Chapter 35

4K 118 19
                                    


Zeinrie's POV;





Matapos ang ilang oras ng byahe, nakalapag narin ang eroplanong sinasakyan namin. At buong byahe halos di ako makatulog. Di ko ma pin point kung no ba yun pero nangingibabaw sakin ang excitement.

Ng makababa na kami, di ko maiwasang tingnan ang paligid, bukod sa first time ko dito, eh nakakapanibago. Maliban sa mga tao, E pati narin sa mga nakapaligid sakin ngayon.

Habang naglalakad kami, may sumalubong saming isang lalake at babae na may abot tengang ngiti.

"Mr. Fuentes, this way please" saad ng babae, at nabigla ako ng tumingin sakin si Nikko.

"Give him your bag" saad ni Nikko sakin tumingin muna ako sa lalakeng kasama nung babae bago binigay ang bag ko.

At nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad. Tumingin ako ulit kay Nikko pero ngumiti lang sya sakin, Ngunit ikinabigla ko ng hawakan nya ang kamay ko. enebehhh.. kinikilig ako E!

Huminga lang ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad at umaktong tinatago ang kilig.

Maya-maya pa natigil ako ng tumigil yung babae't lalaki at isinakay sa kotse ang gamit namin, pagkatapos ay pinapasok narin ako sa kotse ni Nikko, hindi narin ako nag salita pa at pumasok nalang dahil sa medyo kulang tulog ko.

Habang nasa byahe, walang umiimik samin, di ko rin kasi alam kong anong sasabihin ko, basta ang alam ko lang e excited na akong makita si Kyle.

Makalipas ang mga dalawampung minutong byahe nabaling ang tingin ko sa labas ng bintana ng kotse ng tumigil eto. At nakita ko ngayon ang isang bahay sa tapat.

"Tara na" nabaling ang tingin ko kay Nikko. Tumango lang ako bago lumabas ng kotse at halos nanginginig ako dahil sa lamig.

Maya-maya pa nagpasalamat narin si Nikko dun sa lalaking naghatid samin.

Pinagmasdan ko muna ang bahay na nasa harap namin ngayon habang kausap pa ni Nikko yung lalake. Sakto lang ng laki neto,  siguro mga sampung tao rin ata ang kasya dito.

"Walang mangyayari kong di tayo papasok" natauhan ako ng magsalita si Nikko sa gilid ko.

"Ay.. hihi pasensya, E ngandahan lang sa bahay.." sabi ko, pero ngumiti lang sya sakin.

At nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad papunta sa bahay na nasa harap namin. Pero napanganga ako ng tumambad samin ang mga paintings na nakapalibot sa dingding. At manghang mangha ako sa nakikita ko ngayon.

"Kaninong bahay to?" Tanong ko habang nilalapag ang maleta ko.

"Sa amin." Rinig kong sabi nya habang nakatingin parin ako sa mga paintings.

"May bahay din pala kayo dito?!" Saad ko.

"Hmm Yeah! kaso wala ng tumitira dito.. Kaya pina-plano nalang nila Mom na ipagpabili to" pagpapaliwanag nya.

Grabe ang yaman pala nila talaga.

Pero nakaagaw ng atensyon ko ang picture frame na mukhang may pagka luma na ang kulay.

"Sino tong mga to?" Tanong ko habang tinuturo ang mga batang nasa picture.

"Ahm, yung lalakeng nasa kanan, si Jio katabi nya si Kyle, yung sa kaliwa si Jio at ako, yung babae naman na may rin sa ulo, E si Lissa." Pagpapaliwanag nya.

"E sino tong isang babae?" Tanong ko ulit habang tinuturo ang babaeng katabi ni Lissa.

"Ah, eh-.. classmate namin dati."

"So kaibigan nyo rin?"

"Ahm, oo"

"E asan na sya ngayon?" Tanong ko ulit.

"Mahabang kwento, pero sa ngayon magpahinga muna tayo" sabi nya sabay iwas ng tingin sakin.

Natigil ako sa pagtingin sa pictures at tumingin kay Nikko bago umupo sa couch.

Mukhang pagod nga sya.

"Hmm, malapit lang ba yung opisinang pinapasukan ni Kyle dito?" Nahihiyang tanong ko.

"Mga 30 minutes din" sabi nya na ikinangiti ko.

"Hmm, anong sa tingin mong magiging reaksyon mo pag nakita mo na sya?" Natigil naman ako sa tinanong nya. At napaisip naman ako tuloy dun.

"Di ko nga rin alam eh, but for sure.. mangingibaw ang saya ko nun" sabi ko habang kinikilig.

"Excited na rin ako para sayo.. pero kaylangan na muna nating makakain dahil kanina pa ko nagugutom.." sabi nya habang naglakad papunta kitchen.

Pero agad syang bumalik sa sala.

"I forgot, wala nga pala kaming stocks dito" napatawa naman ako bigla.

"Hmm,gagawa ako ng paraan.. kung okay lang sa'yo bibili muna ko dyan sa may convenient store" pag papa-alam nya.

"Ha? E sama ko" saad ko naman.

"Are you sure? Malamig sa labas"
Pero kinuha ko ang sweater sa maleta ko.

"I'm ready for that" pero tumawa lang sya.

At ayun, lumabas kami ng bahay at sumalubong samin ang lamig ng panahon. Pero tiniis ko yun sa kadahilanang gutom narin ako.

Ng makarating na kami, agad na kaming namili ng makakain.

"Magkano ba lahat?" Tanong ko habang kinukuha ang wallet sa bulsa ko.

"No need, ako na bahala dito" aniya.

"Ha! Ako nalang, para naman may iambag ako" sabi ko habang kumukuha ng pera sa wallet ko pero natigil ko at dahan-dahang tumingin kay Nikko

"Hindi pa nga pala ako nakakapag palit ng pera" nahihiyang sabi ko habang di magawang tingnan sa mata si Nikko.

"Sige na ako ng bahala" rinig kong sagot nya pero ramdam ko rin ang pag tawa nya.

Grabe nakakahiya naman oh!

"Tingin lang ako dun" pag papalam ko dahil sa nahihiya ako sa ginawa ko.

At ayun, pumunta muna ako sa harap ng vendo machine. Pero natigil ako ng makita ko ng babaeng naglalakad sa labas ng convenience store.

Teka? Sya ba yun? Pero sa laki ng lugar na'to imposible! , baka kamukha nya lang yun? Pero possible rin. Psh!










Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon