Kasalukuyan akong pinipigilan ni mama na wag makalabas ng pinto.
"Zein! Pakinggan mo naman ako! Hindi ka pa nga magaling tapos papasok ka na kagad?!!" Giit ni mama pero sa unang pagkakataon hindi ko inintindi si mama sa gusto nya.
"Ma! Okay nako, kaya ko na sarili ko, tsaka sabi naman ng nurse mas makabubuti ko'ng igalaw ko ng kahit pa-pano yung katawan ko. Eh baka mas lalo akong mag kasakit ko'ng dito lang ako sa loob ng bahay buong araw." Pag kukumbinsi ko. "Ma, kaya ko.. promise hindi ako mag papagod!" Saad ko sabay taas ng kanang kamay ko na aktong nangangako.
"Tara na Zein!" Nabigla naman ako ng magsalita si Kuya Chris habang kakababa lang ng kwarto nya.
"Teka?! Anong ibig sabihin neto?" Biglang tanong ni mama kay Kuya.
"Baka ma-traffic pa tayo.. Hmm, Sige Ma una na kami!" Saad ni kuya sabay kiss sa cheeks ni mama. Agad naman akong inakbayan ni kuya tsaka kinaladkad papuntang kotse.
Tinulak kagad ako ni Kuya papasok sa kotse at agad nya itong pinandar. Habang papalabas kami ng gate halos rinig ko parin ang pag sermon ni mama pero tinawanan lang namin ni Kuya.
Sa mga oras nato, alam ko'ng mali ako dahil nakuha ko'ng suwayin si mama, pero hindi ko naman kayang manatili nalang buong araw sa bahay. Isa pa sayang din kung di ako papasok, pano kung may activities na kaylangan gawin? Kaya okay narin.
"Pasalamat ka dinamayan moko kagabi!" Napatingin naman ako kay Kuya ng bigla syang magsalita, pero nginitian ko lang si Kuya.
Wala pang 20 minutes nakarating narin ako ng campus. Ng makarating nako sa building ng room namin halos lahat ng mata nakatitig sakin. Siguro nagtataka sila kung ba't ako pumasok ngayon pero hindi ko sila pinansin.
Natigilan ako ng makita ko ang desk ko. Himala, walang nag iwan ng kung ano dito sa table ko. Alam nya sigurong di ako papasok ngayon kaya wala syang iniwan. Tsk!. Pero nabaling ang paningin ko sa upuan ni Irene. Late ata yun!.
Maya-maya pa dumating narin ang prof namin at halatang nabigla ng makita ako. "Ms. Gonzales?" Takang tanong nya habang tinititigan ako.
"Ikaw ba talaga yan?" Tanong nya ulit sakin."sana ipinagpahinga mo muna yang katawan mo ngayong araw na'to..""Hmm, wag na po kayong mag alala, okay na po ako, kaya pa naman ng katawan ko.." pag bibiro ko pero tumango lang sakin si Prof.
"Sigurado ko ha!.." saad ni Prof pero tumango lang ako.
Pagkatapos ng lahat ng subjects namin ngayong araw naisipan ko'ng pumunta ng cafeteria para mag lunch. Wala si Irene kaya medyo wala akong makausap sa room. Bat kaya sya di pumasok? Psh!.
Habang abala ko sa pagpili ng kung anong pwedeng bilhin, eh natigil ako ng may magsalita sa likod ko.
"Zein?! Teka anong ginagawa mo dito? ba't ka pumasok? Eh pupunta pa nga lang sana kami sainyo mamaya" dire-diretsong tanong ni Lissa sakin."Okay nako.. kaya ko naman na eh!. Tsaka sabi nung nurse naghalo lang daw yung pagod at init sa katawan ko kahapon, pero wag ka nang mag aalala okay na okay nako.." tinaasan naman ako ng kilay ni Lissa.
"Sigurado ka ba talaga dyan nerdy?!" Nabaling naman ang paningin ko kay Kurt. "Isusumbong talaga kita kay Kyle! Pag nalaman nyang nagsisinungaling ka!" Pag babanta nya sakin. Pero natigilan ako sa sinabi nya.
"Nakakausap nyo sya?" Tanong ko.
"Hmm, kagabi yung huli, bakit?" Tanong ulit ni Lissa.
"Ah, may sinabi ba sya sainyo??." Bigla naman nagkatinginan si Kurt at Lissa.
"Ahmm, nangamusta lang tapos.. tinanong ko'ng okay ka lang.." sagot ni Lissa sa tanong ko.
"Sinabi nyo yung nangyari sakin kahapon?" Agad namang napailing si Lissa.
"Hindi... gusto man naming sabihin pero ayaw naming mag alala sya dun kaya mas minabuti naming wag nalang sabihin." Napangiti nalang ako sabay tango.
Ng mga oras nato, bigla akong nakaramdam ng halu-halong emosyon. Saya, dahil nalaman ko'ng may pake alam sya sa nangyayari sakin, pero Lungkot din, dahil nagawa nyang makausap sila Kurt pero ako hindi. Psh!.
"Hmm, Asan si Jio?" Pag iiba ko ng usapan dahil baka mag emote naman ako dito.
"Wala eh, di pumasok.." sagot sakin ni Lissa.
"Ewan nga namin dun, napapadalas na nga pag absent nya, kaya may bagsak sya sa ibang subjects." Ano na kayang nangyayari dun? Teka? Alam kaya nilang may girlfriend si Jio?!. Psh!.
Pagkatapos ng lahat ng subjects ngayong araw. Dumaan muna ko sa bahay nila Kyle para May iabot kay Tita. Pero sabi ni yaya Lena nasa opisina pa raw kaya pinaiwan ko nalang at ibiniling ibigay nalang sakanya.
Pagkatapos kung maihatid ang ipapadala ko kay kyle. Naabutan ko si mama habang nasa sala. Pero ikina-kunot ng noo ko dahil hindi nya ko inintindi kahit na alam kong nakita nyako.
"Ma.." bati ko sabay tabi sakanaya pero hindi nya parin ako iniintindi. Hmm, mukhang alam ko na. "Ma.. Sorry na.." sabi ko ulit habang nilalamabing sya. "Alam ko'ng mali yung mga ginawa ko kanina, pero.. tingnan nyo, Wala naman nangyaring masama sakin diba" tumingin naman sakin ng masama si mama.
"Sa ngayon... eh, pano pag nasanay kang ganyang ginagawa mo sa tuwing nagkakasakit ka?! Zein, pakakatandaan mo hindi sa lahat ng oras andito ako sa tabi mo... Kaya sana man lang sundin mo yung gusto ko. Kasi hindi naman to para sakin eh, para to sa'yo.." huminga ako ng malalim matapos sabihin ni mama yung mga salitang yun. "Zein, dadating yung araw na mararanasan mo rin yung mga bagay na ginagawa ko sa'yo, sainyo ng kuya mo... kaa sana maintindihan mo kung bakit ginagawa ko to" pagkatapos nyang sabihin yun agad ko syang niyakap.
"Sorry na ma.. promise eto na ang una't huling beses na mangyayari to" saad ko pero ngumiti lang sya sakin.
Hayysss... wala na ngang mas sasarap pa sa ngiti at yakap ng isang ina.
BINABASA MO ANG
Accidentally In Love with the Bad Boy Again
Novela JuvenilAccidentally In Love with the Bad Boy [Part 1]