Untitled Part 19

164 2 0
                                    

Nakakapagod na. Pagod na ang katawan ko dahil sa internship, pagod din ang utak ko sa kakaisip...pagod na din ang puso ko sa sobrang sakit na nararamdaman.

Akala ko tuloy tuloy na ang samahan namin ni Chris. Maayos naman ang buhay namin e, maayos ang pagsasama. Ang tindi namang pagsubok itong dumating. Pinilit kong kumapit, ipaglaban ang pag-ibig ko kay Chris. Pero kung ikaw lang mag-isa sa laban, manghihina ka din, malulugmok, hanggang sa lamunin na ng takot, pagod at sakit ang natitirang lakas mo upang lumaban...kakainin ka ng sistema. 

Pagsuko nga ba ang tawag sa pagtanggap ng katotohanang hindi sya magiging sa yo? Na hindi ka nya mamahalin sa paraang gusto mo? Na ang pamilyang gusto mong buuin kasama sya ay isang ilusyon lang? 

Halos dalawang taon na din ang lumipas nang huling umuwi ako ng bansa. Malapit na nga akong matapos sa senior internship ko dito sa NZ. Well, kung tutuusin, next week na pala ay ang board exam ko na. Ibinuhos ko lahat ng atensyon ko sa pag aaral. Merun din namang pagkakataon na sumasagi sa isip ko si Chris. Siguro ay kailangan ko ding makisalamuha sa iba, para tuluyang makalimutan ko na sya. Ano pa nga ba ang pumipigil sa kin? 

Hindi pa din ako annulled. Ang sabi ng abogado ko ay nakabinbin lang sa korte ang kaso. It's been 4 years. Gusto ko pa nga bang ituloy? Si Chris ang nag umpisa nito, gusto ko lang tapusin. Kung tutuusin, pwede naman ako mag move on ng wala yang annullment na yan. Single ako based sa paperworks ko at visa dito sa NZ. Single din ako sa mga transcripts at records ko sa school. At kung merun namang ako makakarelasyon, wala naman akong balak na ilihim sa kanya ang lahat lahat. Kung tutuusin, para na ngang merun kaming relasyon ni Ronnie. Sex na lang ang kulang.

Si Ronnie ay isang IT dito sa NZ. Lumipat sya dito 2 years ago, galing sya sa Singapore at nalipat dito dahil sa kumpanya nya. Nagkakilala kami sa isang gathering for the filipino communities dito sa NZ. Makulit din ito, kahit na sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ko, hindi pa din tumigil. Walang label ang relationship namin, basta ang alam ko, magaan ang pakiramdam ko pag kasama ko sya. Halos 6 months na din kaming nagdedate. Maalaga naman si Ronnie, maalalahanin. Responsable naman kasi sya ang nagpapaaral sa bunso nyang kapatid na ngayon ay magba bar exam na. 

Els, gising na...may dala akong adobo. Bangon ka na dyan! Binigyan ko ng susi si Ronnie sa apartment ko. Sya ang madalas na naglilinis nito at minsan nagluluto pa dahil sa pagod ako sa duty.

Wala kang pasok?? Tanong ko habang nag iinat ako sa kama.

Anu ka ba, sabado ngayon no! Bangon na at tanghali na! Sabay hampas sa kin ng unan.

Nagkatitigan kami ni Ronnie. May hitsura naman sya, matangos ang ilong, maganda ang mata. Mabait...pero wala akong pagmamahal na nararamdaman. Minsan kinikilig din, sweet kasi ang taong ito. At ni minsan, hindi nya ako pinilit na magsiping kami.

Ang gwapo ko ba? O baka naman me dumi ang mukha ko? Ano, Els? Nakangising sinabi ni Ronnie. 

Sana kaya ko na ulit magmahal. At pag nangyari yun, ikaw, Ronnie , sa iyo ko iaalay ang puso ko.

Huy, Els...kanina ka pa nakatingin! Halikan kita, sige!!

Hindi ko tuloy napigilan ang tawa ko. Sira ka talaga,  Mr. Alano!! At sabay balikwas sa higaan...



Huy, Els, kanina  ka pa nakatingin dyan sa computer. Magsalita ka naman. Nag email na ba sila? Huyyy!!!

One week na ang nakalipas nang matapos ang licensure exam ko for medicine. Naglabas na kasi ng official statement ang board na ngayun ang release at malalaman namin sa email. Kaagad kong sinabi kay Ronnie ang araw na to at nagpunta naman sya sa bahay para damayan ako. Syempre, nagluto sya at nagdala ng madaming chicha. Nakaistambay kami sa may tv nang maisipan ko ulit buksan sa computer ang email ko. Ito na ang pang apat na beses ko na pag check kung pasado ba ako o hinde.

Alano...hikbi...huy...sabay tulo ng luhang hindi ko na kayang pigilan....

Agad lumapit si Ronnie at niyakap ako..Shhh, ok lang yan, kaya mo yan, andito ako...sabay hagod sa aking likuran.

Alano, doktor na ko...Shet, Alano, pasado ako, yiii!!





alaalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon