"Doctor Mercado!! Doktora Elaine!!"
"Huh? Uy, Ate Lisa, pauwi na ko, si Dr. Cheng na ang duty." Si ate Lisa ang charge nurse sa 5th floor, kung saan ako naka assign. "Hinabol mo pa ko hanggang dito sa lobby!"
"E kasi kala ko dadaan ka sa nurse station. Nakita ka ni Greta pasakay ng elevator kaya hinabol na kita! "Hinihingal na sinabi nito.
"E bakit naman? Kaya na ni Dr. Cheng yan...off na ko this weekend e, sa lunes mo na ko kulitin ulit!"
"Doktora naman e. Merun delivery sa inyo dun sa station. Sige ka pag hindi mo kinuha, yayariin namin yun ng mga staff!! Halika na!!"
At muli kaming sumakay sa elevator. Delivery? At kelan naman ako nag online shopping at dito ko pa pinadeliver sa ospital??
"Kung regalo lang yan ng pasyente, sa inyo na. Lalo na kung food, ay naku, ubusin nyo na yan."
"Doktora, kung pagkain yan, ipage ka na lang namin para sabihin sa yo na ubos na. Hindi ako tatakbo sa hagdan kung hindi to special." Talagang tinaasan pa ko ng kilay nito.
Pagbukas ng elevator, lumiko kami sa kaliwa at nakatambad sa ibabaw ng nurse's station ang pagkalaki-laking flower arrangement.
"Ay naku, Doktora, pakiuwi na yan at sa laki nyan, lahat ng pasyente sa floor ay may allergy na!!"
Sumilip naman si Rowena na nakaupo sa kabilang computer desk. "Doktora, ang sweet naman ng husband nyo!! Merun pa daw kayong surprise tonight!!"
"Hoy, Rowena, binasa mo yung card? Tsismosa ka din ano?" Sabay hampas ni ate Lisa kay Rowena na isa sa mga staff nurses dito. Nagtawanan ang ibang staff na nakarinig. Karamihan kasi ng mga nurses dito ay puro pinay, kaya hindi din ako nahirapang makisama.
Umiling na lang ako at binuhat ang mga bulaklak. Si Ronnie talaga, oo. Nag celebrate na kami nung gabing malaman ko na pasado ako. Ano na naman ang balak ng lalaking ito? Halos 2 weeks na ko dito sa 5th floor para sa residency ko for family medicine, kaya anung celebration ang magaganap?
Habang nagda drive ako pauwi sa bahay, iniisip ko kung ano ang pakulo na ito ni Ronnie. Ito na ba yung gabing tatanungin nya kung ano ang status naming dalawa? O baka naman nainip na yung tao at gusto na nyang mag sex kami? Tuwing magkasama kami ni Ronnie ay lagi syang nagsasabi ng i love you. At lagi namang thank you ang sagot ko sa kanya.
Sa garahe na ako nagdaan pagkatapos ko ipark yung sasakyan. Halos kakapatong ko pa lang sa kitchen island ng mga bulaklak nang may mag doorbell.
Syempre, alam ko na kung sino ito. Binuksan ko kaagad ang pinto , "Ronnie, bakit ang...!!!"
"Sino si Ronnie? " At sabay tulak ng pinto. Pumasok na sya agad at sya na din ang nagsara ng pintuan dahil ako ay nakatulala lang.
Niyakap nya ako ng mahigpit at sabay bulong at halik sa aking tenga....."I missed you, my wife!!"
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?