Nagising si Elaine at kanyang kinusot ang mga mata.
Madilim...anong oras na ba?
Tumayo ito at binuksan ang ilaw. Sumilip siya sa bintana at nakita nyang pagabi na nga. Wala sa driveway ang sasakyan ni Chris.
My God, 5:30 na pala ng hapon.
Umalis si Chris bago pa mananghalian. Nakatulog si Elaine sa kakaiyak. Nagpunta siya sa banyo doon sa masters bedroom, ang kwarto nila ni Chris. Naghilamos siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Maga ang kanyang mga mata at namumula ang kanyang ilong. Halata na galing siya sa isang mahabang pag iyak. Nagbabadya ulit ang mga luhang papatak sa tuwing maaalala nya ang nangyari kanina. isang hikbi ang kanyang pinawalan, at tuluy tuloy na sa paghagulgol ito.
Nakadapa na si Elaine sa kama. Ito ang higaan nila ni Chris. Si Christopher na kanyang asawa, si Chris na mahal na mahal nya. At ngayon ay gusto nang makipaghiwalay nito sa kanya.
Nag iisip si Elaine kung ano pa ba ang pwede nyang gawin at sabihin kay Chris para maging maayos muli ang kanilang pagsasama. Sa loob ng almost 2 years nilang kasal, sinubukan ni Elaine na maging mabuting asawa. Hindi siya marunong magluto, pero pinag aralan nya ang mga paboritong putahe ni Chris. Nagpaturo siya sa mommy nito, si mommy Eva. Wala namang matandaan si Elaine na reklamo galing sa asawa sa mga luto nya.
Napangiti si Elaine nang maalala nya nung nagluto siya ng beef caldereta. Naubos ni Chris ang ulam at nung sinabi pang gutom pa ito, hinabol siya sa kwarto at doon ay si Elaine naman ang pinapak.
Sa mga gawaing bahay naman, merun silang helper na naglilinis araw araw. Pumapasok ito from Monday to Friday ng alas otso ng umaga at umaalis naman ng mga bandang alas sais na. Ayaw nya kasi ng stay home na kasambahay, tutal dalawa lang naman sila ni Chris.Si Manang Fe ang naglilinis at nagluluto sa weekdays. Ito na din ang naglalaba at plantsa tuwing wednesday para sa mag asawa.
Si Chris kasi ay isang architect sa isang malaking construction firm dito sa buong Pilipinas. Ang family ni Chris ang may ari ng nasabing firm. Ang lolo Eduardo nya ang nagtayo ng kumpanya, lumago ito at pinagpatuloy ng kanyang ama at ngayun naman, si Christopher na ang humahawak nito. Hindi pa naman bumababa si Architect Bernie bilang CEO, pero si Chris na halos ang nagpapatakbo ng firm dahil laging nasa cruise si papa bernie at si mommy Eva. Kahit busy si Chris sa office, on time naman umuuwi ito. Kung merun lang mga importanteng projects or kaunting problema sa office, tumatawag ito agad at nagsasabing late na uuwi. Sa weekends naman, minsan sa bahay lang sila, watching movies or minsan nakahiga lang at nagkukwentuhan. Lumalabas din sila paminsan minsan, nag de date. Magkasundo sila sa pag try ng mga restaurants, or nag da drive out of town para lang sa road trip at pagdating sa kung saan man, kakain lang sila, kaunting sightseeing tapos ay uwi na din.
Intimate naman sila Elaine at Chris. Malambing si Elaine, laging nakayakap kay Chris at laging nag kikiss sa mukha nito. Minsan pag nakulitan na si Chris sa paglalambing ni Elaine, bubuhatin na ito papuntang kama at doon na sila magsisiping.
Kung makikita mo silang dalawa, it seems like they are perfect for each other. Ngunit sa kabila noon, may hindi nawawalang takot si Elaine tungkol kay Chris.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?