Untitled Part 18

163 1 0
                                    

Masaya ang naging bakasyon ko sa Pilipinas. Bukas na ang balik ko sa NZ. Mas magaan ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw, siguro dahil kasama ko ang pamilya ko. Naiisip ko pa din si Chris paminsan minsan pero pinipilit ko na wag isipin ang mga nangyari. Nakaraan na iyon, tapos na...tama na.

Tamang tama naman ang pagbalik ko doon. Isang linggo na lang at simula na ng internship ko sa Bowen Hospital. Malapit lang ito kung saan ang apartment ko. Dito din ako nakapag trabaho bilang isang nurse, kaya naman nakakatuwa na makikita ko doon ang mga dati ko nang kakilala. Nakapag empake na ako kahapon pa, kaya't handcarry ko na lang ang aayusin ko bukas. 

Muntik ko na makalimutan na kailangan ko palang makipagkita kay Attorney Mark. Mabuti na lang at naisingit pa ako ngayong hapon.

Masyado ka namang busy. Aalis ka na pala bukas, salamat naman at naisingit mo pa ako. Pabirong sabi ni Attorney.

Sorry na, Attorney Mark. Sinamantala ko lang kasi matagal na naman ang balik ko. Dalawang taon mahigit pa kasi ang internship, tapos mag bo board pa. Matagal tagal din yun.

Ikaw naman, wag puro aral. Bakasyon ka naman kahit pano.

Ok, Attorney, tignan natin. Teka, sabi mo merun tayong kailangang pag usapan. Tungkol saan ba ito?

Doktora C, dederetsahin na kita. Hindi pa tapos ang annulment case mo. In fact, hindi ka pa annulled.

HA?? Panong nangyari yun? Denied ba ng korte....anong nangyari?? Ano na naman ito? Hindi ba talaga ako titigilan ng problema ke Chris??

Nag withdraw ng petition for annulment si Architect Cuevas. As soon as pinirmahan mo yung mga documents at natapos ang mga required paperworks mo para sa kaso, nung araw na isa submit ko ang mga dokumento, nag withdraw sya.

Nakatulala ako at pilit na iniintindi ang mga sinasabi ng abogado. 

I'm sorry, Elaine. I took the liberty of filing the annulment case for you. At dahil umayaw nga sya, then tayo ngayon ang nag file for annulment. Binigyan mo ako ng POA, kaya ginawa ko ang sa tingin ko ay tama. Wala na naman tayong kailangan pang gawin. Kumpleto na tayo sa lahat ng paperworks.

Hindi pa din ako makapaniwala sa ginawa ni Chris. Ano ba talaga ang gusto nyang mangyari?

Di ba, attorney, merung filing fee yan? Magkano ang bill ko?

Huwag ka na mag alala sa filing fee at lawyer's fees. Kinausap ko ang parents mo bago ako magfile ng annulment, nag desisyon sila na wag ipaalam sa yo at ituloy ang kaso. Bayad na lahat, Elaine.

Binayaran nila nanay ito?? Dyusko naman sila nanay o.

Well, oo at hindi. They offered to shoulder the expenses para hindi ka na magulo sa New Zealand, pero sabi ko na pro bono na ito, tutal parang bayad na din naman. It so happened na nag withdraw nga lang yung kabila.

Nahihirapan pa ring mag process sa utak ko ang mga nangyayari. Pero kailangan kong ayusin ito.

So, ano ngayun ang status ng kaso ko?

Well,  lumalaban ang kabila. Kung dati sila ang pursigido na mapawalang bisa ang kasal nyo, this time si Architect ang madaming objection. Magtatagal ang kaso na to dahil sa ginagawa nila. At malaki ang tsansa na madeny ang petition mo. 

Sige, attorney. Willing akong maghintay hanggang ma annul ang kasal ko. Bakit nga pala hindi mo sinabi yan sa kin agad? Galit na tanong ko kay Attorney Mark.

Dahil pilit kong ginagawan ng paraan na hindi ka na humarap sa meeting. Yun ang gusto ni Architect Cuevas. Ang mag usap kayo ng harapan kasama ang mediator. Hindi nila alam na bumalik ka sa bansa. Once na malaman nila, baka mag file pa sila ng contempt of court or worse, hold departure order sa yo. Alam naman nating dalawa ang clout ng pamilya nila, Elaine.

At talagang hanggang ngayon, gusto pa rin ako pahirapan ni Chris. Ano pa ba ang gusto nya? Hindi na nga ako nanggugulo, umalis na ako ng bansa at lumayo, pumapayag na ko na palayain sya...tapos ano to??

Bakit ba kung sino ang pa ang pinakamamahal kong nilalang, ay siya ding sobrang kinamumuhian ko ngayon?

alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon