Chapter 52

2.9K 109 53
                                    




Lumipas ang mga araw na parang walang pagbabago sa istado namin ni Kyle. Pumapasok na ulit ako sa klase ng normal, yung gaya nung dati. Papasok gaya nung dating naka-gawian ko. Mag l-lunch ng mag isa sa minny garden at uuwi ng mag isa. Pero gayun pa man hindi ko nakaramdam ng lungkot o kung ano man. Actually naging masaya pa nga lalo ako kasi kahit papano na miss ko rin yung dating gawi ko. At gaya ng dati, suot-suot ko na ulit araw-araw ang salamin ko.

Habang lumilipas ang araw sa tuwing makakasalubong ko si Kyle tatakbo ako palayo o kaya mag pa-panggap na parang hindi  ko sya nakikita. Pamimsan-minsan na mi-miss ko rin yung samahan namin. Hindi lang
ni Kyle, pati narin ni Kurt, Jio, Nikko, at Lissa. May mga pagkakataong nag uusap kami pero hindi na katulad ng dati. Minsan kapag niyaya nila akong kumain sa labas o kaya nagkikita kami sa cafe, ako na mismo umiiwas kahit na napaka bastos.

Natauhan ako ng maramdaman ko ang pagbagsak ng ulan sa katawan ko. Agad naman akong naghanap ng malapit na masisilungan. Ng makarating na ako sa tapat ng waiting shed. Natigil ako sa ng makita ko si Kyle na nakaupo sa isang gilid habang nagpupunas ng sarili dahil halata ring galing sa ulan. Pero unti-unti sya natigil at humarap sakin ng mapansing nakatingin lang ako sa kanya.

Umupo muna ako sa kabilang gilid dahil ayokong makipag titigan sakanya. Kahit naman ayokong manatili dito sa lugar na to wala akong choice kundi mababasa lahat ng gamit ko.

"Zein. Pwede ba tayong mag usap?" Natigil ako ng mapansin kong nasa harap ko na sya ngayon. "Zein, hanggang dito nalang ba tayo?" Bigla kong naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko sa narinig ko.  "Ayoko na ng ganito Zein!. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako sa ganito." Hinayaan ko syang magsalita pero ramdam ko na ang pani-nikip ng dibdib ko habang pinakikinggan ang boses nya na unti-unti ng bumabagsak.

"Zein mahal kita. At alam ko'ng alam mo yun. Ang kaso nga lang mas pinapairal mo yang nararamdaman mo. Yang pagiging selfish mo. Na okay lang sayo kahit na magmukha akong tanga kakahabol sayo na nagmamaka-awa para lang pakinggan mo, pero wala kang pakealam. Hindi mo alam kong anong nararamdaman ko." At tuluyan ng bumagsak ang luha mula sa mata nya. Ramdam ko ang sakit at hinanakit sa boses nya, pero nanatili lang ako sa puwesto ko ng nakatitig lang sakanya.

"Oo, Selfish na kung selfish. Pero sa tingin mo ba madali lang sakin lahat ng to?. Oo masakit. Masakit na nagsinungaling ka sakin. Masakit kasi nagawa sakin ni Irene na bilugin ang utak ko. Pero kung iniisip mo na napaka babaw ko? Siguro nga yun ako. Kasi hindi mo masisisi ang taong nagtiwala sayo ng sobra na kahit ang totoo E ginagawa mo, nyo ng tanga. " Matapos ko'ng masabi ang mga salitang iyun. Tumalikod na ako mula sakanya  dahil ramdam ko na ang unti-unting pag bagsak ng luha sa mata ko.

Kahit na patuloy parin sa pagbagsak ang malakas na ulan, lumsuob ako dito ng di iniisip kong anong mangyayari sakin. Wala na akong pakealam kung mabasa ako at mga gamit ko. Gusto ko lang makaalis sa lugar na to.

Ramdam ko ang pagsunod nya sa akin habang tinatawag ang pangalan ko pero nagmistula lang akong isang bingi.

"Sige, kung yan ang gusto mo hahayaan kita." Natigil ako sa pagkakataong iyun ng marinig ko ang salitang yun " Hahayaan kita, kung yan ang ikasasaya mo. Pero wag na wag mo'ng kalimutan, at sana wag mong kalimutan na mahal na mahal kita, at mamahalin kita habang buhay." Nanginginig ang katawan ko. Hindi lang dahil sa lamig na nararamdaman ko, kundi sa mga sinabi nya. Gusto kong sumigaw, gusto kong humarap sakanya at umiyak pero hindi ko magawa dahil sa parang may kung anong bagay ang naka pulupot sa paa ko.

Handa na sana ulit akong maglakad paalis sa lugar na iyun ng bigla kong mapansin ang truck na papalapit sa direksyon ko na tanging ilaw lang ang naaaninag ko dahil sa pinaghalong iyak at tubig ulan na tumutulo. Ramdam ko ang pagtibok ng napakabilis ang dibdib ko. Pati narin ang truck na papalapit na sa akin. Pero hindi ko magawang igalaw ang mga paa ko na parang hinahayaan ko lang eto.

"Zein!" Nabigla ako ng marinig ko ang sigaw ni Kyle habang ramdam ko ang malakas na pagtulak sakin dahilan para mapa subsob ako sa sahig ng kalsada. 

Pero hindi ako nakaramdam ng kung anong sakit mula sa pagkakabagsak ko dahil nangibabaw sakin ng marinig ko ang mahabang busina ng truck. At matapos ang ilang segundo, natigil sa pagtibok ang dibdib ko ng marinig ang isang tunog na nagpatigil sa pag proseso ng ilang segundo ng utak at puso ko.

Agad akong tumayo mula sa pagkakabagsak kahit na masakit ang ulo ko. Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko, at halos nanghina ang buong katawan ko sa kung anong sunod na nakita ng mga mata ko.

Agad na gumalaw ang paa ko papunta sa kung saan sya nakahandusay.
"Kyle!" Saad ko habang niyuyugyuog ang balikat nya.

"Kyle! " Natigil ako ng makita sa braso ko ang dugo galing sa ulo nya. "Kyle! Tingnan mo ko!" Saad ko parin.

Kita ko'ng pinipilit nyang iminumulat ang mata nya. "Tulong!" Sigaw ko sa kawalan dahil sa di ko alam kung anong dapat na gagawin ko.


"Ze..Zein" natigil ako ng marinig ko ang boses nya ngayon. Pero halos nanghina ang katawan ko ng makita ko ang ngiti nya.
"S-sorry... S-salamat.."







Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon