Chapter 8: History Repeat Itself

1K 57 13
                                    

Chapter 8: History Repeat Itself
~💖~

Mint's POV

Life is full of disappointments...

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na pinaglaruan at niloko nya lang pala ako. All this time, pinaniwala nyang mahal nya ako. Ako naman itong si tanga na umasa. Sabagay, sino nga ba ang magseseryoso sa isang katulad ko?

Totoo nga pala ang kasabihan na Ang taong MATALINO sa ACADEMICS, BOBO sa PAG-IBIG. At ngayon, wala akong ibang inatupag kundi ang umiyak at mag mukmok. Sobra akong napahiya, lalo na sa mga best friends ko. Pinagsabihan ko pa sila na papatunayan kong mahal talaga ako ni Josh at di ako nito niloloko pero vice versa lang pala ang kinahinatnan. Sana nakinig na lang ako sa kanila.

At mas nahihiya ako sa sarili ko, ginawa ko pang mas kahiya-hiya ang sarili ko sa harap ng ibang-tao. Mukhang wala na akong mukha na maihaharap sa kanila. I humiliate myself,  Shame on me.

Isang linggo na rin ang nakalipas, pero heto... Basura pa rin. Mas lalo ko nang napabayaan ang sarili ko. Wala rin namang may paki-alam. Palagi lang akong nasa kuwarto, nagkukulong.

Maya-maya ay may kumakatok sa aking pinto.

"Mint, iha. Na-andito ang mga kaibigan mo. Hinahanap ka nila. Nasa baba na sila." Saad ni manang.

"Pakisabi na lang po na natutulog ako. Paalisin nyo na lang po sila." Walang gana kong tugon at binalot ko ang aking sarili sa kumot.

Hanggang ngayon, di ko pa rin lubos na maisip na si Cindy ang puno't dulo ng lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ano ba ang naging kasalanan ko sa kanya at nagagawa nyang pahirapan ako ng ganito? Hindi ba't kapatid ko sya? Dapat ay sya pa ang nagco-comfort sa akin sa mga sitwasyong ganito.

Sobra na ang sakit na dinaranas ko. Do i really deserve this kind of pain? Masama ba akong tao para mangyari ang lahat ng ito sa akin? Tell me, please. Kasi gulong-gulo na talaga ako.

Maya-maya ay mayroon na namang kumakatok.

"Manang, hindi ba't sinabi ko na sainyo na paalisin nyo na lang po sila!" Sigaw ko, sapat na para marinig ito ng tao mula sa labas ng kuwarto ko.

Hindi pa rin ako lumilingon sa may pinto pero naramdaman kong may bumukas nito.

"Tsk, manang ba't ba ang kulit nyo?!" Iritang saad ko sabay napaupo sa aking kama.

Laking gulat ko na lang ng makita ko kung sino ang pumasok sa aking kuwarto.

"Mommy?!" Gulat na saad ko. Nararamdaman ko na rin ang panunubig ng mga mata ko.

"Sweetie..." Mom says and she smiled at me, sweetly.

Agad akong bumangon at tumakbo palapit kay mommy para salubungin ng yakap ito. Niyakap ko ito ng mahigpit, patunay na sobra ko itong na-miss. Then she hugged me back tightly too.

And there, di ko na napigilan ang mga luha ko. I really miss my mom. Lalo na sa mga panahong iyon na kailangan ko ng taong magco-comfort sa akin. At si Mommy lang ang pinaka-compatible.

"I miss you, Mom..." I said while still sobbing.

It's been 3 years since i last saw her. Kaya sabik na sabik akong mayakap at makasama ulit sya. Now i know na may kakampi na rin ako. My Mom and my Daddy Adam.

"I miss you too, sweetie. I'm so sorry kung ngayon ka na lang ulit na-visit ni Mommy. Patawarin mo ako anak." Mom said. And i hear a little sob coming from her.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon