Chapter 37

5.1K 160 96
                                    


Natauhan ako ng biglang bumukas ang pinto kaya agad akong umayos ng upo.

"Eto na yung pinabibili mo." Bungad ni Nikko habang inaabot sakin yung paper bag na dala nya.

"Salamat." sabi ko habang chine-check ang ingredient na pinabili ko.

"Kumpleto na ba yan?" Tanong nya sakin pero tumango nalang ako.

Pero natigil ako ng biglang may pumasok sa isip ko.

"Ah, Nikko" bigla naman syang tumingin sakin ng tawagin ko pangalan nya.

"Bakit?" Tanong nya habang tinatanggal ang sweater nya.

"Hmm, pano nga pala natin malalaman kung andun nga talaga si Kyle?" Biglang tanong ko, pero ngumiti lang sya sakin.

"Buti nalang at napaalala mo sakin." Sabi nya. "Magbihis ka na!" Napataas naman bigla ang kilay ko sa sinabi nya.

"Ha?" Takang sabi ko habang nakataas ang kilay.

"Basta! Magbihis ka nalang, sige na!" Saad nya ulit habang tinutulak ako papuntang kwarto.

Ako naman, pumunta na lang din ng kwarto para makapag bihis kahit di ko alam ko'ng san ba ko dadalhin ng lalaking to.

.


Pagkatapos kong makapag bihis at mag ayos ng sarili, bumalik na rin kagad ako sa sala.
"Ano?, Ready ka na ba?" Napakunot noo ko sa tinanong nya.

"Ready sa ano?" Takang tanong ko, pero ngumiti lang sya sakin sabay akbay.

"Tara na nga" saad nya sabay hatak sakin palabas ng bahay.

At ayun, sumakay kami sa kotse na naka park sa garahe nila. Matapos ang ilang minutong byahe, tumigil narin sya sa pag mamaneho.

"Di ka ba baba?" Nabaling ang tingin ko ng marinig ko si Nikko habang nakasandal sa labas ng kotse nya.

Ng makababa na ako, halos napa nganga ako sa kung anong nasa harap namin. Isang napakalaking gusali.

"Dito pumapasok si Ken" rinig ko'ng sabi ni Nikko.

"Huh? Eh anong gagawin natin dito?" Takang tanong ko. "Baka makita tayo ni Kyle dito! Pano yung plano?" Alalang sabi ko pero napangisi lang sya.

"Don't worry" sabi nya sabay suot nung shades nya.

"Eto suotin mo narin to" Napatingin naman ako sa shades, at mask na aktong inaabot sakin.

"Bakit?" Tanong ko ulit.

"Basta i-suot mo nalang " psh! Okay.

At ayun, di narin ako nagtanong pa at ginawa nalang ang sinabi nya, sinundan ko lang sya habang naglakad papuntang entrance, pero natigil kami ng humarang ang guard kay Nikko.

"I.D please.." saad nung guard. Akto namang kumapa si Nikko sa bulsa nya pero natigil at humarap sakin.

"O anong problema?" Tanong ko.

"Naiwan ko yung I.D ko" sabi nya sabay kamot sa ulo.

"Ha? E Pano yan?" Takang tanong ko ulit, pero ikinabigla ng kilay ko ng ngumiti lang ulit sya. Maya-maya pa nakita ko'ng tinggal nya ang mask at shades nya, pero ikinasingkit ng mata ko ng namilog ang mata nung guard matapos tanggalin ni Nikko ang shades at mask nya.

"Oh! Mr. Fuentes! I'm s-s..sorry" utal na sabi nung guard sabay yuko na para bangay nagawang mali, pero ngumiti lang si Nikko sabay tapik sa braso neto.

"It's okay, but please don't tell dad that i've went here."

"Okay sir, no problem" sabi ulit nung guard bago naglaan ng espasyo sa dadaanan namin.

At,ayun sinundan ko na ulit si Nikko ng magsimula na syang maglakad papasok.
"Ano yun? Kala ko ba naiwan mo I.D mo?"

"No need" sagot nya sabay suot ulit nung shades.

Grabe, ganun ba talaga kasikat ang pamilya nila dito?. Shocks!

"Hintayin mo ko dito may kakausapin lang ako sa loob." sabi nya pero tumango nalang ako.

Napasandal nalang muna ako sa pader habang hinihintay si Nikko.

Hayss, sa laki ng building nato, pano kaya namin makikita si Kyle? Pero alam ko namang makikita rin namin sya dahil kay Nikko. Hehe.

Habang nag mumuni-muni ako, nabaling ang atensyon ko ng may marinig akong boses.

"Ahm, sir you still have 3 clients to meet up this afternoon" rinig ko'ng sabi ng isang babae.

"Okay." pero biglang namilog ang mata ko ng marinig ang boses na yun. Kahit na na isang salita lang yun, ibang iba ang epekto sakin.

Unti-unti ko'ng binaling ang ulo ko para tingnan kung san galing ang boses na yun.

At....












Dugdug dugdug...









Halos di ko migalaw ang katawan ko matapos makikita ang lalakeng naaaninag ng mata ko ngayon. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko habang papalapit sya ng papalapit.

Sa tindig nya ngayon. Sa polo'ng suot nya, sa ayos ng buhok nya— Hindi ko maikakaila na sa loob lang ng ilang Linggo, E ang laki ng pagbabago sa itsura nya.

Di ko alam pero sobra lang akong nagagwapuhan sa kanya.








Sa boyfriend ko.




Uwahhhhhhh









Natauhan ako ng mapansing tumingin sya sakin. Kaya bigla akong naaligaga at agad na kumilos tsaka naglakad palayo ng ilang metro ang layo sa kinatatayuan nya.

Sana lang hindi nya ko nakita o namukhaan, dahil baka masira lang lahat ng plano ko.

Pero, ikina-kunot ng noo ko ng tumigil sya sa harap ng isang room kung san dun rin pumasok si Nikko. E Teka? Wag mo sabihing papasok sya sa loob.

Baka magkita sila ni Nikko. Anong gagawin ko?!. Aktong bubuksan nya na sana ang pinto ng tumingin sya sa kasama nyang babae.

Medyo malayo ako sa kinatatayuan nila kaya di ko masyadong marinig yung pinaguusapan nila.

Maya-maya pa nagsimula na silang maglakad paalis. Kaya napahinga ako ng maluwag dun. Pero di ko alam kung bakit gumalaw ang paa ko at sinusundan sya.

Pero natigil ako sa paglalakad ng makita ko'ng tumigil sila. At kita ko na pumasok na sila sa isang kwarto.





Hmm..





Natauhan ako ng bigla akong nakaramdam na may tumapik sakin.
"O anong ginagawa mo dito? San ka ba nagpupunta?" Tanong ni Nikko pero tinitigan ko lang sya dahil sa pagkakatulala.

"Hoy Zein!" Saad ni Nikko ng mapansing nakatulala lang ako.

Pero imbis na sagutin ang tanong nya ngumiti lang ako habang ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

"Nakita ko na si Kyle." Sabi ko sabay ngiti.

"Ano? Teka? Nakita ka nya?" Pero agad akong napailing

"Hindi"

Tinaasan nya ako ng kilay sabay hinga ng malalim bago ngumiti. At maging ako di ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan ng napaluha dahil sa sayang nararamdaman ko.














Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon