"Huy, nakatingin sa yo yung lalaki o."
"Sino? Asan ba?"
"Ayun o. lapitan nating dali."
"Gaga, ayoko nga. Baka Manyak yan."
"Pogi naman e, ok lang na Manyak"
"Miss, ikaw si Elaine Mercado?"
"Ha? Ako nga yun, bakit?"
"I'm Christopher. Chris na lang. Pwede ba tayo mag usap? Importante kasi e."
"Teka, sorry, kase pano mo muna ko nakilala?"
" Huy Elaine, sama ka na. Usap daw kayo. Dalhin mo sa canteen para makita ka namin."
Me hitsura naman itong Chris na ito. Matangkad, mga 6 footer siguro to. Maganda katawan, hindi naman yung muscular na bulky, yung tama lang pag niyakap ka. HUH?
"Ok, pano mo ko kilala?"
"Nagkita na tayo sa hospital dati. Nung ma stroke si Lolo Pablo mo. Dumalaw kami ng family ko, si lolo Ed at yung tatay ko, si Architect Bernie."
"Ah, so kilala kayo ng lolo ko? Pero sorry, patay na si Lolo e, almost 3 years na."
"Alam ko. Nagpunta kami sa burol nya. Andun ka din, nakita kita sa libing."
"Ok, sige. E bakit mo ko gusto makausap? Pwede ka naman magpunta sa bahay namin o kaya tumawag. Teka, pano mo pala nalaman kung nasan ako? "
"Ok. Medyo mahirap to, hindi ko alam kung pano ko sisimulan. Kaya nga sana mag usap tayo somewhere private. After ng shift mo,intayin kita."
"Alam mo ba kung ano time ng uwian ko?"
"Oo naman. 5pm uwi ka na kahit by 4 pm closed na ang OPD nyo."
"Katakot ka naman. Baka alam mo din ang schedule ng mens ko."
"I think kakatapos mo pa lang. Di ba merun kayo date sa friday ng BF mo? Almost 2 weeks na kayong hindi nag date ng BF mo, that means hindi ka available at that time. So, I'll wait for you at the parking lot,ok?"
HA? Pano nya nalaman yun..pati schedule namin ng ano alam nya??? Sino ba to??
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?