Untitled Part 10

158 1 0
                                    

Natatakot ako. Nagseselos. Nasasaktan. Ang dami kong tanong pero wala naman si Chris para sagutin ito lahat. Pero gusto ko bang marinig ang mga sagot nya?

Mahal ko si Chris. Mahal na mahal. Siya ang ginawa kong sentro ng mundo ko. Siya ang magiging ama ng mga anak namin. Pero hindi ako buntis. Bakit ba kasi ako nagpa injection ng birth contol? Baka gusto na nya magkaanak. Kasi naman, nag aral pa ko. Bakit na lang kasi hindi ako nagtrabaho? O kaya baka gusto nya ng stay at home wife? Para mag alaga ng mga bata? Yun ba ang gusto nya?

Kaya ko naman gawin yun, sabihin lang nya. Pero sabi nya na ok lang ako mag aral, na ok lang na wag muna kami mag anak. Tinanong ko naman sya, pinag usapan naman namin to. 

Alam ko na ayaw nya na dinidiktahan sya. Kaya nga sa lahat ng bagay, tinatanong ko sya. Gusto ko marining ang input nya, gusto ko na kinakausap nya ko. 

Ngayun ko lang naisip, tuwing tinatanong ko kung ano ang opinyon nya, lagi nyang sinasabi na ok sa kanya kung ano ang gusto ko. Sa mga usapan namin, lagi nyang sagot sa kin, ok lang yan.  Nagkulang ba ako? Hindi ba ako ganung kasensitive sa mga needs nya?

Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Gabi na naman, at wala pang tawag si Chris. Ayoko naman syang tawagan sa cellphone. Ginawa ko na yan dati, hindi naman sya sumasagot.

Ano ang nangyayari? Hindi naman kami ganito nung simula. Nagsasawa na ba sya?

Si Clarisse ba ang dahilan? Sino sya sa buhay ni Chris? Wala akong alam sa mga naging GF nya. Hindi naman sya nagkukwento. Sya ang maraming alam sa kin, na hindi ko naman itinago. Yung tungkol sa min ni Bryan, alam nya yun. Nag private investigator sya para malaman nya ang background ko.

Madaling araw na, alas dos na ng umaga. Naramdaman ko ang pagdating ni Chris. Kakausapin ko ba sya? Ano ang gagawin ko?

Elaine, alam ko gising ka pa. Gusto mo bang mag usap?

alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon