Chapter 1

313 10 11
                                    

Sa isang simbahan napunta si Angela doon siya dinala ng kanyang mga paa.Sa totoo lang kanina pa siya wala sa sarili niya.Hindi niya rin alam kung bakit pakiramdam niya ang lungkot-lungkot ng araw niya sa ngayon.Nang makapasok siya ay kaagad siyang lumuhod at nanalangin ng buong mataimtim.

" Lord ang lungkot-lungkot ko sa ngayon iwan ko po ba kung bakit.Sana po ipakilala niyo na sa akin ang lalaking mamahalin ko at magiging ama ng mga anak ko.Nakapagtapos na po ako Lord, tapos na rin po ako sa master's degree ko.Ok naman ang sitwasyon ni nanay sa ngayon. Gustong-gusto ko na po magkaroon ng pamilya. Siguro po masarap ang pakiramdam kapag tinatawag ako ng isang paslit na mama o di kaya'y mommy. Nakita ko kasi kanina ang bestfriend ko na si Jade may isang anak na siya at nakikita ko sa kanyang mga mata na gaano siya kasaya.Gusto ko rin Lord maging isang ina.Pero sana po bago mangyari yon makita ko na ang lalaking inilaan mo talaga sa akin Lord.Yon lang po muna ang hihingin ko po Lord amen."

Pagkatapos niyang magdasal ay kaagad rin siyang umalis sa simbahan na iyon.Saka niya tiningnan ang oras sa pambisig niya na relo.Mag- aalasais na pala ng hapon.May ngilan-ngilan na mga tao sa labas ng simbahan at may mga bata rin siyang nakikita na nakipaglaro sa mga kasamahan ng mga ito.Nagpatuloy siya sa paglalakad at maya't maya ay narinig niya na tumutunog ang ang kanyang cellphone. Kaagad niyang kinuha ito sa kanyang bag si tita Florence niya ang tumatawag.

" Hello tita? agad niyang saad.

" Angela ang kapatid mo na aksidente. anang tita niya sa kabilang linya.

" Po? Saan' hospital po tita pupunta ako diyan."tarantang sabi ni Angela sa tiya.

Kaagad na sinabi ng kanyang tita Florence ang pangalan ng hospital sa kanya.Nagmamadali si Angela na pumara ng taxi.

" Manong Sa Don Pablo hospital po" ani Angela sa driver ng taxi.

Habang hawak-hawak niya ang kanyang bag ay hindi niya mapigilan na umiyak.Bahala na kung makita ng driver ng taxi na umiiyak siya.Nag-aalala kasi siya sa kapatid niya na si Angeline. Bakit ba naaksidente ito eh nasa paaralan naman ito?

"Ma'am ok lang po kayo? Narinig niyang tanong ni manong driver.

" Ok lang po ako kuya wag nyo po akong alalahanin wala po to." Aniya.

Maya't - maya ay nakarating na siya sa Don Pablo Hospital. Nagbayad siya sa driver saka bumaba at dali-daling pumasok sa hospital.Tinanong niya ang isa sa mga nurse sa station 1 kung saan kwarto ang kapatid niya.Sinabi niya ang buong pangalan ng kapatid at kung ano ang relasyon niya dito.

" Ma'am wala pa po sa private room ang pasyenteng sinasabi niyo po.Nasa emergency room palang kasi siya ma'am iniobserbahan pa ng doktor." Anang nurse na babae sa kanya.

" Salamat nurse sige pupunta lang ako doon.Saka siya tumalikod at kaagad siyang pumunta sa emergency room.
Madali niya lang makita kung saan ang emergency room dahil magkalapit lang ang bawat building.Kaagad niyang nakita si tita Florence niya at ang kapatid niya nakahiga na walang malay.

" Tita! Tawag niya dito.

Kaagad siya nitong nilapitan at yumakap siya rito.

"Kamusta si Angeline tita? nag-aalala niyang tanong.

" Sabi daw ng doctor kung hindi siya magigising bukas ililipat siya sa ICU. Hindi naman gaano kagrabe ang impact ng fortuner sa kanya dahil nakapagpreno naman daw kaagad ang driver.Pero may gasgas sa ulo ang kapatid mo at may sugat din siya sa bandang kanan ng paa niya.Mabuti nga at mild lang Angela ang nangyari sa kapatid mo eh.Ang ibang kasama niya dito sa emergency room mas malala pa nga eh.Dahil puro vehicular accident ang mga pasyente na naririto ngayon sa emergency room. Saka sabi daw ng driver sasagutin niya daw ang lahat ng bayarin dito sa ospital.

Napailing na lamang si Angela sa narinig sa tiya.

" Bakit na aksidente si Angeline eh nasa school siya tita?

"Hay naku! Sumama sa mga kaibigan niya mampiyesta sa kabilang barangay.Tanghaling tapat kanina umalis sila nagkatuksuhan daw sila ng mga kaibigan daw niya at hinabol siya ng isa sa mga kaibigan niya.Habang ang fortuner nasa di kalayuan na pala at yon nadali siya.Mabuti lang hindi mabilis ang takbo ang driver dahil kung mabilis bangkay na sana ang kapatid mo.

"Kapag magigising yan bukas talaga tita makatikim talaga yan sa akin si Angeline eh."aniya

" Huwag mo munang isipin yon Angela na kung paano mo siya pagagalitan. Ang aksidente parte na yan ng pagkatao natin."ani tita niya.

Napailing na lamang si Angela sa sinabi nga kanyang tiyahin.

" Ma'am kayo po ba ang bantay ng pasyente na si Angeline Cereno?anang tinig nasa likuran nila.

" Ako po" sagot ni tita Florence niya at humarap naman si Angela.

"Magtsecheck lang ako ng vital signs niya ni Miss Cereno". Anang nurse na lalaki.

Habang ginagawa nito nyon ay di mapigilan ni Angela na humanga sa lalaking nurse .Sa unang pagkakataon ngayon lamang siya humanga sa isang lalaki.Ang tangkad kasi nito, gwapo nakaclean cut ang buhok, at parang ang bango bango nito.

" Lord ito na ba ang sagot sa panalangin ko?Agad-agad naman Lord". Aniya sa isip.

Tapos na ang pagcheck ng nurse sa kapatid niya at binigyan nito ng gamot ang tiyahin niya para ipainom sa kapatid niya kapag magising na ito at umalis na rin at pumunta sa ibang pasyente na nasa emergency room.

"Hoy! Angela na pano kang bata ka bakit ka tulala diyan? Anang tiyahin niya.

Kaya napakurap bigla si Angela.

" Wala aunty may iniisip lang po." Sagot niya.

"Bukas pupunta rito ang nakasagasa sa kapatid mo.Ako na lang ang kumausap tapos ikaw muna ang magbabantay sa kapatid mo ha." Anang tiyahin niya.

Tumango na lamang si Angela at inilibot ang paningin sa kabuuan ng emergency room.At tumagil ang mundo niya ng magtama ang mga mata nila ng lalaking nurse. Ngumiti ito ng tipid sa kanya at iwan niya bakit tumitibok ang puso niya ng malakas.Kaya imbis na gumanti ng ngiti rito ay umiwas na lamang siya ng tingin dito.

" Sige aunty ako muna magbabantay kay Angeline. Umuwi muna kayo para makapagpahinga na rin." Aniya sa tiyahin.

" Oh sige ikaw muna dito may pagkain na rin diyan binili ko kanina. Kumain ka mamaya ha" aning aunty at umalis na.

My Affair to Mr.Andropause(ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon