Nabaling ang tingin ko sa wall clock, pero bigla akong nagpakawala ng malalim na paghinga matapos makita kung anong oras na. Alas otso palang ng gabi pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Thirty minutes narin siguro ang nakalipas matapos akong makauwi dito sa bahay galing sa condo ni Kyle. Nabigla nga sina mama ng makita ako, E bukod sa suot ko, ang alam nila dun ako mag papalipas ng gabi. Kahit naman gustuhin nilang magtanong sakin, sinabi ko nalang na gusto ko munang mapag-isa para makapagpahinga.
Psh.. hanggang kailan ba ko nagkakaganito? Pati sina mama at kuya naapektuhan na.
"Hindi mo lang alam ko'ng gano ka kaswerte na magkaroon ng isang tulad ni Ethan, mamahalin ka nya higit sa pagmamahal na binibigay nya sa sarili nya. At hindi mahihigitan ng kahit sino ang pagmamahal na ibinigay nya para sa'yo." Bigla namang sumagi sa isip ko ang mga salitang yun dahilan para maalala lahat ng pinag usapan namin ni Irene kanina.
Iniisip ko kung totoo nga kaya iyun. Kung tutuusin hindi dapat ako nag pa pa-apekto dahil nagawa na nilang magsinungaling sakin kaya hindi na ako papayag na bilugin ulit nila ang isip ko.
Napatingin ako sa pinto ng marinig ko ang sunod-sunod na pag katok. Napapikit muna ako bago tumayo sa pag kakahiga at inayos ang sarili bago pinabuksan.
"May naghahanap sa'yo" Napataas ang kilay ko sa narinig ko kay mama.
Gabing-gabi May naghahanap pa sakin.
"Ahm, sino?" Taka kong tanong.
"Mas mabuti kong ba-baba ka na lang."
Ngumiti nalang akong pilit bago tumango.Inayos ko muna ang sarili ko bago sumunod kay mama. Pero natigil ako ng makita ko si Jerome sa sala.
"Anong ginagawa mo dito?" Agad na tanong ko.
"Wala man lang bang Good evening?" Pero tinignan ko lang sya na parang pinapahiwatig na "hindi ako nakikipag biruan sa'yo" at sa tingin ko napansin nya rin yun.
"Sorry" agad na bawi nya. "Hmm, gusto lang sana kitang makausap" pagpapatuloy nya.
"Tungkol saan?" Diretso ko ulit na tanong.
"Sa lahat" hindi ko alam kong anong tinutukoy nya pero alam ko'ng may gusto syang sabihin sakin at kaylangan ko syang pagbigyan.
Nagtungo kami sa labas ng bahay sa kong san naka-park ang sasakyan nya.
"Nabalitaan ko nawalan ka raw ng malay kanina" napatango nalang ako dahil wala akong ganang magsalita.
"Buti nalang at nandun si Kyle kaya naalalayan ka kagad." Napatingin naman ako kay Jerome ng marinig ko ng pangalan ni Kyle.
"Huh? Si Kyle?" Takang tanong ko.
"Ahmm, sabi-sabi nila" Napalunok nalang ako at di na nagawang magtanong dahil unang-una wala na akong pake kung sino pa umalalay sakin.
"Ahm, Eto nga pala" Napatingin ako sa hawak nya na aktong inaabot sakin, na ikina-kunot ng noo ko.
Halos ilang segundo nya naring inaabot ang hawak nya sakin pero hindi ko eto magawang kunin kaya nilagay nya sa kamay ko.
"Ano to?, I mean para saan?" Tanong ko.
"Wala lang, gusto lang kitang bigyan ng regalong galing sakin." tinaasan ko sya ng kilay dahil di ko maintindihan kong anong ibig niyang sabihin.
"Tanda mo pa ba nung araw na may nag iwan ng box ng chocolate sa desk mo? Pati narin nung mga stuff toy at flowers ng sumunod at sumunod pang mga araw?" Hindi ko yun sinagot at inisp ang mga pangyayari na yun.
"Alam mo, nung una kitang makita sa may cafe, alam kung nakakatawa pakinggan pero, naramdaman ko yung "love at first sight" " Natatawa nyang sabi. "At nung araw na yun, nagkaroon ng kung ano dito sa puso ko sa tuwing naalala ko ang pangyayaring iyon. Nung una palang alam ko'ng mabait ka, at hindi ako nagkamali- sobrang saya ko lang kasi nakilala kita, nakilala ko ang isang Zeinrie na tulad mo. " Tumingin ako sakanya ng maramdaman kong nakatitig sya sakin.
"Alam mo yung pakiramdam na, sa tuwing makikita kita todo sa pagkabog ang puso ko, E ano pa kaya pag kausap na kita." Nakatingin lang ako sa mata nya na unti-unti ng pumupungay.
"Pero, patawarin mo ko." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. "Patawarin mo ko dahil nagsinungaling ako"
"An-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dahil unti-unti ng bumababa ang tono ng boses nya.
Huminga muna ulit sya ng malalim bago nagsalita.
"Alam ni Kyle na may gusto ako sayo nung una palang. At nung araw bago sya umalis papuntang states, kinausap nya ko tungkol sa'yo. Ang buong akala ko pagbabantaan nya ko at sasabihin na "wag na wag kang lalapit sa girlfriend ko, kundi malilintikan ka pag ginawa mo yun" " saad nya habang aktong ginagaya si Kyle."Pero hindi, kasi imbis na pagbawalan nya kong lumapit sayo, alam mo kong anong ginawa nya? Ibinilin nya sakin na mas lalo pa akong lumpit sayo. Bilin nya sakin na bilhan kita ng stuff toy, chocolates, bulaklak at kung ano-ano pang pwede mong magustuhan." Natigilan ako matapos marinig ang mga salitang yun.
"Kaya kung ano man yung natanggap mo noon, hindi yun galing sakin-kundi sa boyfriend mo. O diba ang talino lang ng boyfriend mo." Nakatunganga lang ako habang pinapakinggan sya na may pagtataka sa mukha ko."Hindi ko sya lubos na kilala pero masasabi ko na-Ang swerte mo lang na mag karoon ng isang Kyle na tulad nya"
"Siguro nga kong ako ang nasa posisyon mo, natural mangingibabaw sakin ang galit at sakit. Malaman mo ba namang may kahalikan ang boyfriend mo at ang mas malala dahil ex nya pa eto, oh diba double kill."
"Alam ko'ng wala ako sa posisyon para makialam sa sitwasyon ninyo. Pero gusto ko lang ipahayag kung anong sa tingin kong makatutulong sa relasyon nyo. Kahit na alam ko'ng magagalit sakin si Kyle dahil sinabi ko sa'yo ang tungkol sa napag-usapan namin, hindi ako mag sisi sa kung anong naging desisyon ko.." Ramdam ko ang panginginig ng boses nya habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Mahal kita Zein E! Pero mas mahal ka ni Kyle. Kaya alam mo yung nakakainis? Yung pakawalan mo yung taong mahal mo kahit na masakit, pipilitin mong maging matapang kahit na alam mong durog na durog ka na." Nagsimula narin ang panggigilid ng luha sa mata nya.
"Alam mo yung salitang tiwala?, mayroon nun si Kyle. E ako ngang napagkatiwalaan nya kahit na anytime pwede kitang agawin sakanya ikaw pa kaya na girlfriend nya."
"Kung patuloy mo syang iiwasan at balewalain, di kita masisisi. Pero sana isipin mo kung kaya mong itapon nalang ng basta-basta lahat ng meron at pinagsamahan nyo."
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]