Chapter 38: Getting Wasted

1K 40 15
                                    

Chapter 38: Getting Wasted
~💖~

📢Special Shout Out to: lalisa_jeon_liskook SGRicaAustoriano RicciaReign (the batch 3 please wait on next chappie😊)

Josh's POV

Nagmadali akong kumuha ng gamit sa bahay. Damit at pera lang. Balak ko kasing dun na matulog eh. Hihintayin kong magising siya. Gusto ko sa unang pag-mulat ng mga mata niya ay ako ulit ang makikita niya.

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko sa kaniya. Gagawin ko ang lahat lahat basta gumising lang siya.

Pumasok na ako ng sasakyan at pinaharurot ito papunta ng hospital. Pagkarating ko ay tumakbo na ako para mabilis akong makarating sa room niya.

Marahan kong binuksan ang pinto at nasilayan ko ang napakaamong niyang mukha. Wala pa rin siyang malay... Napabuntong hininga naman ako.

Di bale... May 10 hours pa naman na natitira. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang mga kamay niya.

Para akong tangang panay ang kausap sa kaniya. Pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay nahahawakan at nakakasama ko siya. Kahit hindi niya naririnig ang mga sinasabi ko alam kong mararamdaman niya rin na andito lang ako para sa kaniya.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang hawak ang kamay niya. Nagising ako na mag gagabi na, nakita ko rin sa side table niya na may basket ng prutas. It's from her parents i guess.

Bumukas naman ang pinto kaya napunta doon ang atensiyon. Ang nga magulang lang niya pala... Pero may kasama pa pala sila.... Wait..

"Rod?" Takang tanong ko.

Tiningnan niya lang ako.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"To visit her, obviously." Plain na sagot niya.

Naguguluhan ako...

Nabalik naman ako sa ulirat ng makita kong gumalaw ang mga daliri ni Mint kaya agad akong lumapit sa kaniya.

Umungol naman siya ng mahina kaya pati sila Tito at Tita ay naalarma kaya lumapit rin sa anak nila.

"Mint... Sweetie..." Saad nito sa anak.

Unti-unti namang minumulat ni Mint ang kanyang mga mata... Oh my god.. This is so real.. She's awake! Thank god.

Nang tuluyan niya nang mamulat ang mga mata niya ay parang naninibago siya sa lugar.

"Love..." Pagkuha ko ng atensiyon niya.

Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin at tinignan ako. Ngumiti naman ako sa kaniya ng matamis. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya. At tinignan ako ng para siyang nagtataka.

"W-who... Are you??" Mahina niya sambit pero sobrang lakas ng impact sa akin.

"Love... I'm sorry.." Saad ko at nilapitan ko siya para yakapin pero nagpupumiglas siya na mas lalong nakapagpataka sa akin.

"Why are you hugging me.. Sino ka ba?" Pagtataboy niya sa akin.

Para namang winasak ang puso ko sa mga narinig ko mula sa kaniya.

"Love... Alam kong galit ka sa akin.. Pero please naman wag mo akong biruin ng ganyan." Pilit kong pinasigla ang boses ko.

"Mom.. Who is this guy? What is he saying all about?" Tanong niya sa kaniyang ina.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon