Dalawang araw nang hindi umuuwi si Chris pagkatapos ng nangyari. Dalawang araw ding nag iisip si Elaine kung ano ang gagawin.
Nagpasya syang puntahan si Chris sa office. Ipapakita nya rito na kaya nyang magmakaawa, kaya nyang lulunin ang pride dahil mahal nya si Chris. Kaya nyang magtiis para dito.
Pinapasok sya ni Leni sa office ni Chris. Nasa client meeting daw ito pero matatapos na din. Ilang minuto pa at bumukas ang pintuan. Magkasama si Chris at si Clarisse.
Chris, kausapin mo naman ako.
Uhm, Chris, I'll be outside. Pero pinigilan ni Chris si Clarisse at hinawakan ang kamay nito.
No, you stay. Elaine, please don't make a scene. Sinabi ko na sa yo ang gusto ko. Ako naman ang makikiusap, tama na to. Gusto ko na bumalik sa pamilya ko.
Lumuhod si Elaine. Chris, please, pakinggan mo naman ako. Ok lang na magpunta ka sa kanya. Tanggap ko ang anak mo. Wag mo lang akong iwan.
Please, Elaine. Don't make it harder for everyone. May anak kami ni Chris. Nakatingin si Clarisse sa nakaluhod na Elaine.
Clarisse, hindi ko naman sya aagawin sa yo. Hindi ko sya pipigilan sa anak nyo. Konting oras lang ang hihingin ko kay Chris. Payag naman ako na nandyan ka. Wag lang nya ako iwan.
TALAGANG HINDI KA MAKAINTINDI!! UMALIS KA NA BAGO PA KITA KALADKARIN DITO!Hello, Leni? Please call security, NOW!!!
At doon nakita ni Elaine na ni katiting na pagmamahal ay wala syang nakita sa mga mata ni Chris. Pero umaasa pa din sya. Dahil mas mahal nya si Chris kaysa sa sariling buhay nya.
Kumatok ang security at itinuro ni Chris ang nakaluhod na si Elaine.
Paalisin nyo yan at ayoko nang papasukin yan dito sa building.
Nag iisip ang guard kung ano ang gagawin nya. Awang awa ito sa nakaluhod na babae, at alam nyang ito ang asawa ng Boss nya.
Ma'am, halika na. Sige na po.
Tahimik na tumayo si Elaine. Umiiyak ito nang alalayan ng guard palabas sa office. Hindi na napapansin ni Elaine ang mga taong nakatingin sa kanya. Si Leni na walang magawa kundi habulin si Elaine palabas at bigyan ito ng tissue.
Ano pa ang pwede nyang gawin? Nag iisip si Elaine kung sino ang pwedeng tumulong sa kanya para kausapin ang asawa para maayos ang kanilang pagsasama.
Umuwi si Elaine sa bahay nila ni Chris at kaagad nag email ito sa mga byenan. Sinubukan din nyang tawagan ito pero hindi naman sumagot ang mga in laws nya.
Mayamayang kaunti ay nag ring ang cellphone nya.
Hello, mommy Eva?
Anung nangyayari, Elaine?
Sinabi lahat ni Elaine sa byenang babae ang sitwasyon nilang mag asawa. Na bumalik sa Clarisse at may anak sila ni Chris. Na gustong mag file ng annulment ang asawa at iwan na sya ng tuluyan. At nakiusap ito sa byenan na kung pwede ay tulungan sya nito na magka ayos sila ni Chris.
Elaine, alam ko lahat. Sinabi na sa min ni Chris yan almost a year ago. I'm very sorry, hija, pero kung yan ang decision ni Chris, wala akong magagawa. Alam kong mahirap tanggapin, pero may anak sila ni Clarisse at kailangan ng bata ang isang buong pamilya.
Nakatulala si Elaine pagkatapos nilang magusap ng kanyang byenan. Wala na syang iluha. Isang linggo na din ang nakakalipas nag gumuho ang buong mundo nya.
Bakit nangyari ito sa kanya? Ano ba ang kasalanan nya? Saan sya nagkulang? Saan nagkamali? Ang dami nyang tanong, mga tanong na pilit nyang hinahanapan ng kasagutan. Pinipilit nyang alamin kung ano ang pwede nyang gawin, kung ano ang dapat nyang ginawa, kung ano pa ang pwede nyang sabihin.
Alam nya na walang dapat sisihin kung hindi sya. Minahal nya ng husto si Chris. Wala syang itinira para sa sarili nya. Tama, mahal nya si Chris. At kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para sumaya ito. Kahit na ang kapalit ay ang buhay mo, ang kaligayahan mo, ang sarili mo.
BINABASA MO ANG
alaala
RomanceMinsan nang nagmahal si Elaine. Ang pagmamahal na muntik nang sumira sa buhay nya. Ang pagmamahal na ito din ba ang bubuo sa kanya?