Chapter 35: 7th List- Break Their HEART

921 44 8
                                    

Chapter 35: 7th List- Break Their HEART
~💖~

Special shout out and dedicated to Ginafie Bandico! Hi kambal!!!😊😊😊 ito na promise ko sayo.

Mint's POV

I heaved a deep sigh. This is it! Wala nang atrasan 'to. Ito ang araw na nakatakda para wasakin ko ang puso nila.

Sana lang ay mapatawad ako ni Josh kahit wag na kay Cindy. Di ko kailangan ang kapatawaran niya sa gagawin ko dahil bagay lang sa kaniya ang mapahiya at masaktan.

Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kakaisip ko sa mga gagawin ko ngayon. I need to stand  my words. I need to accomplished the list.

Pinangako ko sa sarili ko na dapat ay sa akin ang huling halakhak kaya iyon ang gagawin ko. Actually, madali lang naman ang gagawin ko eh pero bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko?

Am i having a second thoughts? Nah, i shouldn't be.

Naka-ready na lahat ng mga kailangan ko. Planado ko na rin ang mga dapat kong gawin at kabisado ko na ang linya na sasabihin ko mamaya.

I will play a deja vu today. Pero mas exciting at mas matindi kumpara sa ginawa nila sa akin noon. Napakuyom naman ako ng kamao ng maalala ko yung ginawa nila sa akin ng araw na iyon.

Yung araw na pinarealize nila sa akin kung gaano ako katanga at nabulag sa lintik na pag-ibig na yan!

Ang araw na nalaman ko kung paano nila ako pinaglaruan at pinaikot-ikot sa palad nila. Pinagmukha nila akong kaawa-awa at katawa-tawa sa harap ng mga estudyante ng university na 'to. And now, it's payback time bijj!

Kaya bakit ba ako nagdadalawang isip kung sila nga nang mga oras na yun ay desidido na ipahiya at saktan ako eh..

Ngayon ano kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nila na pinaglalaruan ko lang silang pareho? I can't wait to see their reaction.

Andito ako ngayon kasama ang squad ko at naggigirl to girl talk kami.

"Mint, are you really sure that you're going to do this?" Tanong ni Veronica.

"Yes." I boredly said.

"Baka naman pagsisihan mo 'to Mint ha..." Saad naman ni Chelsea.

"Edi magsisi. Pero dapat sila muna ang mauna. Dapat maramdaman nila ang 'pagsisisi' na yan kapag narealize na nila kung gaano kasakit mapaglaruan at lokohin ng taong akala mo mahal ka talaga." Walang emosyon kong saad.

"Fine. Desisyon mo yan. Basta tandaan mong andito lang kami sa tabi mo, handang suportahan at damayan ka." Mahinahong saad ni Mika.

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ko at nginitian sila.

Kailangan ko nang tapusin 'to para matahimik na rin ako.

Naglakad na rin ako papunta sa gymnasium kung saan gaganapin ang unforgettable moment ng dalawa. Marami na rin ang mga estudyante na magiging witness ng mga mangyayari ngayon.

Alam kong nagtataka rin sila kung bakit sila andito. Nagsiupuan na sila sa mga bleachers.

Tinext ko na rin si Josh na pumunta na dito. At nagreply naman siyang papunta na daw siya dito kaya napangiti na lang ako ng mapait.

Pati na rin si Cindy ay pinapunta ko na dito pero siempre hindi ako ang kumausap sa kanya. Pinakausapan ko si Rod na papuntahin dito si Cindy. Asa naman ang bruhang yun na kakausapin ko siya, DUH!

Pumunta na ako sa puwesto ko at hinanda ang sarili ko. Nagbuntong hininga naman ako at kinalma ang sarili ko. This is it! Mangyayari na...

Nakita ko namang pumasok ng sabay si Josh at Cindy. Ohh... Perfect timing. Nakita kong umikot ang paningin ni Josh hanggang sa madako ito sa akin. Ngumiti iyo ng napakalawak sa akin.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon