Chapter 44

5.6K 213 223
                                    


Inayos ko ang upo ko ng makaramdam ng pagkahilo dahil sa halos mag iisang oras narin akong nakayuko. Andito ako ngayon sa library habang tinatapos ang ilang school reports. Kung dati, wala pang isang oras nasa conclusion nako, pero matapos ang mga pangyayarikagabi na hanggang ngayon bumabagabag sa isip ko, ni hindi ako nakatulog ng maayos. Pero pinilit ko paring pumasok kahit na anong pigil sakin nina Kuya Chris at Mama hindi nila ako napigilan.

Hanggang ngayon hindi parin mawala sa isip ko lahat ng nangyari kagabi, pagkatapos nung eksena namin sa may bar pakiramdam ko daan-daang bala ng baril ang tumama sa dibdib ko na para bang anytime tutumba nalang ako o di kaya mawawalan ng hininga.

Tsk.

Linigpit ko na ang gamit ko bago ako nagsimulang maglakad palabas ng library. Mag aalas-tres na pala ng hapon pero hindi ko man lang namalayan. Ganun nga talaga siguro, pag nakatuon lang ang atensyon mo sa isang bagay, hindi mo namamalayan nakakalimot ka na, na may iba pang bagay na kailangan mong pag tuunan ng pansin.

Hayst.



Ng makalabas na ako ng library, natigil ako sa paghakbang ng makita ko ang babaeng ilang metro ang layo mula sa kinatatayuan ko. At kahit na ilang layo pa ang agwat namin sa isa't-isa alam ko kung sino eto.

"Zein" May panginginig nyang bati sakin na di ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala sya.

Napalunok ako, hindi ko alam at para bang naistatwa ang buong katawan ko matapos kong marinig ang boses nya.

Oo, inis na inis ako sakanya. Gusto ko syang sigawan, sampalin, sabunutan.. pero di ko magawa, dahil bukod sa hindi ako iyon, para bang may nakapulupot sa katawan ko at di ko eto maigalaw.

"Pwede ba tayong mag usap?" Saad nya.

Pero imbis na magsalita pa ay napatango nalang ako.


.




Andito kami ngayon sa may minny garden. Hindi ko na nagawa pang pumasok sa sunod na subject dahil kaylangan nga namin talagang mag usap. Siguro nga napaka tanga ko dahil nagawa kung tanggihan ang pag papaliwanag sana ni Kyle, yun ay dahil ayoko nang hayaan syang magsalita ng mga bagay na hindi ko paniniwalaan.

"I'm sorry" panimula nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.

"B-bakit ka nag s-sorry?" May panginginig kong saad. "Diba dapat masaya ka na sa mga panahong to'. Kasi nagawa mo na plano mo. Napaikot mo na ko, nabilog mo na utak ko, inagaw mo na si Kyle, ginawa nyo na akong tanga." Mariin kong sabi habang ramdam ang pangi-gilid ng luha ko.

"Zein, hindi ganun yun."

"Irene, ano ba nagwa kong mali sa'yo? Tinuring kita bilang kaibigan, tapos ganito lang pala gagawin mo. Alam mo? Okay lang sana kahit na malaman kong may nakaraan kayo ni Kyle, pero yung gawin akong tanga. Irene.."

"I'm sorry, di mo alam kung gaano ako nagi-guilty sa mga nagawa ko. Oo, alam kong nakagawa ako ng mali lalo na sa inyo ni Kyle pero Zein walang kasalanan si Ethan dito. Kung nasira ko man lahat, okay lang kahit wag na ako, pero si Ethan patawarin mo na sya." At tumulo na nga rin ang luha mula sa mata nya.

"Bakit? Ganun lang ba kadaling magpatawad para sa'yo?"

"Alam ko galit ka sakin, pero maniwala ka mahal na mahala ka ni Ethan"

"Mahal? Kung alam mo na palang mahal nya ko ba't mo pa nagawa lahat ng yun?"

"Dahil umaasa parin akong mamahalin nya pa ako" natigil ako sa sinabi nya.

"Zein,hanggang ngayon mahal ko parin sya, at kahit kailan hindi sya mawala dito sa puso ko." mariin nyang saad.

"Maniwala ka sa hindi, wala sa balak ko ang paglaruan ka. Una palang kitang nakita't nakilala, aminado ko nagselos ako, pero maniwala ka't sa hindi, tinuring kitang kaibigan. Inunahan lang ako netong nararamdaman ko." saad nya sabay duro sa dibdib nya. " Buong akala ko pag bumalik ako, babalik rin lahat ng meron samin ni Ethan. Pero sobrang tanga ko lang dahil ako yung mas nagmukhang tanga makahabol dun sa taong may mahal ng iba" ramdam ko sa boses nya ang sakit at pait sa bawat pagbitaw nya ng mga salita.

"Sige, sampalin mo ko, ilabas mo lahat ng sakit at galit na nararamdaman mo. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin sakin"

Biglang napayukom ang kamay ko matapos nyang sabihin ang mga salitang yun. Aktong pagtataasan ko na syang kamay ng bigla ko itong naisuntok sa mesa kasabay ang patuloy na pagbuhos ng luha sa mata ko.

At naramdaman ko nalang ang yakap nya.
"Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa lahat lahat, pero gusto kong malaman mo, na nagsisi ako sa lahat ng nagawa ko sa inyo"

"Hindi mo lang alam ko'ng gano ka kaswerte na magkaroon ng isang tulad ni Ethan, mamahalin ka nya higit sa pagmamahal na binibigay nya sa sarili nya. At hindi mahihigitan ng kahit sino ang pagmamahal na ibinigay nya para sa'yo."

Napa pikit nalang ako dahil hindi ko alam ko'ng ano nang dapat kong gawin sa mga oras nato. Gusto ko na syang pigilan sa pagsasalita pero hindi ko magawa.

Halos ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon ng aktong tatayo na ako bigla nalang madilim ang paningin ko at tanging blurred vision nalang ang naaaninag ng mata ko, at ang huling naaalala ko ay ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.









Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon