Untitled Part 7

155 0 0
                                    

You may now kiss the bride!!!

Kinasal kami ni Christopher ng May. Hiniling ko kasi na sana pagkatapos na lang ng graduation ko yung kasal, at pumayag naman ito. Nung araw na sinabi ko kay Chris na magpapakasal ako sa kanya, kinausap ko si Bryan, yung BF ko at that time. Sinabi ko sa kanya na maghiwalay na kami, ganun din pala ang gusto nyang sabihin sa kin. Hindi na ko nag explain sa kanya, at hindi ko na din pinakinggan kung ano man ang dahilan ni Bryan. Oo, nasaktan ako, hindi dahil sa paghihiwalay namin, kung hindi dahil sa panghihinayang na sana ay hindi ko ibinigay kay Bryan ang virginity ko. Akala ko kasi ay kami na ni Bryan ang magkakatuluyan. Imagine, hindi ako nagboyfriend since HS. Ni hindi ako nakipagdate. Sinagot ko si Bryan nung 4th year na ako sa nursing at sigurado ako na gagraduate na ako. 

Dumating sa buhay ko si Chris. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako sa mga lolo namin dahil sa kasunduan na ito...Basta ang alam ko, masaya ako sa araw ng kasal namin. At nang sinabi ko ang katagang I do, tutuparin ko ang sumpaan na magiging mabuti akong asawa sa kanya. Aminado ako, nadevelop ang pagmamahal ko kay Chris. Mahal ko na sya.

Mga one week lang kami nag honeymoon. Nagpunta kami sa Cebu. Pero bago iyon, nagusap kami ni Chris na wag muna ako magbuntis. Bakit? Kasi, nakapasa ako sa medical school at nagdecide ako na gusto kong mag aral ng medicine. Pumayag naman sya, kaya nung pasukan sa June, isa na akong medical student.

4 years ang age gap namin ni Chris. Twenty five na sya at twenty one naman ako. Wala naman masabi sila nanay at tatay kasi nag graduate naman ako ng college. In fact, magpapatuloy pa nga ako sa medicine e. Hindi naman nagbago si Chris after ng kasal. Nagulat lang sya ng minsan, after namin magsiping, sinabihan ko sya ng I love you. Tiningnan lang nya ko, ako naman yumakap sa kanya. Hindi sya nagsabi na mahal din nya ako, siguro hindi pa sya handa. Ganunpaman, ipapakita ko sa kanya ang pagmamahal ko araw araw na magkasama kami.



alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon