Chapter 32: AvRei Couple is Back!!!
~💖~Mild's POV (Omo! Sino nakamiss sa kanya?🤔😂)
"Ma'am Avery, delivery for you... Again." Makahulugan na saad sa akin ng secretary ko.
Nilapag niya ito sa mesa ko at umalis na. Nadako naman ang paningin ko sa aking mesa. Seriously?! Magtatayo na ba ako ng flower shop at chocolate store?!
Simula nung nilayasan ko si Drei yan na ang naging routine niya sa araw-araw. Ang bigyan ako ng flowers and chocolates. Nakakairita na. Ano kami teenagers para sa mga bagay na ganito?
Kahit kailan talaga wala na siyang balak na magbago. Arggh! Dahil sa inis ko ay binuksan ko yung box ng chocolates at nilantakan ito. Napapikit naman ako sa sarap at ninamnam ang chocolate sa bibig ko.
Nagpatuloy naman ako sa pagtatrabaho at inalis sa isip ko si Drei. Diyos ko! Kahit isip ko hindi niya pinapatahimik. Naiirita na ako sa mukha niya. Tsk.
Dumating naman ang oras ng lunch break at pumasok ulit ang secretay ko at inilapag ang lunch ko. Binuksan ko naman ito dahil gutom na rin ako pero nang maamoy ko ang ulam ay bigla akong nagtatakbo sa CR ng office ko at nagsusuka.
Nagmumog muna ako bago ako lumabas ng banyo.
"Alyssa, ano ba naman yang hinanda mong pagkain ba't ang baho?!" Reklamo ko.
"Grabe ka naman, ma'am ang sakit naman sa damdamin nung sinabi mo ma'am. Ano po bang problema sa niluto ko, eh ayos naman po ah. Nagustuhan rin nga ng mga empleyado na kasama ko eh. Ang weird niyo." Nagtatampong saad nito at inilabas ang mga pagkain na dala niya.
Napailing naman ako. Ano ba kasing nangyayari sa akin. Napahikab naman ako bigla. Ano ba yan, inaantok ako. Humiga muna ako sa may sofa ng office ko at umidlip.
~•~
Nagising ako ng alas kuwatro ng hapon at inayos ko ang aking sarili. Napasarap ata ang tulog ko. Stress lang siguro ako kaya ako nagkakaganito.
Napagpasyahan kong maagang umuwi dahil feeling ko ay sobrang tinatamad ako ngayong araw. Ang weird.
Lumabas na ako ng opsina at sinalubong ko si Alyssa.
"Alyssa, ikaw na munang bahala dito. Maaga akong uuwi ngayon masama kasi ang pakiramdam ko." Bilin ko at tumango naman ito.
Naglakad na ako palabas ng building. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang isang itim na kotse at pamilyar ito sa akin.
Naparoll eyes naman ako ng makita kong lumabas ng kotse ay may ari nito.
"Ano na namang ginagawa mo dito, Drei?" Tanong ko.
"To pick up my wife." Nakangiting sagot nito.
"Ahh.. Sige, mauna na ako." Bored kong sabi at nagsimula nang maglakad pero napahinto ako ng hablutin niya ang braso ko.
"Nae Sa-rang, hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad?" Malungkot na tanong niya.
"Hindi. Kaya umalis ka nga sa harapan ko at naiirita ako sa pagmumukha mo. Tabi!" Iritang sabi ko at tinulak siya.
Pero sadyang matigas ang ulo niya at hindi nagpatinag sa akin.
"Nae Sa-rang, alam mong mahal na mahal kita kaya hinding-hindi kita susukuan." Muli niyang saad bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya napahawak ako sa ulo ko.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Teen Fiction💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...