Chapter 28: He's Back

4.9K 138 22
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang cafeteria para bumili ng pwedeng makain, pero natigil ako ng makita ko ang lalakeng nakatayo sa isang sulok. Pero teka?! si Nikko ba yun? Psh! Impossible eh nasa London sya. Hayss.. namamalik mata lang siguro ako. Kaya hindi ko nalang masyadong pinansin.

Ng makabalik na ko ng room, naabutan ko si Irene na mukhang may kausap sa cellphone nya.

"Ahm, sige.. pupunta kagad ako dyan.. basta siguraduhin mong makapag pa book kagad ako before Saturday" rinig kong sabi nya mula sa kabilang linya.

Ilang segundo pa at mukhang natapos narin silang mag usap.
"Irene?.. " Napatingin naman sya sakin bigla. "Ahmm, hindi sa nakiki-alam ako pero gusto ko lang sanag itanong kung bakit parang napapadalas pag absent mo netong mga nakaraan?"

"Hmm, it's just I have something to work on with my papaers, because I'm going back to to attend dad's birthday party " masigla nyang sagot.

"Ganun ba?.. okay yan.. makikita mo na ulit sila.."

"Yeah! And I can't wait to be there. " halata nga sa ekspresyon nya.

Pagkatapos nung pag-uusap namin, nagsimula na ulit ang klase at ilang oras pa at dissmisal narin.

Pasakay na sana ako ng taxi ng biglang may nag beep sa cellphone ko.

1 new message from Jio

"Punta ka dito sa mall.." napakunot naman bigla noo ko ng mabasa ko yung message.

Agad naman akong nag-reply kong bakit pero ang sabi surprise. Psh! Edi di nako na surprise. Haiat. Pero kahit di nya sinabi sakin kung bakit, pumunta parin ako.

Ng makarating nako sa mall agad akong pumunta sa Ice Cream house kung san ako pinapapunta nila. At ayun nakita ko nga kagad sila. Ng makarating nako sa table kung nasan sila nakapwesto agad ko silang kinamusta. Pero ikinabigla ko ng di sila mag salita.

"Hoy! Anong meron?!" Takang tanong ko pero tumingin lang sila sakin.

"Eto na yung ice cream nyo.."
Natigilan ako ng bigla kong marinig ang boses na yun. Di ko alam ko'ng nagkataon lang na kaboses nya ang narinig ko, o kaya sya talaga yung may ari ng boses na to!. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at humarap sa lalaking nasa likod ko ngayon.

At halos magtatalon ako sa pagkabigla ng makita ko ang lalake na nasa harap ko ngayon na hanggang tenga ang laki ng ngiti sa labi.

"Teka?, I-i..ikaw ba talaga yan?!" Di makapaniwala kong tanong habang pinagmamasdan ang tindig nya. Pero ngumiti lang sya sakin na mas nagdulot ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

Bigla akong lumapit sa kanya at niyakap sya ng napaka higpit.
"Teka?! Bat umuwi ka na kagad? Kelan ka dumating? Anong oras?! Grabe! Akala ko nananaginip lang ako!" dire-diretso kong tanong.

"Alam mo, medyo marami yang tanong mo pero, hayaan mo muna kong ibaba tong dala ko" nabaling naman ang tingin ko sa tray na hawak nya.

Tinulungan ko narin syang ilagay yung ice cream na in-order nya
"Ahm, kagabi lang ako dumating, eh bumisita nga ako sa school nyo kanina eh.." natigilan ako bigla sa sinabi nya.

"So ibig sabihin ikaw nga yung nakita ko sa cafeteria kanina?" Di makapaniwalanh tanong ko.

"Gusto nga sana kitang lapitan kanina kaso umalis ka na eh, pero naisip ko rin na i-surprise ka nalang.." sagot nya ulit pero ngumiti lang ako.

"Ehemehem.. baka naman pwede kaming makisali sa usapan nyo?" natigilan ako ng magsalita si Kurt. Pero nagtawanan nalang kami.

Habang nasa kaligtaan kami ng pagkain ng ice cream biglang nagsalita si Nikko.
"So Lissa, kamusta naman kayo ni Kurt?!" Napangiti naman ako sa tinanong ni Nikko kay Lissa.

"Hmm, ok lang... natitis ko pa naman tong lalakeng to." Saad ni Lissa habang kinurot sa pisngi si Kurt.

"Grabe ka sakin ah! Ang magkaroon ng isang boyfriend ko na tulad ko ay isang malaking biyaya" Nagsitawanan ulit kami sa mga pinagsasabi ni Kurt.

"Hmm, ikaw Zein?, kayo ni Kyle?" Natigil ako sa pagkain ng maitanong nya yun.

"Ahh, o-okay lang... medyo komplikado yung sitwasyon pero ayos lang.. kaya pa naman namin at, kakayanin namin" Napangiti naman si Nikko sa sinabi sabay pat sa ulo ko.

"Wag ka mag alala.. ako na mismo magsasabi sayo, okay lang sya dun." Pagpapalakas nya ng loob ko.

"Hmm, Eh ikaw Jio?! Kamusta na Lovelife mo? May naging girlfriend ka na ba sa mga nilalabaso mo?" Bigla akong naubo sa tinanong ni Nikko kay Jio. "Okay ka lang Zein?" Tanong ni Lissa habang hinihimas ang likod ko.

"Okay lang.." saad ko habang nakatingin kay Jio.

"Alam nyo namang, tumigil na ko sa mga pambabae ko diba?" Mahinhin nyang sabi.

"So, may girlfriend ka na?" Tanong ulit ni Nikko na biglang ikina-kaba ko.

Tumingin muna sakin si Jio bago nagsalita.
"w-wa..wala pa." Sagot nya sabay kain nung ice cream.

Hayysss... Bakit ba kasi di pa aminin ni Jio ang tungkol sa kanila ni ate Rissa?.

"Ang bagal mo naman eh!" Sabi ni Kurt habang inaasar si Jio.

Ano ka ba naman kasi Jio! Bat ayaw mo pang aminin? Eh akong mas nahihirapan sakanya.

Natigilan ako ng nabaling ang paningin ko kay Nikko na nakatingin din sakin.

Di ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na to. Pero ang alam ko'ng sigurado ako eh, masaya akong nandito na ulit si Nikko.





Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon