Chapter 19: 4th List- Payback the Bullies
~💖~Mint's POV
Maaga akong nagising ngayong araw dahil may nakakaabang na magaganap ngayong araw. Because i think this day is the perfect time to payback the bullies.
Oras na para ibalik sa kanila ang pakiramdam kung paano mabully at pagtawanan. At walang iba lang naman ang paghihigantihan ko kundi ang Rich Bitch Squad na pinamumunuan ng aking evil half sister na si Cindy-monyo.
Pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Ang makabawi ako sa mga pang-aaping ginawa nya sa akin.
Kaya naman talagang pinagplanuhan ko ang mga gagawin ko ngayong araw at sisiguraduhin kong magngingitngit sya sa galit at kahihiyan.
Pero siyempre, hindi ako nag iisa sa gagawin ko dahil katulong ko WB Squad at si Rod. Yeah, tama kayo ng basa si Rod nga na kasabwat ko rin sa gagawin ko ngayon.
Maaga kaming pumasok nang WB Squad sa University para makapagset up na kami ng mga pranks para sa Rich Bitch Squad.
Unang pumunta kami sa Class room dahil ang RBS ang palaging nauuna sa room ay yun ang una naming sesetup-an.
Naglagay kami ng isang maliit na speaker sa ilalim ng upuan nila at may kasama rin na Fart Bomb na talaga naman napakabaho at amoy utot talaga.
Pagkatapos namin maset up yun ay tumungo naman na kami sa next destination ng prank for the RBS.
Pumunta kami sa cafeteria. Dumiretso kami sa favorite spot ng RBS na kung saan ay dito sila palaging pumupuwesto kapag kakain sila at walang iba na nakakaupo dito dahil kung sakali man ay tiyak na mananagot ito dahil bibigyan nila ito ng matinding parusa na di gugustuhin nang kung sino man. Either magiging slave ka nila or ipapahiya ka sa buong campus.
Kumuha kami ng isang paper plate at nilagyan yun ng heavy cream. Bale apat ang ginawa namin dahil apat sila. Tiyak na kapag naupuan na nila ang mga ito ay nakakarinding tili ang babalot sa buong cafeteria. Ayaw pa naman ng mga iyon na madudumihan ang mga outfit nila dahil nga maarte sila.
Ang sunod naman na pinagset up-an namin ay CR ng girls. Bale sa isang balde ay may pinaghalo-halo kaming mga pintura na ibubuhos namin sa kanila. Inilagay namin yun sa bawat taas ng cubicle ng CR. At si Renz na ang bahala dun mamaya kung paano nya titiyempuhan ang RBS. At may camera pala akong binigay sa kanya para mabidyuhan nya ang mga reaksyon ng mga yun.
And for my last prank ay pagsusuotin ko si Cindy ng Clown costume habang sumasayaw sya ng Switch it up na naka air live na mapapanuod ng buong estudyante ng University.
Papalabasin namin na merong task ang bawat members ng SDT na sasayaw nang nakacostume para sa gaganapin na anniversary ng school.
Sisiguraduhin kong mapapahiya sya ng sobra at pagtatawanan sya ng mga estudyante ng university.
Nagbell na at isa lang ang ibig sabihin nun. Time na para magsimula ang klase, at time na rin para magsimula ang pagpaparusa sa mga Bitch na yun.
Pagkapasok namin ng WB Squad ay kumpleto na ang buong klase pagkaupo namin ay ay saktong pumasok na ang teacher namin.
Nagsimula na ang klase at kasalukyang nagtututo ang teacher namin. Palihim ko naman namang kinuha ang remote na nagkokontrol sa speaker at fart bomb.
Pinindot ko naman ang button at gosh tumunog ito at sumabog na ang mabahong amoy na amoy utot. Nagsilingunan naman ang buong klase maging ang teacher namin sa apat na magkakatabi na RBS dahil magkakatabi sila ay mas malakas yung tunog ng fake utot nila. Maging sila ay nabigla sa nangyari.
![](https://img.wattpad.com/cover/135141666-288-k465571.jpg)
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Teen Fiction💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...