Untitled Part 14

166 0 0
                                    

Umuwi si Elaine sa mga magulang nito. Sinabi nya ang nangyari. Wala syang nilihim.

Galit na galit ang mga magulang at kapatid ni Elaine. Ngunit dahil sa pakiusap nito ay nanahimik ang kanyang pamilya.

Nagpasya si Elaine na hindi muna mag enroll sa med school sa semester na ito. Nakakapanghinayang, 3rd year na sana sya sa pasukan. 

Minabuti nito na mag apply sa New Zealand bilang nurse. Kailangan nyang lumayo. Kailangan nyang buuin ulit ang sarili. Kailangan nyang mamuhay ng wala sa piling nya si Chris. Alam nyang masaya na ito, kasama si Clarisse at ang anak nila. Hindi nya inaalam ang kahit na anong balita tungkol kay Chris. Tama na, sinabi naman sa kanya ni Chris, hindi ba?

Dalawang buwan na din ang lumipas. Pero bawat gabing nakaraan ay umiiyak si Elaine. Iniiyakan nya ang pagmamahal nya para kay Chris na hindi man lang nasuklian. Kahit na naglumuhod sya at nagmakaawa, para syang basahan na itinapon lang.

Anak, may sulat ka. Parang documents ata. Baka mga papeles mo yan sa pag alis mo.

Tinignan ko ang envelope. Galing sa abogado. Alam ko na ang laman nito. Annulment papers.

Pinilit kong basahin ang dokumento, pero walang magregister sa utak ko. Hindi ko kayang intindihin ang nakasulat, ayokong malaman ang sinasaad nito.

Kinabukasan din ay nag set ako ng appointment sa abogado. Nireview nya ang annulment case ko. Nag usap kami about the lawyer's fee at kung ano ang mga dapat kong iexpect sa isang annulment proceeding. No contest, yan ang sinabi ko. Ano ba ang pinakamadaling paraan para matapos ito? Mentally incapacitated. OO, inamin ko sa lawyer na nagmakaawa ako sa asawa ko pero ang nakalagay sa documents ay naging disruptive ako sa work nya at kung ano ano pang mga kadahilanan para lang masabi na wala akong kwentang asawa. Ok, sige, kung yun ang dahilan para ma annull ang kasal namin, tatanggapin ko.

Wala daw kaming prenuptial agreement. Bahala na ang abogado ko sa kung ano ang dapat gawin. Nakiusap lang ako na sana ay hindi ko  makaharap si Chris sa mga proceedings na to. Bakit? Kasi hindi ko kayang makita at marinig na walang pagmamahal na namagitan sa min ni Chris. Hindi pa ako maka move on. Mahal ko pa sya.

alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon