Hinatid ako ni Chris sa bahay namin. Nagtataka ako kung pano nya nalaman ang address ko, pero hindi na ko kumibo. Di ba nga alam nya yung date namin ng BF ko? E ano ba naman tung address ko, madali lang to sa kanya.
Pumasok siya sa bahay namin maski hindi ko naman inimbita. Nagpakilala pa sa nanay at tatay ko. Ito namang nanay ko, niyaya si Chris na mag dinner at sumabay na sa min. At pumayag naman talaga si mokong.
Ang sarap po ng adobo nyo, nay! Pwede po bang mag extra rice pa?
Bolahin ba ang nanay ko. Hindi ko lang masipa ito kase malayo sa kin nakaupo e.
Ay,oo naman , anak. Ito ang kanin o.
Hindi ko mapandilatan ng mata itong Christopher na to. Hindi tumitingin sa kin ang bwiset. Ang nanay ko naman, walang humpay sa pag tatanong sa kanya. Ok na din, at least nalalaman ko yung iba pang details tungkol sa kanya.
Only child, graduated archtecture 2 years ago and is now working sa firm nila. Sya din ang nagkwento tungkol sa mga lolo namin, pwera na lang yung sa kasunduan na kasal. Ang galing nitong magtahi ng kwento, na kesyo merun naka admit na pahinante nila sa hospital namin at dun nya ko nakita. Kesyo last week pa daw kami nagkita at ngayun lang ako naihatid kasi hindi daw sumipot ang BF ko.
E di syempre, lalong naasar si nanay kay Bryan, sa BF ko. Hindi na nga nya to gusto in the first place, tapos sasabihin pa nitong Christopher na to na nang indyan si Bryan.
Ok, so tapos na kumain ang lahat. Tumayo na ang kapatid ko na si Marvin at pumasok na sa kwarto. Si tatay naman ay nagsabi na papasok na din sa kwarto kaya nakipagkamay si Christopher sa kanya. Si nanay naman ay nagsimula na magligpit ng pinagkainan at tumayo na din ako para tulungan. Si Chris naman ay tumayo din at niligpit ang mga plato.
Chris, anak, ako na dyan. Doon na lang kayo sa sala ni Elaine para makapag usap kayo.
Ay, nay, paalis na po si Chris.
Naku, nay, Thank you po. Pwede po ba ko makinood muna kasi basketball ngayun, tapusin ko lang po yung laban. Ok lang po ba?
Oo naman, anak. Elaine, bigyan mo ng leche flan si Chris pantanggal umay. Sige na.
Hindi ko lang madagukan to sa harap ng nanay ko. Humanda ka sa kin Christopher ka.
Anong ginagawa mo?
E di tumatambay sa bahay ng fiancee ko.
Alam mong merun akong boyfriend di ba?
Alam ko. E ako naman ang magiging asawa mo.
Ewan ko kung bakit ako natuwa nang sabihin nya yun. Mahal ko si Bryan. Sya ang unang BF ko. Una sa lahat; first kiss, first date, unang lalaki na binigay ko ang LAHAT. Pero ano to? Ngayun ko lang nakita itong lalaki na to pero bakit ganito yung feelings ko? Ganito naman kapersistent si Bryan noon. Lahat nga ng mga kaibigan ko ay pinakisamahan nya at sinuyo din. Oo, hindi sya kasing pogi at kasing tangkad ni Christopher, pero hindi naman ako tumitingin sa mga bagay na ganyan.Hindi ko lang alam bakit sya nagbago pero bakit pagkatapos na may nangyari sa min, parang distant na si Bryan. Tuwing magkikita kami, laging sex ang gusto. Sya nga ang nagturo sa kin ng rhythm method bago ko pa to matutunan sa school. Ayoko isipin na sex lang ang gusto ni Bryan sa kin, matagal naman kasi nya ako niligawan. Siguro busy lang sya sa school at merun ding mga problema. Baka ayaw lang nya sabayan ang mga problema ko din sa school. Siguro, kaya ako kinikilig dito sa Chris na to kasi naghahanap lang ako ng atensyon kay Bryan. Baka ganun nga at wala naman ibig sabihin itong feelings na to.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?