Chapter 16: Jio

4.7K 154 13
                                    


Nagising ako ng mapansing maliwanag na ang paligid ko. Nabaling ang paningin ko sa orasan pero imbes na mabigla eh napakamot lang ako sa ulo ko. Alas-dyes na ng umaga pero antok na antok parin ako.. hayyystt buti nalang walang pasok ngayon.

Agad kong kinuha ang ang cellphone ko para icheck kung may message ba galing kay Kyle pero wala. Hmm, nakarating na siguro saya kaya baka nagpapahinga lang... sana okay sya dun.. Hayysss... Umagang umaga mag dra-drama n kagad ako.

Handa na sana ulit akong humiga sa kama ko ng biglang nag vibrate ang cellphone ko, agad ko namang ulit yung kinuha. Pero natigilan ako ng makita kong sino ang nasa kabilang linya. Pinagmasdan ko muna ang screen ng ilang segundo bago ko sinagot ang tawag.

"Ahmm, hello. I- Irene?!" pambubungad ko.

"Hi Zein! Good morning." masiglang bati nya mula sa kabilang linya.

"Hmm, bakit ka napatawag?" Tanong ko sakanya ng diretso habang nakapikit parin.

"Ah, kasi.. gusto sana kitang yayain lumabas.." napakunot noo naman ako sa narinig ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Taka kong tanong.

"Kung wala ka sanang gagawin.. gusto sana kitang makausap.." mahinahon nyang saad. "Please.." Bigla akong napaisip sa sinasabi nya. Gusto nya kong kausapin? Bakit? Hmm .

"Ahhh, S-sige.. text mo nalang ako kung saan."

"Talaga?! Sige ha! see you Zein!..." Masigla nyang sabi.

Haysss.. ano ba namang babae yun, hindi ko maintindin. May oras na ang bait-bait nya, kung minsan naman masungit, psh!

Kahit wala parin akong gana, pinilit kong tumayo para maligo para mag ayos ng sarili ko. Nagpaalam narin ako kay kuya eh nakakapanibago nga lang.. dahil hindi nya ko inenterview kung saan ako pupunta.

Mga dalawampung minuto din ata bago ako makarating sa lugar na tinext ni Irene. Pagkapasok ko sa Ice cream house nakita ko kagad si Irene habang kumakain.

"Ahmm, Sorry na late ako" pagpapaumanhin ko ng makarating nako sa mesa kung nasan sya naka pwesto.

"Ah, No its okay.. masyado lang akong maaga.. sige upo kana.." Sabi nya sabay ngiti "Hmm, by the way.. I ordered you already a cheese flavor ice-cream.. but if you don't want to.. you can order another one, my treat!.." masiglang nyang sabi, pero nginitian ko lang sya ng pilit.

"Ahh, hindi na.. okay nako dito" sagot ko naman. "Hmm, So, bakit mo ako inimbita para dito?" tanong ko sa malumanay na boses dahilan para matigilan sya.

"Zein, I heard kasi about... you and your boyfriend.." ako naman ang natigilan sa sinabi nya. "At, sa isang tulad ko na naranasan din ang ganyang sitwasyon... Naiintindihan kita.. Kaya kung kaylangan mo ng makakausap andito lang ako.. Were friends right!" biglang nag-iba ang boses niya matapos sabihin ang mga salitang yun. Pero mas napaisip ako sa mga naunang sinabi nya.

"Salamt.. pero... N-naranasan mo rin ang ganitong pangyayari?" tanong ko.

"Hmm, Yeah! But that was a year ago.. and.. I'm on a recovering stage.." bigla akong napaisip. Recovering? So ibig sabihin, maaring naghiwalay sila dahil din sa parehong sitwasyon namin ni Kyle ngayon?! Tsk! Hindi! Hindi!

"At.... maliban din dun... Gusto kong huminga ng pasensya... Tungkol dun sa mga nakaraang araw.." pagpapatuloy nya.

"Alam kong napapansin nyong iba ang kinikilos ko nung mga nakaraang araw.. its just, I have some personal problem.. that makes me feel so stressed that time.. but I hope you understand" hinawakan ko ang kamay nya at tiningnan sya sa mata.

"Maiintindihan naman kita kung may pinagdadaanan ka.. pero diba ikaw narin ang may sabi.. we're friends.. so you dont need to keep you problems forever.. I'm willing to listen.." Napangiti sya sa sinabi ko. Nabigla ako ng tumayo sya at lumapit sakin sabay yakap ng napaka-higpit.

"Thanks Zein" sabi nya ng makakalas na sa pag kakayakap sakin.

"Thank you din" sabay ngiti ko.

Matapos ng pag-uusap namin. Niyaya nya kong mag shopping. Kung kanina eh wala akong ganang makipagkita sakanya pero ngayon na-excite ako na kasama sya. Bigla kong naalala si Lissa kay Irene,nakakatwa lang isipin na habang tumatagal, dumadami na ang mga taong nakapalibot sa buhay ko. ^_^

"Hooo.. ang bilis ng oras alas-dos na kagad" saad nya habang umupo sa isang bench, natawa naman ako ng mapansin ko nga rin. Sa sobrang enjoy namin sa pag palakad-lakad hindi ko namalayan ang oras.

"Hmm, pano ba yan?.. Kaylangan ko ng umuwi. Dahil panigurado ko hahanapin nako ni Mom eh 2:30 lang pinaalam ko.."

"Ganon ba?! Hmm.. sige una ka na.. kita nalang tayo sa school.." pagpapaalam ko.

"Sige Zein! Salamat ulit.. bye!" At nagsimula na nga sya maglakad paalis.
Hayss.. babaeng yun! Pinagod talaga ko buong araw. Tsk!

Naglakad nalang akong papuntang food court eh sa nagugutom na ko kaka libot sa buong mall.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pag kain natigilan ako ng makita ko ang dalawang tao sa loob ng restaurant habang nag uusap.
"Teka! Si Jio ba yun?!" Biglang sabi ko sa sarili ko..

Pero kung si Jio yun.. sino yung kasama nyang babae? Hindi ko makita ang mukha ng babaeng kasama nya dahil nakatalikod ito mula sa pwesto ko.

Tanaw ko mula rito si Jio habang abot tenga ang ngiti. Maya-maya pa tumayo na sila at aktong palabas na ng restaurant. At napakunot noo ako ng makita ang babaeng kasama ngayon ni Jio.

Isang babaeng kasing tangkad nya lang.. may pagka mistisa, may magandang tinding, pero kung hindi ako nagkakamali.. nasa 30+ na ang edad nya... Hmmm... Sino yun?




Accidentally In Love with the Bad Boy AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon