"Hindi mo makikita ang halaga ng isang tao o bagay hanggat andyan eto. Pero pag nawala na, maiiyak ka nalang kasi nagsisisi ka na't hindi mo pinahalagan yung panahong andyan pa sya."
Hindi mawala sa isipan ko yung mga salitang yun galing dun sa matandang babae. At para bang may ipinapahiwatig eto'ng kung ano sa akin.Isang oras narin ata akong nakahiga dito sa kama ko habang nakatingin sa kawalan. Natauhan nalang amo ng biglang may kumatok sa pinto at pinagbuksan ko naman eto kahit na wala akong ganang tumayo.
"Pwede mo ba kong tulungang maghanda sa baba." Agad na bungad sakin ni Kuya Chris.
"Bakit anong meron?" Tanong ko. Pero ang sabi nya wag na raw akong maraming tanong. Kaya sumunod na lang din ako. Ng makarating ako sa sala. Natigil ako ng makita ko si Kyle na nakupo sa couch. Andun din sina Jio, Kurt, Nikko at Lissa. Pero parang naka focus lang ang paningin ko sa lalakeng nakaupo habang nagbabasa nung hawak nyang libro.
Napaiwas ako ng tingin ng mapansing tumingin sya sakin. At agad akong nagtungo sa kusina.
"Anong ginagwa nila dito." Tanong ko kay Kuya."Inimbita ko. Bakit?" Bigla ko ngang inirapan.
"Bakit nga? Anong dahilan? Ang layo pa ng birthday mo ah." Pilit kong tanong pero tinaasan nya lang ako ng kilay.
"Wala ka na dun. Kung may problema kayo ni Kyle wag nyo ng dalhin dito." Pero inirapan ko ulit sya habang nag m-make face. Psh! Palibhasa wala kang pakialam sakin.
At ayun, kahit na bwiset ako kay Kuya tinulungan ko nalang syang maghanda nung mga ti-nake out nyang pagkain sa restaurant. E mag iinuman daw kasi sila kaya eto.
"Need help." Natauhan ako ng may magsalita sa likod ko.
"Oh Lissa! Hmm.. sige kaylangan ko ng maihatid to sakanila." Pero tumango lang sya.
"Sige tulungan na kita" Pag i-insist nya. Hindi narin ako tumanggi dahil alam kong gusto nya ring tumulong.
Pinuntahan na nga namin sina Kuya sa labas kung nasan sila nag iinuman. Ng makarating na ako sa tapat nila agad kong linapag ang dala ko at ramdam ko rin sa mga oras na yun na nakatingin lang silang lahat sakin.
"Kung may kailangan ka pa tawagin mo nalang ulit ako." Pag papaalam ko kay kuya bago pumasok at dumeretso sa kwarto.
Itinapon ko ang katawan ko sa kama ko at nagpakawala ng malalim na paghinga.
"Zein." Natigil ako ng makita ko si Lissa na nasa labas ng kwarto habang nakahawak sa pinto'ng naka semi close.
Umayos ako ng upo tsaka sya pumasok sa kwarto.
"Hmm. Sorry" Sabi nya ng hindi tumitingin sa mata ko. "I'm sorry kasi nagsinungaling ako, kami. At nagsisisi kami sa nagawa namin." Pero tumayo ako at lumapit sakanya tsaka inangat ang ulo para maiharap sakin."Hindi nyo naman ginusto diba. Okay na ko." Sabi ko sabay pilit na ngiti.
"E pano si Ken? Paano na kayo?." Sunod na tanong nya dahilan para mapaisip ako. "Alam kong mahal mo sya at hindi yun nawala sayo. Kasi galit. Yun ang nararamdaman mo." Sa pagkakataong eto ako naman ang di magawang makatingin sakanya.
Di ko alam pero para ngang tama sya. Buong oras nagkwentuhan lang kami. Naikwento nya sakin na halos gabi-gabi raw umiiyak si Kyle. Minsan oa nga daw E kahit na sa madaling araw pumupunta parin sila sa condo neto para lang madamayan. At kung ano-ano pang i-kwinento nya hanggang sa nakatulog na sya dito sa kama ko.
Lumabas muna ako ng kwarto para tingnan sina Kuya. At ayun nag inuman parin sila. Pero kita ko mula dito sa kinatatayuan ko si Kyle habang lasing na lasing pero sina Kuya e buhay na buhay pa na para bang nakikinig lang sa mga pinagsasabi ni Kyle
Handa na sana ako humakbang paalis ng marinig ko ang pangalan ko sa usapan nila kaya nanatili ako sa pwesto ko.
"Mahal na mahal ko yang kapatid mo E!" Rinig kong sabi nya. "Pero sa ipinapakita nya, hindi ko makitang mahal nya pa ako."
May kung ano sa kaloob looban ko ang nainis sa sinabi nya. Dahil maging ako di ko alam kong ano ang tunay na nararamdaman ko para sabihin iyun.
Kung alam mo lang Kyle. Kung alam mo lang kung anong tunay kong nararamdaman ngayon.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Teen FictionAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]