Bigla kong naimulat ang mata ko ng may nag ring sa cellphone ko kaya kahit na inantok pako pinilit kung kinuha ang cellphone ko.
"Good morning Zein.. Okay ka ba ngayon?! Hingi sana akong favor." Napataas kilay ko ng mabasa ko yung message ni Lissa. Imbis na replyan sya eh gad ko syang tinawagan.
"Good Morning!" Masiglang bati nya mula sa kabilang linya.
"Hmm, good morning din Lissa.. ah, ano ba yung pabor na sinasabi mo?" Tanong ko habang kusot kusot ang mata ko.
"Eh, Zein papasama sana ako sayo para pumunta sa Boutique ni ate para magpasukat ng damit na gagamitin ko sa birthday ko" napaisip naman tuloy ko dun.
"Hmm, oh sige... send mo nalang sakin yung address kung san tayo mag kikita"
"Sige sige.. thank you Zein ah! Kita nalang tayo dun!" Masiglang sabi nya sabay end nung call.
Pinilit kong makatayo kahit na medyo inaantok pako eh alas nuwebe na numaga pero kulang parin tulog ko.
Pagkatapos kong makapag ayos nagpa-alam narin ako kay mama at buti nalang at pinayagan nya rin kagad a, basta sundin ko lang yung mga bagay na ikakaligtas ko. Hayss... mama talaga kahit kelan bini-baby parin ako. ^_^
Matapos ang Ilang minutong byahe nakarating na rin ako sa address kung san sinabi ni Lissa. Pero mukhang wala pa sya dito. Tatawagan ko na sana sya ng biglang may nagsalita sa likod ko.
"Oh Lissa andyan ka na pala?" Takang saad ko."Ahh.. eh pasensya na.. mukhang ako pa ata na-late" pag s-sorry nya.
"Hindi okay lang, actually kakarating ko nga rin lang"
"Ganun ba? Oh sige tara na at baka mamaya busy na yung si ate!" At nagsimula na nga kaming maglakad sa kung san man yung shop ng ate nya.
Pagkapasok namin sa isang boutique, sumalubong samin ang isang babae.
"Good morning po miss Lissa.. nasa opisina pa po si Ma'am.""Ganun ba?! Sabihin mo andito nako" agad namang kumilos yung babae para puntahan yung ate no Lissa.
"Hmm, bakit mo nga pala ko naisipang isama dito?" Tanong ko kay Lissa habang pinagmamasdan ang mga damit na nakapaligid.
"Eh, gusto ko kasi humingi ng opinyon mo para sa gagawing gown ko" napatango nalang din ako sa sinabi nya.
Maya-maya pa bumalik narin ng babae.
"Andito na po sya"
Pero bigla akong natigilan ng makita ko ana babaeng nasa harap namin ngayon."Ahmm Zein, I want you to meet ate Rissa, ate.. this is Zeinrie my best best friend" masiglang pag papakilala samin ni Lissa. Pero hindi ko magawang maigalaw ang anumang parte ng katawan ko.
"Zein okay ka lang?!" Natauhan ako ng magsalita si Lissa.
"Ahh. Oo okay lang ako, Ahmm nice meeting you po" sabi ko sabay nakipag shake hands sa kanya.
"Nice to meet you too" mahinhin nyang saad. "Sige Mae sukatan mo na si Lissa"
"Sige po ma'am" habang nakaupo ako di parin maalis sa isip ko si ate Rissa, kung hindi ako nagkakamali, sya yun.. sya yung kasama ni Jio sa may restaurant at sa cafe. Pero pano?!
Pagkatapos masukatan ni Lissa, nagpa-alam narin kami kay ate Rissa.
"Oh Zein! Okay ka lang ba?! Bat parang kanina pa ang lalim ng iniisip mo?!" Nabaling naman ang paningin ko kay Lissa."Ahmm, Lissa.. matagal mo na bang kapatid si ate Rissa?!" Bigla namang namilog ang mata nya sa sinabi ko.
"Huh?" Takang tanong nya at maging ako nag taka sa itinanong ko.
"Hindi! I mean.. ang ganda pala ng ate mo?!" Napangiti na sya sa sinabi ko.
"Actually, everytime na lalabas kami o pupunta sa kung saan.. lagi syang napagkamalang teenager" natatawang sabi ni Lissa.
"Ahmm, bakit?.. w-wala pa ba syang asawa?"
"Boyfriend nga wala, asawa pa kaya!"
Natigil ako sa sinabi nya. Teka?! Naguguluhan ako?! Hindi alam ni Lissa ang tungkol sa ate nya at kay Jio?! Hayysss ano bang meron sakanila?!.
Pagkatapos naming mag ikot-ikot ni Lissa. Nag paalam narin ako, pero hindi para umuwi kundi para may importanteng puntahan.
"Ahmm.. Ate, andyan po ba si Jio?!" Tanong ko kay ate Jia.
"Hmm, sakto dating mo! kakarating lang nya.. sige pasok ka muna tawagin ko lang sa taas si Jio." Pero tumango lang ako.
Maya-maya pa nakita ko na si Jio habang bababa palang ng Hagdan.
"Oh! Anong atin dyan?!" Pang bubungad nya sakin."Jio!" Natigil sya sa paglalakad at tiningnan ako "Pwede ba tayong mag usap?" Diretso kong tanong.
"Oh teka?! Bat ganyang mukha mo??" Pero natigil sya ng mapansing di ako umiimik sa tinanong nya. "Ano ba yun?!" Lumapit sya sakin at umupo sabay kuha nung sandwich na ginawa ni ate Jia.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita."Itatanong ko lang sana kung... May, kilala kang nagngangalang.. Rissa... Rissa Dominguez?!" Natigil sya sa pagkain ng tinanong ko yun, at nakita ko rin ang pag iba ng reaksyon nya.
"B-ba-bakit?" Utal nyang tanong habang hindi magawang makatingin sa mata ko.
"Alam kong kilala mo sya" isang buntong hininga ang pinakawalan nya bago tumingin sa mga mata ko. "Nung nakaraang Linggo nakita kita sa isang restaurant may kasamang babae, pati dun sa labas ng cafe nung nakaraang araw.. at nakakasiguro akong kilala mo sya.. kilala mo ang ate ni Lissa" bigla syang napahawak sa buhok nya na para bang di mapakali.
Nabigla nalang ako ng hinila nya ko palabas ng bahay nila.
"Zein, please.. nagmamakaawa ako, wag mong sasabihin kahit kanino. Walang alam si ate maging si Kurt, Kyle, Nikko at lalong lalo na si Lissa" mahina nyang sabi."Jio, tapatin mo nga ako?! Anong meron sainyo nung ate ni Lissa?!" Dahil hindi na kaya ng utak ko na magosip kong ano bang mayroon sakanila.
Huminga sya ulit ng malalim bago nagsalita."She's my girlfriend" nabigla ako kahit na noon palang malakas na ang kutob ko na sila nga.
"Pero.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng unahan nya na ko.
"Pero mas matanda sya sakin, pero hindi kami bagay?! Yun ba yun!?"
"Hindi ganun ang ibig ko'ng sabihin ang sakin lang bakit sya?! Marami namang ibang babae dyan ah! At ang mas nangingibabaw sakin eh bat kaylangan mong ilihim?" Naramdaman ko sa mata nya ang halu-halong emosyon.
"Kasi mahal na mahal ko sya, at sya lang ng tanging babaeng minahal at mamahalin ko ng totoo." Kita ko narin sa mata nya ang pamumuo ng luha. "Please... nagmamakaawa ako, may tiwala ko sa'yo Zein.."
Hayysss..
"Kahit mahirap mag tago ng sekreto.. basta ipangako mo sakin na hindi to panghabang-buhay"
"Hindi!" Saad nya sabay isang pilit na ngiti.
Aish!.. Ano na bang nangyayari sa mundo?!
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Fiksi RemajaAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]