Chapter 7: The Day of Humiliation
~💖~Mint's POV
Masaya akong naglalakad papasok ng room ng biglang may humigit sa braso ko. At laking gulat ko na lang nang makilala ko kung sino ang taong yun.
"Rod?" Oo, tama. Si Rod nga nang Oozing New Gen. Ang pinakamatalik na kaibigan ng aking boyfriend.
Bigla nya naman akong isinandal sa pader. Nandito kami ngayon sa may hallway, konti pa lang ang mga tao dahil maaga pa.
Umti-unti nyang nilalapit ang bibig nya sa may tenga ko at may ibinulong.
"It's not too late. Pwede mo pang takasan ang mga mangyayari sayo ngayon. I already warned you." Malamig na saad nya.
Huh? Ano daw?
"A-anong pinagsasabi mo, Rod? Di kita maintindihan." Nauutal kong tanong. Paano ba naman eh ang lapit-lapit ng mukha nya sa akin. Nakala-tempt ang kagwapuhan nya. Aish! Ano ba yan! May bf ka na Mint, umayos ka nga. Be a good girl.
"Wag mo nang alamin. Sundin mo na lang ang sinsabi ko. Umalis ka na at umiwas ka na hangga't maaga pa." Seryosong saad nya at agad rin akong pinakawalan at naglakad palayo sa akin.
Ano yun? Ang gulo naman ng mga sinabi nya.
Napailing na lamang alo at nagpatuloy sa paglalakad. Ano kayang ibig sabihin ni Rod kanina? Ay ewan.
Pagkarating ko ng tapat ng room namin ay naabutan ko ang squad sa may labas ng pintuan. Naksandal sila at parang mayinaabangan.
"Hi girls!" Bati ko sa kanila.
Napasinghap naman sila at nanlaki ang mga mata ng makita nila ako.
"Oh my gosh, Mint! Mabuti at dumating ka na." Kinakabahang saad ni Chelsea sa akin.
"Bakit, ano ba ang meron? At di kayo mapakali?" Tanong ko.
"Mamaya na kami magpapaliwanag." Sabi naman ni Mika at hinawakan ako aa braso.
Nagsimula na silang maglakad hanggang sa huminto kami sa may backyard ng school.
"Anong ginagawa natin dito? Alam nyo kanina pa ako nakakahalata sa inyo ah. Ano ba talagang trip nyo?" Medyo may pagka-irita kong saad.
"Mint, may kailangan kang malaman." Seryosong saad ni Ysha.
"Ano yun?" Tanong ko.
"Tungkol sa boyfriend mo, Mint." Sagot nya.
"Oh ano ang tungkol kay Josh?" Tanong ko ulit.
"NILOLOKO KA NI JOSH!" Sabay-sabay na saad nila.
"Huh? Ano ba talaga ang problema nyo?" Naguguluhan kong tanong.
"Mint, maniwala ka sa amin. Matagal ka nang niloloko ni Josh." Saad ni Ysha.
"At paano nyo naman nasabi? May tiwala ako kay Josh. Alam kong di nya ako kayang lokohin. Kaya pwede ba itigil nyo na 'tong trip nyo dahil di na kayo nakakatuwa." Seryosong saad ko.
"Hindi kami nagbibiro, Mint. At kaya namin yan patunayan sayo. Take a look at this." Saad ni Ysha at inabot sa akin ang phone nya.
Naguguluhan kong kinuha ito at tiningnan ang screen. Napaawang naman ang bibig ko sa pinapanood ko ngayon.
Si Josh at Cindy, half-naked at naghahalikan.
"Hindi ito totoo..." Nanginginig na saad ko.
"That was taken yesterday. I can prove na hindi edited yan. Dahil ako mismo ang kumuha ng video na yan." Saad nya.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Teen Fiction💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...