Chris, baby, anung oras ka uuwi?
Busy ako, madami kailangan tapusin. Wag mo na ko intayin. Di ba merun ka exam bukas? Matulog ka na.
Ok. Kumain ka ha? Ingat ka dyan. I love you.
It's been almost 2 years of wedded bliss. Wala naman ako reklamo sa pagsasama namin ni Chris. Kaya lang, 2 months ago, after mamatay ni lolo Ed, naging busy na si Chris sa work. Kasi naman, si papa Bernie, nagdecide na mag semi retired na. Natakot daw sya nung mawala si loloEd, kaya gusto daw nyang makasama si mommy Eva na magbakasyon madalas. Time is short, sabi ni papa Bernie.
Lalo na naging busy si Chris kasi nag expand ang firm sa Asia. Dati, Indonesia, Malaysia at Singapore ang offices ng firm nila Chris. Ngayun, napenetrate nila ang chinese market. Halos kakaopen lang nila ng HK branch kaya nandun sila papa Bernie for almost a month now to settle the operations. Naiwan tuloy si Chris dito kaya super busy ang asawa ko.
Minsan, hindi ko mapigilan ang mainsecure. Pano ba naman, halos walang nakakaalam na ako ang asawa ni Architect Christopher Cuevas, ang acting CEO ng international architectural firm na EB Cuevas and Associates. Very intimate kasi ang kasal namin, piling mga kaibigan at pamilya lamang ang imbitado. Hindi din ako madalas isama ni Chris sa mga parties, nasasabay kasi kadalasan sa mga exams ko. Hay, ang buhay ng medical student nga naman. Sa school naman, akala nila BF ko lang si Chris. Hindi ko kasi pinalitan yung surname ko during enrollment. Ang dami kasing paperworks, so hinayaan na lang namin.
Ok lang yun.Pero minsan, napapaisip ako kasi matagal na kaming kasal ni Chris, pero ni minsan ay hindi nya ako pinagsabihan ng I love you too.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?