Chapter 33: Falling

1K 44 11
                                    

Chapter 33: Falling
~💖~

Mint's POV

Andito pa rin ako sa hospital para samahan si Mommy. I still can't believe that i will have another sibling. At first sobrang nagulat ako ng malaman ko na naospital si Mommy at hindi ko alam ang dahilan.

At nung makarating na ako ay aksidente kong narinig si Mommy at Daddy na nag-uusap. At yun na nga, ang dahilan pala ay buntis si Mommy.

Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. I feel mixed emotions. Shock, confusion, at happiness. Pa'no ba naman eh dalaga na ako saka pa nila naisipan na bigyan ako ng TOTOONG KAPATID. Buti na lang dahil this time ay full blood sibling na.

At isa rin itong advantage dahil oras na maipanganak na ni Mommy ang kapatid ko ay mas magiging busy si Daddy at mapupunta sa kapatid ko ang atensiyon niya. Mas lalong mawawalan ng oras si Daddy kay Cindy.

At mawawalan na ng tulyan ang mag-inang bruha sa buhay namin. Dahil magiging ganap na pamilya na talaga kami. And i'll make sure of that. Sisiguraduhin kong kami na lang ang kikilalaning pamilya ni Daddy.

Hindi ko hahayaang umeksena na naman ang bruhang bitch na yun at ang nanay niya.

Bigla namang natigil ang pagmumuni-muni ko nang nag vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan. May nagtext pala, si Josh.

And speaking of Josh, naging madalas na ang pagkikita namin after that jealousy incident. Palagi na kami ng magkasama, secretly. Talagang pursigido siyang gumawa ng paraan para magkasama lang kami.

Ewan ko rin sa sarili ko at pumapayag ako sa mga nangyayari. I don't know why but i feel happy and connected when i'm with him. Alam kong mali pero hindi pa naman ako sigurado eh.

Hindi pwedeng ako ang mahulog sa sarili kong patibong kaya dapat kong iwaksi sa isip ko ang mga bagay na iyan. Dapat ang isipin ko ay ang paghihiganti ko. Dahil hindi pa ako tapos sa pininigil ko sa ginawa nila sa akin.

~•~

Kinaumagahan ay pumasok na ako sa school dahil ngayon gaganapin ang play. Dumiretso na ako sa dressing room ng section namin at sinimulan na akong ayusan.

Bale ang story na gagampanan namin ngayon ay patungkol sa Undying love. Na kung saan ay marami ang tumututol sa pag-iibigan namin ni Rafael(Josh). At siempre wag na rin kayong magtaka kung sino ang primera kontrabida dahil sigurado akong alam niyo na kung sino yun. Isa lang naman dito ang bruha eh.. Basta alam niyo na yun.

Nagsimula na ang play at may mga nauna nang section na nagperform. Actually, lahat naman ng section drama ang theme eh.

Until it's our turn. Naghanda na kami sa mga puwesto namin. Nakaset na ang lahat at nag open curtain na, senyales na magsisimula na ang aming palabas.

We started our play on the setting that i was a completely ordinary girl at nakilala ko si Rafael(Josh) na isang mayaman na binata.

Naging magkaibigan kami hanggang sa unti-unting nahuhulog ang aming loob sa isa't-isa. Hanggang sa nagkaaminan kami ng tunay na nararamdaman at nauwi sa pagiging magkasintahan.

Noong una ay naging masaya naman ang pagsasama namin hanggang sa may umeksena na kontrabida at pilit kaming pinaghihiwalay.

Pumasok naman si Rebecca (Cindy) sa eksena at pilit siyang nakikipagbalikan kay Josh. Kahit ako ay pinagsabihan niyang hiwalayan ko na si Rafael (Josh) dahil sila daw ang tunay na nagmamahalan. Siya daw ang unang minahal ni Rafael.

Ngunit hindi ako nagpatibag at ipinaglaban ko ang pagmamahal ko kay Rafael. Sabay kaming lumaban para sa pag-iibigan namin. Nagtanan kaming dalawa at namuhay kami bilang mag-asawa.

Kahit hindi sanay si Rafael sa panibagong buhay ay kinasanayan naman niya ito at pinakita niyang pursigido itong gawin ang lahat para lamang sa minamahal.

Ngunit isang araw habang namamasyal kaming dalawa ni Rafael ay bigla na lamang naglaho ang saya na kanilang nararamdaman ng matamaan ako ng baril.

Agad akong natumba at nilapitan agad ni Rafael.

Umiiyak ito at puno ng pag-aalala ang mukha. Binuhat niya naman ako at dinala sa malapit na hospital.

Dumako na ang eksena kung saan ay nacomatose ako at palaging nasa tabi ko si Rafael na umaasang magigising na ako. Kailanman ay hindi ito nagpakita ng pagod sa pag-aalaga at paghihintay na magising ako.

Hindi siya naubusan ng pag-asa na anomang oras ay maari akong magising.

Pero habang ako ay nacomatose ay yun naman ang naging hudyat ni Rebecca para ahasin si Rafael. Sinasamantala niya ang kondisyon ko. Pero hindi naman nagpadala si Rafael sa mga ginagawa at motibo ni Rebecca.

Mas pinatunayan nito na kahit ano man ang nangyari ay hindi magbabago o mababawasan ang pagmamahal nito sa akin.

Hanggang sa dumating ang araw na nagising na ako. Labis ang kasiyahan ni Rafael nang makita niya akong ngumingiti ulit.

Makalipas ang ilang araw ay bumalik sila sa dati at si Rebecca naman ay umamin sa kaniyang kasalanan. Siya pala ang nagtangkang pumatay sa akin. Ngayon ay nakakulong na siya at nagsisisi.

At sa unang pagkakataon ay inalok ako ni Rafael na ikasal at pumayag naman ako. Sa pagkakataong ito ay wala nang sagabal at sa simbahan kami ikakasal kung saan ay yun ang matagal ko nang pinapangarap.

"Mahal na mahal kita, Malia. Ikaw lang at wala nang iba." Saad sa akin ni Rafael.

"Mahal na mahal rin kita, Rafael. Hanggang sa huling hininga ko ikaw lang ang iibigin ko." Saad ko.

Lumapit naman ang mukha niya sa akin hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

Narinig naman namin ang masigabong palakpakan ng mga manonood.

Nagsara na naman ng kurtina  pagkatapos naming magbow.

Grabe feel na feel pala namin ang eksena kanina noh. Parang kami talaga ang mga nasa istorya pero siempre inspired ang story na yun sa mga magulang ko.. Oh di ba.. Ako rin ang gumanap sa bida at sa kontrabida ay yung anak rin ng kontrabida sa lovestory nila Mommy at Daddy.

In the end kami ang nanalo sa pinakamagandang stage play. We won first place. Di na rin nakakapagtaka.

To be continued...

Spoiler/Next Chappie: It's Complicated. Abangan!!!

A/N: Haist... 7 chapters left...bye! Hope you like this chappie and see u in my next ud.

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon