Untitled Part 21

69 0 0
                                    

Inipon ko ang natitira ko pang lakas para itulak si Christopher. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, pinaghalong kaba, galit, pagmamahal at pagnanasa? Halos limang taon nang hindi ko sya nakita o narinig man lang. 

Lahat ng alaala ay muling bumabalik....

Napaupo ako, dahil para bang isa akong nauupos na kandila na unti unting nawawala ang liwanag na syang pinagkukunan ko ng lakas. At bago pa magdilim ang lahat, huminga ako ng malalim at hinanap ko ang kanyang mga mata....ang mga mata na hanggang ngayon ay pareho pa din ang epekto sa kin tuwing sya ay titingnan ko. Ito ang mga matang minahal ko...

"Bakit ka nandito?"  Pabulong kong tanong.

Lumuhod sya sa king harapan at hinawakan ang aking magkabilang pisngi. "Sinusundo ko na ang asawa ko. Malapit na ang anniversary natin."

Para akong nabingi sa sinabi nya....ano na naman to?? Pero wala akong masabi...iniintay ko na lang ang luhang dadaloy sa mga mata ko....pero WALA.

Huminga ako ng malalim at pinikit ang mga mata...baka sakaling hindi ito totoo...baka imagination ko lang to...pero nararamdaman ko ang bawat paghaplos nya sa aking buhok, sa mga pisngi ko, ang pagpisil at paghawak nya sa aking kamay.

 Pinaghalong galit, frustration at disappointment ang nararamdaman ko, kaya matigas kong sinabi: "Chris, ano to? Bakit ka nandito??"

Ayokong maging malapit sa kanya. Agad akong tumayo at umalis sa sofa para isara ang pinto. Alam kong nakatingin sya sa kin...

"Ok na ko, Chris. Ok na ko. Ikaw ang nagsimula nito...sinagad mo ko..sinaid mo ang natitirang pagmamahal ko sa yo. Kung ikaw ang taong pinakamamahal ko noon, ikaw na ang taong pinakamumuhian ko ngayon. Wala na kong dapat sabihin pa...wag mo na sana akong guluhin. Lumayo na ko, Chris...malayo na ko. Wala kayong narinig sa kin ng ilang taon. Ni hindi ko kayo ginulo. Nanahimik ako...tapos eto ka...pakiusap naman, Chris. Maawa ka naman sa kin, ayoko na..."

Naisip ko bigla ang nangyari sa min, nung araw na lumuhod ako sa kanya at nagmakaawa para wag nya akong iwan. 

"Oo nga pala, di ba sabi mo bigyan ko ng dignidad ang sarili ko? Pasensya na sa nasabi ko na nagmamakaawa ako sa yo kanina. Useless naman kasi ang salitang yon sa yo. Gusto mo bang mag usap tayo? Wag ka mag-alala, hindi kita ipagtatabuyan kagaya ng ginawa mo sa kin. Alam ko kung gano kasakit yon..."

Palapit sa kin si Chris, pero tumalikod ako at nagpunta sa kitchen. Hinila ko ang upuan sa counter at itinuro ito. 

"Elaine..."

"Ano ang gusto mong pag usapan, Chris?"

Nagpunta ako sa sa likod ng counter at humarap sa kanya. Mabuti na yung merung barrier sa gitna namin. Besides, gusto kong itago ang mga nanginginig kong kamay.

"Tayo, Elaine. Ang pamilya natin."

"Tayo? Ikaw at ako,Chris. Wala nang tayo."

"Asawa pa rin kita. Kasal tayo."

"Sa Pilipinas,oo. Dito hindi. Wala tayo sa pinas."

"I know what's been going on, Elaine. Alam ko lahat ang nangyayari sa yo. Aayusin natin to, I promise you that. You're still my wife. Ikaw ang asawa ko, wala nang iba. You are still mine, and I am always yours."

"So ano si Clarisse, kabit mo? Pano nga yung bata na anak mo, wala lang??" 

"I know it's hard to explain everything...and yes, Kristoff was my son."

"WAS?? Anung was??"

"Please, Elaine. Give me a chance to explain. You need to know the truth."

Naguguluhan ako. Nalilito. Bubuksan ko ba ang puso ko para pakinggan sya, o bibigyan ko na naman ng pagkakataon para masaktan ako? Pero sa pagkakataon na to, kaya ko pa bang bumangon ulit pag nangyari yon?

"Listen, I know you have a lot of questions. I know that look, kilala kita, wifey.  Magpahinga ka na muna. Galing ka sa ospital, I know you're tired."

Stalker!??

"Yes. Call me stalker, call me obssessed. All for you, my baby."

"Narinig mo na naman ako??"

At narinig ko na naman ang tawa ni Chris. Bigla nyang nginuso ang mga bulaklak na nasa ibabaw...

"Did you like them? Ano ang sabi ng mga nurses dun? Did they get kilig?"

"Ha? Galing to sa yo??" 

"Well, I guess you didn't read the card. Akala mo ba kay Ronnie yan? He's gay!"

Nanlaki ang mga mata ko

"Pano mo kilala si Ronnie??"

"Hay naku, Elaine. Ronnie is one of our tech guys sa Singapore. I know his work ethic, so he's the perfect person para bantayan ka. Bonus that he's gay, so him falling for you is quite impossible."

Sumasakit ang ulo ko sa mga naririnig ko. 

Biglang sumeryoso ang mukha ni Chris. 

"Elaine, hindi mo alam kung gano ako nag alala nung nasa ospital ka. Kung pwede ko lang bilhin ang Bowen para ikaw lang ang pasyente dun, gagawin ko. Natakot ako na baka hindi ka na babalik sa kin. Hindi mo alam, Els, na natuto akong magdasal dahil sa yo. Sabi ko sa sarili ko, pag nawala ka, susunod ako."  

"Teka, alam mo yung nangyari sa kin dito??"

"I came for you, nang malaman ko ang ginawa mo. I looked for one of the best psych doctors here in NZ to help you recover. Dr. Schultz is one of the best, and I made sure na sya ang titingin sa yo. I really wanted to stay, pero I need to go para ayusin ang lahat. Hindi mo lang alam, Els..."

...at tumulo ang luha sa sulok ng kaliwang mata ni Chris. 






alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon