Malapit na ang 2 years anniversary namin. Mga 2 weeks na lang. Ano kaya ang gagawin namin?
Ang boring ng summer vacation ko. Si Chris kasi, halos hindi na kami nagkikita. Magkita man kami, lagi syang paalis na. Tulog na naman ako kung darating sya sa gabi. Minsan alam ko merun mga araw na hindi sya umuuwi kaya pinapadalhan ko na lang sya ng mga damit sa driver namin. Halos mga 6 months na ganito ang routine namin. Namimiss ko na ang asawa ko.
Hello, Leni? Si Elaine to, aalis ba si Architect Chris mamaya? O dyan lang sya sa office?
Ay, ma'am, wala pong schedule si sir na meeting sa labas. Pero ang alam ko po, after lunch baka mag site check si sir. Hindi ko lang po alam kung anung mga site ang bibisitahin nya.
Ay ganun ba? Kasi balak ko magpunta dyan, sana sabay kami mag lunch. Pakisabi naman sa kanya na pupunta ako, hindi kasi sumasagot sa cellphone nya e.
Baka pwede pa kami mag quickie ng asawa ko. HeHe.
Hindi ako nagluto ng food, pwede naman kami kumain sa labas. Tapos kung talagang busy sya, pwede naman nya ako drop off sa mall tapos pasundo na lang ako sa driver.
Hi, Leni! Si Architect, nasa office?
Yes po. Merun po sya kausap sa office, ma'am, kaya katok na lang kayo. Sinabi ko po kay sir na darating kayo ng lunch time, wala naman po sya bilin or sinabi.
Kumatok ako sa pintuan ng office ni Chris, tapos binuksan ko ang pintuan.
Hi, baby! Sorry, sabi sa kin ni Leni may kausap ka daw. Mag intay na lang ako dito sa couch sa labas. Hello! Kumaway ako sa bisita ni Chris at sinara ko na ang pinto. Ang ganda naman nun. Sino kaya yun?
Huy, Leni! Sino kausap ng sir mo sa loob?
Ay, ma'am. Isa po yan sa investors ng firm. Ang narinig ko, classmate po yata ni sir dati, hindi ko lang po alam kung sa college, HS or elementary. Sila po yung merung mga pawnshop dito na madami, family nya po yung mga Almonte.
Almonte? Yung pawnshop? Teka, di ba me mga hotel na din sila?
Opo. Tayo po ang firm na in charge sa construction ng mga hotel nila.
Ay, kelangan natin makisama dyan. Investor pala tsaka big client ni Architect. Nawala naman agad yung pagseselos ko.
Tumango lang si Leni, ang PA ni Chris.
Maya maya, lumabas na si Chris at yung investor na maganda.
Hi, I'm Clarisse. You must be Elaine?
Yes, I am. Sabay inabot ko ang kamay ko para makipagkamay, pero nakipag beso sa kin si Clarisse. Ok, so nagulat ako pero ngumiti na lang. Mahirap din talaga pag hindi ka nakakapunta sa mga sosyalin na party, hindi ako aware sa mga beso beso. Tiningnan ko si Chris, iniintay ko na yayain ako for lunch.
Elaine, I'm sorry but Clarisse and I has a meeting with some people about the new hotel. Tawagan na lang kita mamaya.
Ha? Akala ko wala kang meeting sa labas.
Something came up. I'll talk to you later.
Tumalikod na sya at inalalayan ang likod ni Clarisse. Nakatanga ako sa kanilang dalawa hanggang pumasok sila sa elevator.
Ma'am? Sorry po, hindi naman kasi sinabi sa kin ni sir yung meeting na yan e.
Alam kong naaawa sa kin si Leni. At ang iba pang empleyado na nandun sa floor na yun at nakakita ng buong pangyayari.
Ok lang Leni. Investor and client natin yun. Ngumiti ako pero pinipigilan kong umiyak.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?