Untitled Part 1

638 5 0
                                    

Nakayakap si Elaine sa nakatalikod na si Christopher. Mugto na ang mata nito at humihikbi,"Para mo nang awa, pleasee...Wag mo namang gawin to. Mag usap tayo..."  

"Tama na,tigilan natin to. Alam mo na ang dahilan di ba?" Sagot ni Christopher.

Mahal kita. Ilove you, sobra. Ano pa ba ang dapat kong gawin? Sabihin mo naman, ayusin natin to. Kaya naman natin to e. Mahal kita,mahal na mahal. Kaya kong gawin kung ano yung gusto mo, wag lang tayo maghiwalay. 

At tuluyan nang lumuhod si Elaine sa harap ni Chris. Hindi tumitigil ang daloy ng luha ni Elaine kaya't mugto na ang mga mata nito.

"I will file for annulment. That is final. I'm sorry, Elaine. Tumayo ka na, bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo. Please keep your dignity at wag ka nang magkaganyan."

Tumalikod muli si Chris at lumabas na ng pinto. Hindi man lamang nilingon ang nakaluhod at lumuluhang si Elaine.


alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon