Nakaraos naman yung party. Nakita ko na masaya sila nanay at tatay. Simple at masayang pamumuhay, yan lang naman ang gusto ko , kagaya ng aking mga magulang.
Madami ding nangumusta sa akin, nakipagkwentuhan. Masaya din naman ako, kahit panandalian ay nakalimutan ko ang sakit ng pagiging mag isa.
Doktora C!!
Uy, Attorney Mark! Andito ka pala!! Buti nakapunta ka...
Nasabi kasi sa kin ni nanay na uuwi ka daw. Syempre, kailangan kong makita ang client ko! Ang tagal na kaya..
Anak ng abogado ng parents ko si Attorney Mark. Siya na ang kinuha kong lawyer sa annulment ko maski bagong pasa pa lang sya sa bar. Malaki ang tiwala ko sa kanya dahil inasikaso naman nya na huwag kaming magkita ni Chris during the proceedings. Kaya naman kampante ako na maayos ang naging takbo ng annulment. Wala din naman akong narinig tungkol sa kaso magmula nung umalis ako, sabi nya kasi ay tapos na ang mga dapat kong gawin at ang mga abogado na lang ang aayos ng mga detalye.
Big time ka na yata, ah! Sosyal ang relos mo, mahal yan, no? Nakakatuwa na nakakita ulit ako ng kaibigan, nakakagaan ng loob.
Si Doktora C, talaga..kung anu ano ang napapansin. Pero ang laki ng pinayat mo...akala ko ba madaming karne sa New Zealand? E anong nangyari sa yo??
Tigilan mo nga ako sa Doktora C na yan. Hindi pa po ako doktor...besides, dalaga na po ako ulit kaya Miss M lang dapat!!
Well, ok...alam mo mas mabuti pang lumabas tayo at mag dinner tapos mag usap tayo tungkol dyan.
Dinner? Teka, mag usap tungkol sa...annulment ko? Tapos na yan di ba? 2 years ago pa yan...don't tell me may utang ako sa yo??
Ikaw naman, utang agad? Hindi ba pwedeng magkumustahan lang?
E sabi mo kasi pag uusapan yung kaso. Tinakot mo naman ako.
Basta kailangan pa din nating mag usap. As soon as possible. Seryoso na ang mukha ni Mark.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pag uwi ko dito sa Pinas o magsisisi. Lahat kasi ng makakapagpaalala sa nangyari sa amin ni Chris ay nandito. Kahit na dalawang taon na ang lumipas, nandoon pa din ang sakit na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Ngunit matagal na din naman akong nag iisip, ako ba ay nasasaktan dahil mahal ko pa si Chris at inayawan nya ako, o nasasaktan ako dahil tinapakan ang pride ko? Pride lang ba ito o talagang pagmamahal? Siguro kesa sa umiwas ako ay kailangan harapin ko ang problema. Yan ang matagal nang sinasabi ni Dr. Schultz, na ang pagharap sa problema ay isang paraan ng moving on. Kailangan ko na nga sigurong tanggapin na hindi kami ni Chris para sa isa't isa.
Oo, nagparaya na nga ako para kay Chris, Clarisse at sa anak nila. Panahon na naman siguro na palayain ko na din ang sarili ko sa kadena ng pag ibig ko para kay Chris. Oras na.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?