Untitled Part 12

158 0 0
                                    

May gusto ka bang sabihin sa kin,Chris?

Please, Lord. Kung ano man ito, pagsubok lang ito at malalampasan naming mag asawa.

Nagkita na kayo ni Clarisse. 

Sino si Clarisse? 

Pinipigilan ko ang luha ko. Ayokong marinig ang sagot nya sa tanong ko. Masakit.

Bumalik na sya, Elaine. Tapusin na natin to.

At tuluyan nang umagos ang mga luhang pilit kong pinipigilan.

Alam mo na gusto ng mga lolo natin ang kasal na to. Hindi ako nagsinungaling sa yo.

Pero akala ko, gusto mo din ako. Sinuyo mo ako, Chris. Niligawan. Bakit ngayon, ayaw mo na?

Hindi ko sinabing mahal kita. Kasal lang ang binigay ko sa yo. Tama na, Elaine. Pagod na ko.

Pag usapan natin to, Chris. Mahal na mahal kita. Alam mo yan. Pwede pa naman natin ayusin to. Nagmamakaawa ako sa yo. Ayusin natin to.Wag mo naman akong iwan.

May anak kami ni Clarisse. Sila ang pamilya ko, Elaine. Sila ang gusto kong makasama.

Ha? Para akong sinaksak sa narinig ko.

Tumayo si Chris galing sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Lumabas ito ng masters bedroom, at narining ni Elaine ang pagsarado ng pintuan ng kabilang kwarto. Sa guest room matutulog si Chris.

Magdamag na umiiyak si Elaine. Nakakarindi ang katahimikan, ang maririning mo lang ay ang mga impit nyang pag-iyak.

Hindi na namalayan ni Elaine ang oras. Narinig na lang nya ang shower. Naliligo na si Chris at papasok na sa trabaho. Trabaho? O pupuntahan nya si Clarisse at ang anak nito? 

Kaya nyang tanggapin ang anak ni Chris. Kaya nyang tiisin kung gusto nyang magpunta kay Clarisse. Huwag lamang syang iwan nito.

Nakayakap si Elaine sa nakatalikod na si Christopher. Mugto na ang mata nito at humihikbi,"Para mo nang awa, pleasee...Wag mo namang gawin to. Mag usap tayo..."

"Tama na,tigilan natin to. Alam mo na ang dahilan di ba?" Sagot ni Christopher.

Mahal kita. Ilove you, sobra. Ano pa ba ang dapat kong gawin? Sabihin mo naman, ayusin natin to. Kaya naman natin to e. Mahal kita,mahal na mahal. Kaya kong gawin kung ano yung gusto mo, wag lang tayo maghiwalay.

At tuluyan nang lumuhod si Elaine sa harap ni Chris. Hindi tumitigil ang daloy ng luha ni Elaine kaya't mugto na ang mga mata nito.

"I will file for annulment. That is final. I'm sorry, Elaine. Tumayo ka na, bigyan mo naman ng kahihiyan ang sarili mo. Please keep your dignity at wag ka nang magkaganyan."

Tumalikod muli si Chris at lumabas na ng pinto. Hindi man lamang nilingon ang nakaluhod at lumuluhang si Elaine.


alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon