Pinagmamasdan ko ang bawat paghakbang ng paa ko habang kasalukuyang naglalakad palabas ng campus. Ala-sais palang ng hapon pero pakiramdam ko parang pagod na pagod ang buong katawan ko kahit wala naman akong ibang ginawa maghapon kundi ang umupo habang lutang na lutang ang isip.
Pagkatapos ng mga nalaman ko kanina sa mga kwento nila sakin biglang nagkaroon ng kung anong panghihina sa pagkaloob-looban ko. Oo naglihim nga sila sakin, pero wala akong magagawa lalo na't alam ko'ng ginawa lang nila kung anong sa tingin nilang makapag papabuti sakin. Kaya dapat lang na matuwa pa ako kahit papano.
Ng makarating na ako sa may gate ng campus isang pilit na ngiti ang ibinigay ko kay manong guard bago swi-nipe ang I.D at nagpatuloy sa paglalakad. Pero natigil ako ng bumungad sakin ang lalakeng naka sandal sa isang mamahaling kotse. Ibang-iba ang itsura nya. Mula sa napaka ayos nyang buhok, sa polo at pantalon na suot nya, at maging ang tindig nya. Ibang-iba sya sa Kyle na kilala ko. Dun sa Kyle na sa kabila ng pagiging badboy, E magagawang magbago.
Napalunok nalang ako ng ma-realize na halos mag iisang minuto narin akong nakatitig sa tindig nya. Agad naman akong napailing at nagsimulang maglakad paalis na para bang walang nangyari.
"Zein!" Rinig ko'ng tawag nya sa pangalan ko.
"Zeinrie!" Patuloy nyang pagtawag pero nagmistula akong bingi na para bang walang narinig.
Ilang beses nya rin akong tinatawag ng paulit-ulit pero ni pagtigil hindi ko magawa. Ramdam ko ang pasunod nya sa bawat hakbang ko kaya yung lakad ko E naging takbo. Ni hindi ko nga alam ko'ng san ako dadalhin ng mga paa ko basta gusto ko lang makalayo sakanya.
Ilang minuto rin ata akong tumakbo ng makaramdam na ako ng panghihina kaya natigil ako at napahawak sa tuhod ko. Lumingon ako para tingnan konga asan na sya pero agad akong napatakbo papasok sa isang kwarto ng makita ko sya.
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga matapos makapasok sa kwarong pinasukan ko. Pero natigil ako ng bumungad sakin ang dim color sa paligid na tanging ilaw lang sa may stage ang maaninag. At ngayon ko lang na-realize na andito ako sa bar medyo May kalayuan sa campus. Pero tumibok ng napakabilis ang dibdib ko ng pumasok sa isip ko ng maalala ko ang lugar na to. Sa bar nato ko'ng san ako nakatayo E dito din ako huling dinala ni Kyle bago sya umalis papuntang states.
Sumilip ako mula sa labas ng bar at nakita ko nga si Kyle na aktong papasok kaya agad akong naglakad at nakipagsingitan sa mga taong andun. Pumwesto ako sa may pinakadulong bahagi ng bar habang nagmamasid sa paligid.
Haysss...
Nagpakawala ako ng malalim na paghinga ng makaupo sa isang sulok.
"Aking Sinta" napalunok ako matapos marinig ang kantang iyon mula sa banda na nag p-perform.
Nananadya ba talaga tongsiTadhana?
Habang patuloy langsa pag kanta ang bokalista ng banda, natigil ang lahat ng biglang tumigil sa pag tugtog ang banda.
"Anong nangyari?"
"Bakit sila tumigil?"
Bumalot sa kwartong eto ang bulungan ng mga tao.
"Good evening" Tumibok ng napakabilis ang dib-dib ko matapos marinig ang boses na yun.
"I know your having a good time listening with the band but, I'm sorry to inturrput you all for a second." Natigil ang mga tao.
"I just wanted to take this opportunity, if it will be the last night I'll be with the person I love, I don't wan't to waste this opportunity."
Dahan-dahan akong iniangat ang ulo ko.Pero biglang tumibok ng napakabilis ang dibdib ko matapos makita ko'ng sino ang nasa stage.
"Alam ko'ng andito ka, at sana kahit ngayon lang, pakinggan mo ako." Panimula nya.
"Kahit na ayaw mong makita ang mukhang to. Kahit ipagtabuyan mo ako. Kahit na, di mo ako pakinggan, hindi mo maalis sakin yung pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo." Napalunok ako sa mga narinig ko. "Hindi ako magsasawang sabihin sayong mahal na mahal kita, at alam ko'ng mahal mo rin ako."
Nagpakawal ako ng maalim na paghinga bago tumayo mula sa pagkakaupo at agad na lumabas sa kwartong iyon.
Patuloy lang ako sa paglakad hanggang sa maramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Natigil ako ng maramdaman ko na ang unti-unting ang pagbagsak ng luha mula sa mata ko.
Pero natigil ako ng maramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Zein" nanghina ang katawan ko matapos marinig ang boses na yun. Kahit na di ako lumingon, alam ko kong sino ang nasa likod ng boses na eto.Hinarap ko syang ng hindi pinupunasan ang patuloy na pagpatak ng luha ko habang tinitigan sya sa mata nya.
"Ano pa bang mahirap unawain sa ayaw kitang makita?" Mariing tanong ko habang tiningnan sya ng diretso sa mata nya."Diba sabi ko naman sa'yo, Hindi ako titigil hangga't hindi mo ako hinahayaang magpaliwanag!" Agad na sagot nya. "Kahit ilang beses mo ako ipagtabuyan, hindi ako titigil hanggang sa pag bigyan mo ako ng pagkakataong makapagpaliwanag." Pero napangisi lang ako sa sinabi nya.
"Zein naman oh! wala ka ba talagang tiwala sakin? Hindi mo ba talaga ko hahayaang mag-paliwanag?"
"Paliwanag? Handa akong makinig E. Nung mga panahong di pa nabibilog ang utak ko nung Irene na yun!" Mariin kong sabi. "Alam mo? Okay lang sakin kahit na makahanap ka ng ibang babaeng ipapalit sakin, pero yung gawin akong tanga? Ang Gago ko lang para mapaniwala mo!" Nagsimula na nga ang pag crack ng boses ko.
"Pero yun na nga, Kaylangan mo ko'ng pakinggan." Pero napailing ako.
"Zein mahal na mahal kita."
"Kung mahal mo nga talaga ko, gagawin mo gusto ko." Saad ko "Layuan mo ko." nangangatal na sabi ko
"Pero"
"Please" at nakaramdam ang unti-unting pagbitaw nya sa braso ko.
Unti-unti akong tumalikod ramdam ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko.
Mahal ko sya, sobra. Pero hindi ko kayang mahalin ang taong pinaniniwala ako sa kasinungalingan.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]