Chapter 29: Such a Great Pretender

1K 63 9
                                    

Chapter 29: Such a Great Pretender
~💖~

Mint's POV

"Sige na Josh, pumasok na tayo baka magsimula na ang klase." Alok ko sa kanya.

Akmang aakbayan niya ako pero agad kong iniwas yun.

"Ahm, Josh alam mong hindi pwede dahil baka may makakita sa akin baka ano pang isipin nila." I reasoned out.

"I understand." Malungkot na sabi niya.

Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya.

"Wag ka nang magtampo, love. We can do whatever a couple do but in a secret way nga lang. But don't worry, in a right time we can do it freely kaya pagbutihan mo ang inuutos ko okay?" I sweetly said.

He smiles and kiss me. Nauna na akong maglakad papuntang classroom ko.

Nakapaskil na sa aking mukha ang malaking ngiti. Yeah, i'm happy. I'm proud of myself, napakadali lang niyang utuin. Akala ko pa naman mahihirapan ako, eh wala ngang kathrill thrill na pakagatin siya sa mga plano ko.

Ngayon ang problema ko na lang ay kung kakagat rin kaya si Cindy sa patibong ko.

Pagkapasok ko ng classroom ay nandoon na ang lahat maliban sa teacher namin. Lumapit naman ako sa pwesto ni Cindy kasama ang mga bitch niyang kaibigan.

"Hi ate." Bati ko sa kanya at ngumiti ng sobrang tamis.

Tinaasan niya ako ng kilay at tsaka tinarayan lamang. Aba't! Kinaganda mo yan?! Pasalamat nga siya at kinareer ko ang pagiging mabuting kapatid ko sa kanya.

"Hoy Cindy! Ang bitch mo talaga. Napakabait nga ng kapatid mo sayo tapos ikaw tinatarayan mo lang!" Sigaw ng isa naming kaklase.

Yumuko naman ako kunwaring naiiyak pero ang totoo ay natatawa ako. Tignan mo nga naman, nasa akin ang simpatya ng mga tao. Sa paningin nila ay sirang sira na si Cindy, nakakaawa. Insert sarcasm on that please. Haha.

Anyway, umupo na ako sa assigned chair ko at agad naman akong nilapitan ng squad.

"Oy bes! Anong drama yun ha? Ba't di namin alam ang ganap?"

"Mabait ka na naman ba ulit sa kapatid mong bruha?"

"Oy ano na?"

Pangungulit naman ng tatlo.

"Ano ba kayo, i'm just acting dahil parte 'to ng bago kong plano." Yan na lamang ang nasagot ko sa kanila.

"Ay taray! May award ka na bes sa pagiging best actress mo. Such a great pretender! Haha." Hirit naman ni Chelsea.

Kaya nagtawanan kami.

I kinda agree with that. I must admit, i'm such a great pretender.

Pumasok na ang teacher namin kasabay naman ng ni Josh at Rod. Well, sila lang naman ang kaklase ko this quarter sa Oozing squad new gen.

Umupo naman sa tabi ko si Josh. Oo nga pala, katabi ko nga pala siya ng upuan.

Ngumiti siya sa akin at pasimple naman akong gumanti ng ngiti sa kanya. Nagsimula naman na ang klase at maigi akong nakikinig sa teacher namin ng bigla akong nakaramdam ng may humawak sa kamay ko.

Napatingin naman ako sa may kamay ko at hawak pala niya. I gave him a what-are-you-doing look. He just shrugged at nakangiting lumingon sa teacher namin at wari mo'y taimtim itong nakikinig pero hawak niya pa rin ang kamay ko.

Napailing na lamang ako at napangiti sa trip ng lalaking 'to. Itinuloy ko na lamang ang pakikinig sa lesson ng teacher namin.

~•~

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon