KinabukasanNaglakad ako ngayon papuntang room para kunin ang gamit ko, eh sa kakatapos lang ng P.E subject namin. Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad natigil ako ng may tumawag sa pangalan ko.
Agad ko namang hinanap kung san galing yung boses na yun, at nakita ko nga si Jerome habang tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.
"Oh! Jerome? Anong problema?" Agad na tanong ko ng makarating na sya sa kinatatayuan ko, pero napangiti sya bigla.
"Ah, wala.. mukhang papunta ka sa room nyo.. eh pupunta din ako dun sa building nyo para ibigay to.." sagot nya sabay angat ng hawak nyang mga papers.
"Hmm, ganun ba?! Sige sabay na tayo" sabi ko sabay ngiti.
Habang naglalakad kami, bigla syang nagsalita.
"Mukhang ang saya mo ngayon ah!" Napatingin ako bigla sakanya ng sabihin nya yun."Hmm, Medyo.." sabi ko habang nakangiti. "Eh, umuwi kasi yung kaibigan ko galing States.. at masaya lang ako dahil andito na ulit sya" pagpapaliwanag ko habang di mawala-wala ang ngiti sa labi ko
"Alam mo?! Dapat makilala mo sya!. Mabait yun.." saad ko na ikinangiti nya."Well, kung may pagkakataon bakit hindi" sagot naman nya sabay ngiti ulit.
Ng makarating na kami ng building nagpa-alam narin kami sa isat-isa. Pero nabaling ng paningin ko ng makita ko'ng nakatingin sakin si Irene.
"Sya yun diba?, Yung nag iiwan ng mga flowers?" Napatango naman ako sa tinanong nya habang naglalakad papuntang desk ko. "So, Nagkausap na kayo?" Tanong nya ulit sakin.
"Hmm, netong nakaraang araw lang." Sagot ko naman ulit.
"Okay.." yun nalang ang nasagot nya.
Agad ko namang kinuha ang gamit ko at naglakad na palabas ng room. Ng makarating na kami sa may gate, biglang may tumigil na kotse sa harap namin. Ilang segundo din bago bumukas ang pinto ng kotse, at automatic naman akong napangiti ng makita kong lumabas si Nikko mula sa kotse nya.
"Nikko?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang gumuhit na naman ang ngiti sa labi ko.
"Hmm, Sinusundo ka.." Shocks!.. hanggang ngayon, hindi ko parin ma itatanggi na may gusto parin ako sakanya kahit na may boyfriend nako.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkakilig, nabaling ang tingin ko kay Nikko ng biglang nag iba ang awra nya ng tumingin sa direksyon ni Irene.
"Ah!, nga pala Nikko si Irene, classmate ko, hmm.. Irene si Nikko, kaibigan ko" pagpapakilala ko sakanila.
Ngumiti naman kagad si Irene habang humakbang palapit kay Nikko.
"Oh, it's nice to see you ... Mr. Fuentes" napakunot noo naman ako bigla sa sinabi nya."M-mag..kakilala kayo?" Agad na tanong ko kay Irene.
Aktong magsasalita palang sana si Irene ng unahan na sya ni Nikko.
"Ahmm, Yeah!.. b-business pa-pa..partners yung family... namin" utal na sagot ni Nikko."Ahh.. ganun ba?! Edi okay! magkakilala na pala kayo." Saad ko habang hindi parin makapaniwala sa nalaman ko.
"Yes! Super magkakilala..." saad ni Irene habang may ngiti sa labi nya. "Well, I guess.. you have something to do? so... See you nalang ulit Zein!." pagpapaalam ni Irene sakin. "And, I'm very glad to see you here again.. Nikko!" Yun nalang ang nasabi nya bago naglakad paalis sa kinatatayuan namin.
Pero natigil ako ng makita ko ang mukha ni Nikko na ang layo ng tingin.
"Hoy! Okay ka lang?!" Tanong ko habang kumakaway sa harap ng mata nya."Ah, Oo, Hmm Sige tara na.. hatid na kita" utal nyang sabi, at hindi ko nalang rin sya masyadong pinansin at sumakay na rin kami sa kotse nya.
Halos buong byahe walang umiimik samin. At nakakapagtaka. ba't parang ang tahi-tahimik lang ni Nikko ng mga oras na to? Eh kung kanina ngang nakita ko syang lumabas ng kotse nya eh, parang ang saya-saya nya. Aish!..
Pagkatapos ng ilang minutong byahe, nakarating narin kami sa bahay.
"Nikko!""Brad!" Sabay na bati ni Mama at Kuya kay Nikko.
"Hi po tita, grabe na miss ko kayo" saad naman ni Nikko sabay yakap kay mama.
"Ako rin brad!,namiss din kita" napatawa naman kami ng sabihin yun ni Kuya kay Nikko na aktong yayakap pa sana kaso biglang sinuntok ng pabiro ni Nikko ang tyan ni Kuya Chris.
Pagkatapos nun dumeretso narin kami sa dining table para makapag hapunan. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain nagsimula ng topic si Kuya.
"Hmm, tagal mo ring nawala brad!. Ano ng balita?! nakahanap ka na ba ng bago dun?!" Nabigla naman ako sa tinanong ni Kuya kay Nikko.
Tumingin muna sakin si Nikko bago sinagot ang tanong ni Kuya.
"Wala eh,.. mahirap maka hanap ng katulad ng isang Zein dun" natigil ako sa pagkain ng marinig ko yun mula sa kanya."Hoy hoy hoy!..baka nakakalimutan mo?! May boyfriend na diba!" Sita naman kagad ni Kuya.
"Alam ko naman eh.." sagot ulit ni Nikko habang nakatingin sa akin.
"And speaking of boyfriend.. diba malapit na monthsary nyo ah?" Bigla naman tuloy akong kinilig dun.
"Eh, Yun na nga ang iniisip ko. Kasi sigurado kong masyado syang busy dun.. kaya, ang iniisip ko eh kung pano ko sya mapasaya" sabi ko.
"Huh?! Eh, baka i-surprise ka nun ulit?!" Sinamaan ko nga ng tingin si Kuya.
"Edi hindi na surprise yun" pag tataray ko. "Tsaka ayoko ng makaabala sakanya, gusto ko rin sanang ako na gumawa ng paraan para mapasaya sya dun." sabi ko.
"Eh pano nga?!" Tanong naman ni Kuya.
"Hmm, Pano kaya kung.. i-surprise ko si Kyle dun?" Bigla naman akong tinaasan ng kilay ni Kuya.
"Eh pa-pano?! pano yung pag-aaral mo?!.. Tsaka isa pa, sa tingin mo papayag kami ni mama!" Panenermon ni Kuya.
"Kuya naman eh!, kahit ilang araw lang.. gusto ko lang syang makausap.. makita ng harap-harapan" pag papaawa ko. "miss ko na sya eh.. sobra"
"Alam mo?! Mahirap yang pina-plano mo.. pero dahil mabait ako at gusto ko lagi kang masaya... hindi talaga kita papayagan" pft! Kainis din tong lalaking to eh noh!
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Fiksi RemajaAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]