Since wala namang objection sa side ko tungkol sa annulment, pwede na daw ang non appearance. Tinapos ko ang Psych evaluation at kung ano pang mga dapat gawin bago ako umalis ng bansa. Ang sinabi ko ay sa Canada ako pupunta. Ang nakakaalam lang ng totoo ay ang pamilya ko at ang abogado ko.
Halos dalawang taon na din ako sa NZ. Nagtrabaho ako bilang nurse pero after a year, nagpasya ako na ituloy ang medicine. Dito na ko sa NZ nag-aral. Buti na lang at mayroong student loan kaya nakapag enroll ako. Matatapos na ang school year at sa susunod na pasukan, isa na akong Junior Intern. Mabuti na lang at credited naman ang nakuha kong units sa med school ko sa Pinas.
Nakiusap si nanay na sana ay umuwi naman ako sa 25th wedding anniversary nila. Ayoko sana pero hindi ko naman mahindian ang magulang ko. Alam kong sobra ang pag aalala nila sa kin, lalo na nang malaman nila na nagtangka akong magpakamatay dati.
Isang gabi kasi na biglang naalala ko si Chris at si Clarisse. Halos hindi ako makahinga sa sobrang sama ng loob kaya naisip ko na tapusin na lang ang lahat. Birthday ni Chris nang araw na yon. Masaya siguro sya. Ano pa ba ang ibibigay ko sa taong lahat ng gusto ay nasa kanya na? Kasama na nya si Clarisse, ang taong mahal nya. Mayaman sya, guapo. May pinag aralan, maayos ang pamumuhay. Higit sa lahat, may anak na sya. Anak nila ni Clarisse. Ang pamilya nya. Saan ako sisingit doon? Ano pa ba ang pwede kong ialay sa kanya na makakadagdag sa kabuuan nya? Isang nakaririnding WALA. Wala akong puwang sa buhay nya, sa puso nya. Kung ganon, ano pa ba ang silbi ko dito? Hindi nya ko kailangan. Hindi nya ako mahal.
Nakita ng roommate kong si Audrey ang nag aagaw buhay kong sarili sa loob ng banyo. Nakaligtas naman ako at hanggang ngayon ay nasa counseling. Hindi ko masasabi na magaan na ang pakiramdam ko, ngunit unti unti kong sinusubukan na mahalin ang sarili ko. Walang maisip na dahilan ang mga kakilala ko sa NZ kung bakit ko nagawa yon. Akala lang nila ay homesick ako at pressured na trabaho. Tanging si Dr. Schultz lang ang nakakaalam ng dahilan, sya ang aking psychiatrist.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?