Tumingin muna ako sa orasan ko bago tiningnan sina Mama na hanggang ngayon nakatingin lang sakin ng walang ka rea-reaksyon.
"Pagkatapos umalis ni Ken, ikaw naman susunod" tinaasan ko nga ng kilay tong si Kurt.
"Oa mo naman!. Parang hindi ako babalik" saad ko. "Malay nyo pagbalik ko dito, kasama ko na si Kyle o di masaya diba?" Pag papa tuloy ko.
Nabaling naman ang tingin ko kay Lissa na nakatingin lang din sakin, Ngumiti ako sakanya pero bigla syang lumapit sakin at niyakap ako.
"Basta Zein ah! Mag iingat ka ha, pagkarating mo dun message mo kami ok?." Pag bibiro ni Lissa sakin ng makakalas sa pagkakayakap.
"Oo naman." Sagot ko sabay ngiti ulit.
"Oh basta Zein ah, size 10"saad ni Jio na bigla ko ngang tinaasan ng kilay.
"Ikaw talaga kahit kailan!" Sabi ni kuya sabay batok kay Jio.
"Aray naman kuya Chris.." sabi ni Jio kay kuya na may pa awa-awa effects pa pero tinawanan lang namin.
Hayss, ma mi-miss ko kagad tong mga to.
"Bibisitahin ko lang si Kyle dun, hindi ako pupunta dun para makapag mall." Sabi ko habang nakataas ang kilay. "Pero baka pag natuwa pako sa'yo pasalubungan nga talaga kita" Pag bibiro ko.
"Pero Zein.. seryoso, mag iingat ka dun. Kahit wala ng pasalubong basta makasama mo lang si Ken masaya na ko dun" sabi ni Jio sabay may pa iyak-iyak pang acting ulit.
"Grabe, Nakaka touch naman yang sinabi mo Jio.." sabi ko habang sinakyan ang trip nya. "At dahil dyan sa sinabi mo, di na ko tutuloy.." bigla naman silang nag tinginan sakin "Joke!" Agad na sabi ko.
"Hmm, Asan na nga pala si Nikko?" Pag iiba ko ng tanong ng mapansing wala sya dito.
"Yun na nga e, tinawagan ko sya kanina pero sabi nya busy daw." sagot naman ni Kurt sa taong ko.
Napasimangot naman tuloy ako bigla. Kung kelan ako aalis tsaka naman sya di pupunta.
"Umuwi nga ako dito sa Pilipinas para makasama kayo tapos ikaw naman aalis.."
Naalala ko tuloy yung mga salitang yun na sinabi nya sakin kagabi.
Magsasalita pa lang sana ulit ako ng mabsling ang tingin namin sa taxi na paparating, at ikinasingkit ng mata ko ng tumigil ang taxi sa tapat ng bahay namin. At lahat kami inaabangan ang paglabas ng kung sino ang nasa loob ng taxi.
At napangiti ako ng makita kung sino ang lalakeng kakababa lang. Pero ikina-kunot ng noo ko ng makita ko ang dala-dala niyang maleta.
"Hi" sabi nya ng makarating na sa kinatatayuan namin. Pero nakatingin lang kami sakanya na may pagtataka sa mukha.
"O ano? Tara na, baka ma late tayo sa flight.." napakunot noo na naman ako sa narinig ko mula sakanya.
"Ha?! " Saad ko habang may nagtataka parin. "Teka? Babalik ka na ng London?" Takang tanong ko ulit.
"Nope" diretsong sagot nya.
"Eh san ka pupunta?"
"Sasamahan ka" diretsong sagot nya pero agad ko ngang tinaasan ng kilay tong si Nikko.
"Tutuo ba yan?" Tanong ko ng may pagtataka parin sa mukha.
"Bakit? Di ka ba naniniwala?" Tanong nya habang nakangiti lang.
"Teka! E, b-b..bakit?" Utal ko paring tanong.
"Wala lang, para naman may witness."
Sabi nya sabay ngiti.Pero nakangtingin lang ako sakanya habang prino-priseso pa sa utak ko ang mga sinabi nya.
"Oh pano ba yan? Di na kayo mag aalala kay Zein, ako na bahala sakanya" rinig kong sabi ni Nikko habang ako tulak parin.
"Basta Nikko! Ingatan mo yang kapatid ko" pag bibilin ni Kuya.
"Oo naman" sagot nya ulit sabay akbay sakin. "Oh sige, una na kami. Baka ma late kami" Pag papa-alam ni Nikko. "Tara na Zein" natauhan ako ng marinig ko ang pangalan ko.
At ayun nagpa-alam na rin ulit kami, tsaka sumakay sa taxi.
Habang nasa byahe, tulala lang ako. Hindi parin kasi nag s-sink in sa utak ko na kasama ko si Nikko ngayon. At sobrang saya ko dahil dun. Dahil kahit papano di ako mahihirapan.
Mas lalo tuloy akong na-excite na makita si Kyle dun.
Matapos ang ilang minutong byahe nakarating narin kami sa airport, at dumeretso narin kami kagad dahil narinig na namin ang sunod na flight.
Ng makupo na ulit kami, di ko maiwasang wag tingnan si Nikko. Hindi ko kasi ma imagine na nagawa nya talaga akong samahan. Kahit kelan talaga sobrang baet nya, hindi lang sakin.. kundi pati narin sa iba.
Napaka swerte ng taong mamahalin nya in the future.
"Bakit?" Natauhan ako ng magsalita sya. Shocks! Kanina pa pala ako naka titig sakanya. Haist nakakahiya!.
"Ah.. W-w..wala " utal na sagot ko sabay tingin sa ibang direksyon.
Pero nabigla ako ng isandal nya ang ulo nya sa balikat ko. At dahilan para tumibok ng napakabilis ang dibdib ko.
Nikko's POV;
Sa itsura ni Zein ngayon, halata ang excitement sa mukha nya. At maging ako, na e-excite narin ako para sa kanya. Pero di ko alam kong hanggang saan to pag nalaman nya na ang tutuo.
Hanggang ngayon ginugulo parin ako ng konsensya ko. Gustong gusto ko manng sabihin sakanya ang lahat pero di ko alam kung pano ko sisimulan.
Kaya hanggangat maari, lagi lang akong sa tabi nya.
a/n: sorry, magulo ulit tong part, E sa kadahilanang minadli ko lang to. Pero i-idet ko nalang ulit to. Vote naman dyan para ganahan hehe^_^V
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
JugendliteraturAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]