Chapter 20: Memories

5.1K 132 13
                                    

Pagkatapos ng pag uusap naming yun ni Irene, hindi ko maiwasang wag mag alala sakanya, pakiramdam ko kasi nag iba na naman ang mood nya matapos ang pag uusap naming yun hanggang uwian naging tahimik sya bigla. hayss..

Naglalakad ako ngayon papuntang gate para bumili ng makauwi na kagad, medyo nagugutom narin ako, eh hindi na kasi ako nakapaglunch sa kadahilanang sinamahan ko muna si Irene para palakasin ang loob nya.

"Zeinnn!." nabaling ang paningin ko ng may tumawag sa pangalan ko.

"Oh Lissa?! Bakit? May problema ba?" Agad na tanong ko sa kanya ng makarating na sa kinatatayuan ko.

"Ah! Hindi, wala" hingal nyang saad. "Ahhmm,Nga pala Zein, sgusto ko lang ipaalala sa'yo na.. malapit na birthday ko" masigla nyang sabi pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Di ko alam kong may iba ka pang gustong sabihin pero, wag kang mag alala may regalo ko para sa'yo" pag bibiro ko.

"Ano ka ba! Hindi na importante sakin ang regalo... ang sakin lang eh, sana makarating ka sa party, lalo na't uuwi mga pinsan ko, gustong gusto ka nilang makilala kaya dapat andun ka!" Excited nyang sabi.

"Kahit hindi mo na sabihin pupunta talaga ko dun. Dahil alam kong isa sa mga espesyal na araw mo yun" napangiti sya bigla sa sinabi ko.

Pero habang nasa kalagitnaan kami ng pag uusap. Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng bigla akong makaramdam ng panghihina.

"Oh Zein okay ka lang?" Agad na tanong sakin ni Lissa habang inaalalayan ako.

"Ahh, Oo, medyo nahilo lang" saad ko habang naka hawak parin sa dibdib ko.

"Ha? Sigurado ka? Baka may nararamdaman kang kakiba? sabihin mo sakin kagad ah!"

"Hindi, wala.. okay ako" pag sisinungaling ko. Eh sa ayaw ko na syang abalahin tutal kaya ko pa naman. Init lang siguro to.

"Oh sigurado ka? Eh! hatid nalang kita sa inyo!." Suhestiyon nya pero agad ko yung tinanggihan.

"Hindi okay na ko.. alam mo?! mas mabuti kong mauna ka na! Baka hinahanap ka na ni Kurt! Tsaka okay nako, tutal may dadaanan pa ko tapos uuwi narin ako eh" pag dadahilan ko.

"Sigurado ka ah!" Pero tumango na lang ako kay Lissa.

"Oh sige! Basta kung kaylangan mo ko? Isang tawag mo lang andyan kagad ako."

"Sige salamat Lissa" pag pasasalamat ko.

Pagkatapos ng pag uusap namin, eh umalis narin sya at agad naman akong bumalik sa pag lalakad. Ng makarating nako sa labas ng campus bigla kong naisipang maglakad nalang pauwi. Eh sa matagal ko narin ata yung hindi ginagawa. At ayun, nag simula na nga akong mag lakad.

Habang sa kalagitnaan ng paglalakbay ko (wow) biglang nag flashback sakin yung mga panahong halos hapon hapon pagkatapos ng klase eh eto ang hobby ko. Yung mga panahong hindi ko pa lubusang kilala si Kyle pati sila Nikko, Jio, Kurt, Lissa. Pati narin nung nakilala ko sina Jerome at Irene. Yung feeling na, wala akong ibang pinoproblema kundi yung grades ko, yung tipong iniiyakan ko pa si Nikko na super crush ko dahil sa girlfriend nya. Hayss... pero ang hindi ko lubos akalain, eh nasa sitwasyon ako ngayon na lahat ng yun eh magiging nakaraan nalang.

Hayss.. nag dadrama na tuloy ako. Nakaka-miss din pala yung mga pangyayaring yun sa buhay ko noon.

Habang nasa kalagitnaan ulit ako ng pag dadrama ko, natigilan ako ng mapadaan ako sa isang café. At napatas kilay matapos makita si Jio habang nakatayo sa labas ng café. Teka! Anong ginagawa nya dun?. Bigla tuloy akong may naisip. Agad na gumalaw paa ko para makapunta sa kinatatayuan nya, pero natigil ako sa paghakbang ng makitang may lumapit sakanya at hinalikan sya sa cheeks.

Biglang namilog ang mata ko sa nakita ko. Hindi lang dahil sa may humalik sa cheeks nya kundi pati narin sa babaeng kasama nya ngayon.

Teka? Kung hindi ako nag kakamali?.. sya ba yun?.

"Let's just say that I'ld wanted to share the blessings I'ld received.." biglang sumagi sa utak ko ang mga salitang yun.

Teka? Kung hindi ako nag kakamali?.. sya ba yun?. Pero?!!.

Natauhan ako ng makita ko silang nagsimula ng maglakad kaya agad naman akong nagtago. Pinagmasdan ko lang sila buong oras hanggang sa makaalis na sila.

"Ano yun? Anong meron sa kanila?!" Yun nalang ang naitanong ko sa sarili ko sa mga nakita ko.

Psh!

Pagkatapos ng ilang minutong pag lalakad nakuwi narin ako ng bahay.
"Ma?!." Tawag ko kay mama.

"Oh Zein andyan ka na pala?" Nabaling ang tingin ko kaya mama na kakababa lang galing kwarto. "Kumusta araw mo?"  Tanong naman ni mama.

"Hmm, okay lang po ma.." saad ko pero tinaasan nya ko ng kilay.

"Hindi ganyang ang mukha ng okay na Zein" napaupo ako bigla sa sofa matapos sabihin yun ni mama.

"Ahm, medyo pagod lang siguro.." saad ko. Naramdaman kong hinaplos ni mama ang balikat ko.

Pero natigilan kaming dalawa ni Mama ng biglang bumukas ng napakalakas ang pinto kaya agad na nabaling ang paningin namin sa may pinto.

"Oh Chris? Anong problema?"
Tanong ni mama kay kuya.. pero hindi eto nagawang sagutin ni Kuya Chris si mama at dire-diretso nag lakad papuntang kwarto nya.

"sandali lang nak ha!" Pag papa-alam sakin ni mama. Pero ngumiti lang ako.

Ano kayang nangyari dun kay Kuya?! Tsk!.







Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon