Untitled Part 6

164 1 0
                                    

Halos every other day na nasa bahay namin si Christopher. Mas madalas ko pa sha makita at makausap kesa sa BF ko na si Bryan.

Bukas, sama ka sa kin. Ipapakilala na kita sa parents ko.

Ha? Ipapakilala as ano?

E di girlfriend ko. Para by the end of the year, magpakasal na tayo.

Alam mo, mag usap nga tayo ng seryosohan. Ano ba talaga ang gusto mo?

Tayo ang magpapakasal, Elaine.

Chris, merun ako boyfriend. Alam mo yan. Tigilan mo na to.

Bakit? Hindi ko naman pinagbabawalan na makipagkita sa sa syota mo di ba? Kelan nga ba kayo huling nagkita ni Bryanboy?

Magmula nang magkakilala tayo. Hindi ko alam kung bakit iniiwasan ko na si Bryan. Yes, nag-uusap kami sa phone, pero parang pareho na kaming distant sa isat isa. Para akong nagi guilty dahil madalas si Chris sa bahay namin, at hindi ko na sya pinagtatabuyan. Every other day din nya ako sinusundo sa hospital tapos ay nag didinner sa bahay pagkatapos. Akala nga nila nanay ay BF ko na si Chris. Na hindi ko naman inaamin at hindi ko rin itinatanggi.

Chris, pag usapan natin to. Kung ginagawa mo to dahil ito ang gusto ng lolo mo, wag mo na ituloy. Pressured ka ba sa family mo kaya feeling mo kailangan mo gawin to? Ano ba ang totoo?

Tiningnan ako ni Chris, tinitigan. Wala akong mabasa sa mga mata nya. 

Payag ka ba na magpakasal sa kin?

Chris naman e. Ok, isipin mo tong sasabihin ko. Gusto ng lolo Ed mo na magpakasal tayo. Sa anong dahilan? Sinabi ba sayo?

Yumuko lang si Chris.

Ok, Chris. Sa mga arranged marriage, ginagawa ito kadalasan para sa business di ba? Isipin mo nga, ano ang contribution ko sa business nyo? Matagal na sarado ang firm ng lolo Pablo ko. Ano ba ang business ng pamilya ko? Gift shop? Ano naman yun kumpara sa multinational firm nyo?Ano ang advantage mo sa pagpapakasal mo sa kin? Kahit anong anggulo mo tignan, ikaw ang talo. Hindi ako mayaman, hindi naman ako maganda na parang model. Hindi pa nga ako tapos mag aral e. Ano naman ang kaugnayan ng nursing degree ko sa inyo? Besides, Chris, hindi na ko virgin! Wag mong sabihin na mahal mo ko. Sige, sabihin mo kung bakit kailangan pa natin magpakasal?

DAHIL SANAY NA KO NA DINIDIKTAHAN NG LAHAT!! KUNG ANO ANG DAPAT KONG GAWIN, KUNG ANO ANG HINDI PWEDE!!

Nagulat ako sa reaksyon ni Christopher.  Naawa ako sa kanya nang makita ko na bagsak ang kanyang mga balikat at nakatakip sa kanyang mukha ang mga palad nya.

Chris, Sigurado ka ba na gusto mong magpakasal sa kin? Makakatulong ba to sa yo?

Tumango lang si Chris pero nanatili syang nakayuko.

Hindi ko alam kung bakit gusto ko syang yakapin at alisin lahat ng bigat na nararamdaman nya.

Sige, magpapakasal tayo. Ayusin na natin to.




alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon