Chapter 25: Enough of the Drama
~💖~Drei's POV
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napatuon doon ang aking atensiyon. Pumasok sa pintong iyon si Mild. Bakas ang galit at pag-aalala sa kanyang mukha.
Agad naman siyang lumapit sa puwesto namin at nilapitan si Mint at hinaplos ang pisngi niyo ng puno ng pag-iingat.
"What happened to her?" Madiin na tanong niya.
"T-the doctor said her condition was triggered dahil uminom siya ng alak." I said.
"What?! Bakit mo siya hinayaang uminom ng alak?!" Galit na tanong niya.
"H-hindi ko alam na may sakit siya. I'm sorry." Nakayukong saad ko.
"Talagang hindi mo alam dahil wala ka naman pakialam sa kanya di ba? Ni hindi mo nga binigyan ng kahit kaunting atensiyon ang anak ko nung mga panahon na pinagkatiwala ko siya sayo. I regret why i even trusted her to you. Hindi siya magkakaganito kung hindi dahil sa kapabayaan mo!" Galit na saad niya.
"Ganyan ka ba talaga, Drei? Nawalan ka na ng panahon para kay Mint. Nakalimutan mo na may isa ka pang anak. Tayo ang totoong pamilya at siya ang legal mong anak pero mas masahol pa ang ipinaramdam mo sa kanya, itinuring mo siyang parang basura! Nagsisisi ako Drei. Sobra. Sana hindi ka na lang ulit namin pinapasok sa buhay namin kung alam ko lang sana na sisirain mo ang buhay namin!" Umiiyak na saad niya. I want to hug her, comfort her.
"No wag kang lalapit!" Galit na sigaw niya.
Napakuyom naman ang aking kamao. Galit ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sinira ko ang pamilya namin. Isang napakalaking gago ko. Kung puwede ko lang sanang ibalik ang mga panahon na isinayang ko ay gagawin ko. Gusto kong itama lahat ng pagkakamali ko. Aayusin ko ang pamilyang sinira ko. Pero bago ko yun magawa ay kailangan ko munang ayusin ang sarili ko.
"I'm sorry, Nae Sa-rang. Alam kong napakarami ng kasalanan ko sa inyo at alam kong napakalaki ng pagkukulang ko sa inyo kaya sana ay bigyan niyo ako ng pagkakataon na ayusin ang lahat. I want to fix all the mess that i did. I love our family. I love you and our daughter so please give me a chance." Di ko na rin napigilan at napaiyak na rin ako. Wala akong pakialam kung parang bakla na akong tignan dahil umiiyak ako ang importante ay nagpapakatotoo ako sa nararamdaman ko.
I can't lose them. They're my life.
Hindi naman siya umimik kaya mas lalo akong napaiyak. No i can't lose them. I'll do everything to get them back. Hindi ako papayag na mawala sila sa akin.
~•~
Andito ako ulit ngayon sa hospital. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mild kanina ay pansamatalang umuwi muna ako para makapagbihis at dalhin ang mga iba pang gamit na kailangan ko.
Hindi pa rin siya nagigising simula kanina. Gabi na rin at umuwi muna si Mild para kumuha ng mga gamit na kakailanganin ni Mint.
Nakita ko namang gumalaw ang daliri ni Mint na senyales na magigising na ito. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at bakas sa mukha ko ang pagkasabik sa ideyang gigising na siya.
Unti-unting bumubukas ang kanyang mata at ng maka-adjust na siya ay bumaling sa akin ang atensiyon niya.
"Anak..." Sambit ko.
"What are you doing here?" Namamaos niyang tanong.
"I'm here to take care of you..." Malambing na saad ko.
BINABASA MO ANG
Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FF
Teen Fiction💖MBAGR Sequel💖[Bad Ass Series #2]ULTIMATE NERD/DUFF, That's Avrei Mint Hernandez.A girl that is super famous, and stating her popularity,she is a well-known everywhere Specially around their campus. What kind of popularity does she have?? Well...