Ganoon pa din ang Pilipinas. Traffic pa din, maingay ang mga busina ng sasakyan. Halos walang nagbago. Sa akin kaya, may nagbago ba?
Naghahanda sila nanay ng kaunting salo salo sa bahay namin para bukas. 25 years na silang kasal ng aking ama. Pamilya lang at kaunting kaibigan ang imbitado. Ni hindi nga ako nagpasabi na uuwi ako kaya siguradong magugulat ang mga kamag anak ko.
Sa lahat naman ng pwedeng makalimutan ay ang mga plastic cups. Halos handa na ang lahat, buti na lang at napansin ni Agnes na walang mga baso. Si Agnes ang GF ng kapatid ko, na hinila ko at niyayang bumili ng mga iba pang kailangan.
Halika na at mag taxi na lang tayo! Bilisan mo nga dyan, Agnes! Gusto ko din makalibot para madami tayong oras!!
Ate, sandali! Tawagan ko lang si Marvin, paalam lang ako!
Ay naku, mag text ka na lang pag nakasakay na tayo. Maaabutan tayo ng traffic!!
Sandali lang naman ang byahe, 30 minutes lang ay nasa mall na kami. Madami ding mga bagong shops kumapara sa dati, kung tutuusin mas malaki pa nga ang mall dito kesa sa NZ.
Ma'am Elaine!?
Huh? Nilingon ko ang tumawag sa kin. Hindi ko naman namumukhaan to.
Ma'am, ako po si Albert. Draftsman po sa EBCA. Kapatid ko po si Ate Leni, yung PA ni Architect..
Uy, kumusta na? Sorry ha, hindi kita matandaan, pasensya na. Kumusta na si Leni?
Ok naman po. May anak na si ate, kinasal na sila last year ni Kuya Junior.
Ah. Kilala ko yung Junior, isa sa mga arkitekto sa firm nila Chris. Hindi ko alam na sila pala ni Leni. Mabuti naman. Sige, kumusta na lang kay Leni ha?
Tumalikod na ako at mabilis na umalis sa shop na yon. Ayoko sanang magkaroon ng kahit na ano pang ugnayan tungkol sa firm, kay Chris at sa ibang tao na nakakaalam ng sitwasyon namin. Babalik na naman ang mga alaala. Masasaktan na naman ulit ako. Ok na ko e. Hindi man ganung kahilom ang sugat pero unti unti kong pinagagaling ito. Pero bakit parang ayaw ako tantanan ng sakit? O baka ako lang ang nasasaktan at lahat ay nakalimot na sa nakaraan? Ganun ba ako kadaling balewalain?
Ate, sino yun?
Wala, employee lang sa EBCA, nakilala lang ako. Tara na, lipat tayo sa ibang store.
Ate, sorry ha. Sinabi sa kin ni Marvin yung nangyari sa inyo nung Chris Cuevas na yun. Pero ate, ano...nasa EBCA kasi ako nagtatrabaho. IT ako dun.
Napapikit ako at huminga ng malalim. Talagang nakakatawa ang tadhana.
Hindi alam sa office na kilala kita. Hanggang ngayon, pinag uusapan pa din yung sa inyo ni Architect.
Hinila ako ni Agnes sa isang coffee shop. Bumili sya ng drinks at cake , pagkatapos ay umupo sya sa harap ko.
Ate, malaki na yung anak ni architect. Mga 10 years old na ata. Pag andito sila sa Pinas,
dinadala ni Ma'am Clarisse sa office. Autistic yung bata.Ok, so I guess nasa abroad na sila ni Chris. Iwas chismis nga naman. Gusto din nila sigurong magsimula ng bagong buhay...nang wala ako..
Sinabi ba sa yo nila Marvin na hindi naman naging sila ni Ma'am Clarisse? May ibang asawa yung Clarisse, mas mayaman pa kay Architect, walang panama ang mga Cuevas dun. Kaso nga lang nagka anak sila ni Architect, kaya ayun...pinakilala nila yung bata.
Nakakatawang sitwasyon. Mahal ko si Chris na may mahal na iba na yung gusto nya ay merun na palang iba. Pero kahit san mo tignan, ako pa din ang talo. Merun bang nagmamahal sa kin? Alam na ang kasagutan dyan...wala.
Napaisip ako...ibig palang sabihin ay may nangyari na kay Chris at Clarisse bago pa man ako umeksena. So, ano ako, panakip butas? Nakilala ko sa maikling panahon si lolo Ed. Hindi naman nya pinilit si Chris na pakasalan ako. Nung nabanggit ko nga yun kay lolo Ed, nagulat sya...nakalimutan na nga nya yung pinagusapan nila ng lolo Pablo ko. Marahil ay nabanggit ni lolo Ed ang usapan na yan kay Chris, pero alam ko na hindi sya pinilit ng mga ito. Ano ngayun ang ibig sabihin...bakit ako hinanap ni Chris, sinuyo para magpakasal, tapos iiwan lang din pala?
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?