo yung sakit, yung mga araw na hindi kayo nag kikita, yung mga araw na limitado lang yung oras ng pag uusap.. lahat yun kaya kung tiisin para lang sa kanya." Saad ko sa may mahinahong boses.
"You know what?, Everytime you're talking about you and your boyfriend, I always remember about my ex." Naiangat ko ang ulo ko sa sinabi nya.
"Talaga? Bakit naman?" Tanong ko kay Irene.
"Ahh, Kasi.. halos nahahawig din yung pinagdadaanan nyo sa nangyari samin ng ex ko"
"Talaga ba?" Taka kong tanong.
"Pero, di tulad samin eh, maaga kung nasaktan." halata sa boses nya ang lungkot habang sinasabi ang mga salitang yun. "bata pa lang kami, alam kong mahal ko na sya, yung tipong mahalaga sya sakin yung araw araw, gusto ko syang makausap. Yung kahit makita ko lang sya, buo na araw ko." At nagsimula ng mag iba ang tono ng pananalita nya.
"Hanggang sa umabot na kami sa tamang edad, dun ako tuluyang nahulog sakanya, at pasalamat ako kasi sinalo nya rin ako." natatawa nyang sabi.
"Pero dun na din pumasok yung eksenang kaylangan kong malayo sa kanya, tulad ng sainyo ni Kyle. Nung una hindi ako pumayag pero inisip ko, mahal ko pamilya ko, kaya imbis na makipaghiwalay mas pinili kong malayo kahit na komplikado. Tiniisi ko yung sakit, pero habang tumatagal.. pakiramdam ko, sinasaktan ko lang sarili ko, lalong lao na yung taong mahal ko. Kaya mas pinili kong bumitaw. Pero hindi ibig sabihin na bumitaw ako eh di ko na sya mahal, ang totoo ginawa ko yun kasi mahal ko sya, at ayoko lang na makita syang nasasaktan dahil sakin." matapos nyang sabihin yung mga salitang yun nakita ko na may tumulo sa mata nya.
"Kaya kahit papano, super swerte mo kay Kyle" ngumiti ako ng pilit bago lumapit sakanya at niyakap.
Di ko alam kong ano sasabihin ko, dahil wala akong alam tungkol sa mga bagay na to. Pero ang sigurado ko eh, nasasaktan parin siya.Halatang hindi pa sya nakaka limot s mga pangyayari sa kanila ng ex nya.
a/n: sensya medyo magulo..
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]