Chapter 34: Its Complicated

855 37 2
                                    

Chapter 34: Its Complicated
~💖~

Mint's POV

It happened so fast. Di ko nalang namalayan na ako na pala ang nahulog sa sarili kong bitag.

Hindi dapat yun ang nangyari. Hindi ito ang nasa plano ko. Wala naman akong ibang dapat sisihin kundi ang sarili ko.

Dahil ang tanga-tanga ko at nahulog na naman ang loob ko sa kanya. Eh masyado rin kasi siyang sweet at caring kagaya nung dati kaya di ko na rin namalayan na mahal ko na ulit siya. Pero ang tanong, paano na ang mga plano ko?

I need to decide the right decision.

And my another problem is Rod. Paano ko sasabihin sa kanya ang totoo? Ayoko siyang masaktan dahil wala naman siyang ibang ginawa kundi ang mahalin ako at alagaan. Pero hindi ko yun kayang ibalik sa kanya. Lalo na't ngayon bumalik ang nararamdaman ko kay Josh.

I tried to love him naman eh, pero hindi talaga nagwork eh. Nakokonsensya na talaga ako. Sobrang laki ng gulo na ginawa ko.

Ngayon, ano na ang gagawin ko? Feeling ko mababaliw na ako sa dami kong iniisip eh. I need to unwind. I want to give peace on my mind.

Since weekend naman ngayon, i decided to joyride the city. I drove as fast as i can. Wala na akong pakialam kahit maaksidente pa ako.

It really gives me chills. And that gives me relaxation. After that joyride i decided to stop by into Daddy Adam's house.

Sa kanya lang kasi ako nakakapag open up ng mga ganito bukod kay Mommy. Kay Daddy Drei? Nah nevermind.

Nagdoorbell na ako pero ang ipinagtataka ko ay ang tagal naman atang buksan. Napilitan tuloy akong kunin yung extra key ng bahay niya na binigay niya sa akin. Binuksan ko ito at nakapagtataka kong napansin na sarado lahat ng ilaw. It's very unusual.

Pumunta na ako sa kuwarto niya. Bahagyang nakabukas ito pero madilim kaya binuksan ko na ang pinto at hinanap ang switch ng ilaw niya.

Laking gulat ko naman na ang bumungad sa akin ay si Daddy Adam at may kasamang babae sa kama niya at pareho silang nakahubad.

"What the hell?!" I blurted.

And as expected ay nagising si Daddy at yung babaeng katabi niya. Agad naman silang nagtalukbong ng kumot para takapan ang hubad nilang katawan.

Papalit-palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa nung babae. I don't know what to feel. Mixed emotions again.

Pero di ko alam na may tumulong luha na pala sa pisngi ko.

"M-mint... I will explain." Nauutal na saad ni Daddy.

"N-no Dad.. No need, sige i'll get going  na Dad." I said at tumalikod na ako sa kanila.

I thought magkakaroon na rin ako ng peace of mind pero mali pala. Mas nadagdagan pa pala.

Akmang bubuksan ko na sana yung pinto ng biglang may humablot sa braso ko.

"Dad..." I uttered.

"I know you're confused right now, Anak. Please hear me out and i will explain." He said. Napatango na lamang ako at hinayaan ko siyang akayin ako papunta sa sofa at naupo kami.

"Mint... I'm sorry kung nakita mo kami sa ganoong sitwasyon. Yung babaeng kasama ko sa kama ay si Rose. Nakilala ko siya dun sa States. Naging magkasintahan rin kami pero nagbreak rin kami for some reasons." Kuwento niya.

"Nang bumalik ako dito sa pilipinas ay nakasama ko ulit kayo. But last month nagpakita ulit siya sa akin, we talked some things and may nangyari sa amin. At kahapon bumalik siya dito and she told me that we're expecting a baby. She's pregnant, so we decided to get back together and bulid our own family." Pagpatuloy niya.

Mas lalo naman akong naiyak.

"Dad naman eh... Ba't sabay pa kayo ni Mommy bigyan ako ng kapatid. Akala ko isa lang ang magiging kapatid ko may dadagdag pa pala. Hindi na pala ako ang princess niyo." Biro ko.

Ginulo naman ni Dad ang buhok ko.

"Ano ka ba princess, ikaw pa rin ang first princess ko okay? Kaya wag ka nang magtampo dahil pareho ko kayong mamahalin." He said then he hugged me.

I hugged him back and then we talked. I already told him what i wanted to say.

"You know, Mint. You don't really have to rely on what the others gonna say. Nasa iyo na ang kasagutan sa lahat ng mga tanong na nasa isip mo. You're the one who started it, so technically you're the one who should end it. Gawin mo kung ano ang sa tingin mong tama. Just make sure you're ready to face the consequences of your actions." He said.

Napabuntong hininga naman ako.

Ano ba talaga ang gagawin ko. Hindi ko pa rin talaga alam. Hindi pa ako handa sa mga kalalabasan ng mga ginawa at gagawin ko. Akala ko madali lang ang lahat pero hindi pala.

I'm on my way to go home when my phone rang. It's Josh.

Nanginginig naman ang kamay kong sinagot ito.

"H-hello..." Bati ko.

"Hi, ladylove."  Bati niya.

"Where are you, love?" Tanong niya.

"A-ah.. I'm just joyriding to unwind." Sagot ko.

"May kasama ka ba? Lalaki ba yan? Sino? Sabihin mo sa akin, love." Sunod-sunod na tanong niya sa akin.

"Ano ka ba, wala akong kasama love. So kalma ka lang diyan. Haha." Sagot ko.

Naging tahimik naman kami ng ilang segundo.

"L-love... I'm sorry..."I uttered.

"Why are you saying sorry, love?" Tanong niya.

Napailing naman ako at pinipigilan kong wag maiyak.

"I'm so sorry for all... Just always remember, i love you. I love you, Josh." I said while crying.

"I love you too, Mint. Always rember that." He said on the other line.

Pinatay ko na ang tawag at tuluyan na akong humagulgol. I let my frustrations, pains go. I need this. Gusto kong ilabas ang mga ito.

Sana mapatawad mo ako sa magagawa ko Josh. Sana balang araw maunawaan mo rin ako.

Sana... Mahalin mo pa rin ako sa kabila ng gagawin ko. Because i will always love you Josh. Ikaw lang.

To be continued...

A/N: NO SPOILERS SINCE 6 CHAPPIE LEFT. I WANT IT TO BE INTENSE. HOPE YOU LIKE THIS CHAPPIE AND SEE U IN MY NEXT UD.

~💖~

A/N: Sorry for the TYPOS guys!!!

Vote🌟 + Comment💬 = Happiness & UD!!!

Follow me here in Watty and Belle Montero WP on FB for more updates.

-belle_iswak4ever

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon